Chapter Forty

9.1K 335 38
                                    

Saktong paglabas ko ng comfort room nang makita ko si Liam na pumasok sa loob ng office ni Mica. Hindi niya nabanggit sa akin na pupunta siya rito.

Madali lang para kay Liam ang maglabas-masok dito sa office dahil sabi nga ni Mica, may share si Liam sa company at partly owner nito.

Nakasimangot na tumitig ako sa pinto ng opisina ni Mica.

Bakit naman 'yon nagpunta dito?

Lumipas ang isang oras pero hindi pa rin lumalabas ng opisina ni Mica si Liam. Malapit nang mag-alas singko kaya naman nag-ayos na ako ng gamit. Hindi ko na pinansin kung lalabas pa ba siya o hindi. Nakasimangot na lang na inaayos ko ang gamit ko.

Bakit ba kasi ako naiinis? Kastigo ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang bigla na lang may yumakap sa baywang ko at bumulong sa tenga ko.

"Let's have dinner together," sabi niya.

Mabilis na itinulak ko siya at tumingin sa paligid. Hindi ko alam kung may nakapansin pero wala namang nakatingin nang lumingon ako.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Sumimangot siya at pa-squat na naupo sa gilid ko.

"Wife..." sabi niya habang nakanguso pa.

Huminga ako nang malalim saka sandaling tinignan siya bago tumango.

Ngumiti naman agad siya at tumayo. Nangalumbaba pa siya sa tabi ko habang nakatingin sa mukha ko.

Naco-conscious ako sa tingin niya kaya naman tinignan ko siya nang masama. Tumayo naman agad siya at naghintay na lang sa tabi ko.

"Mauna na po kami," paalam ng team ko habang nakatingin sa akin sa nang-aasar na mga ngiti.

"Ingat kayo," sabi ko.

"Ang gwapo naman ng boyfriend mo, ma'am," sabi ng isa.

Tumawa lang ako sa sinabi niya at sumenyas na umalis na sila.

Walang nakaka-alam sa opisina ng tungkol kay Adam. Nabanggit ko dati na may boyfriend ako at nag-assume agad sila na si Liam 'yon kahit na sinabi ko sa kanila na hindi. Kahit isang beses din kasi ay hindi ako sinundo ni Adam dito, palaging nagkikita na lang kami sa restaurant kaya naman walang nakakilala sa kanya kahit na isa.

Pagtingin ko kay Liam ay ngiting-ngiti siya.

Inirapan ko lang siya. Kinuha ko ang gamit ko saka tumayo na.

Tahimik lang kami habang naglalakad palabas. Tinangka pa ni Liam na kunin ang bag ko pero iniwas ko 'yon sa kanya at hindi ibinigay.

"Is there something wrong?" tanong niya nang tumigil kami sa harap ng elevator. "May nagawa ba ako?" sabi niya pa.

Na-konsensya naman ako bigla dahil sa sinabi niya. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang ginawa, naiinis lang ako na ang tagal niya sa opisina ni Mica.

"Kanina ka pa rito?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at nakita kong tinitigan niya ako.

Kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator ay ang pag-ngiti niya. Sumakay kami roon. Saktong may hihintayin pa ang mga bagong dating kaya pinauna na kami sa pagbaba. Dalawa lang kaming naging sakay noon.

Kita ko mula sa reflection ng pinto ng elevator ang ngiti ni Liam. Para bang aliw na aliw siya sa kung ano mang iniisip niya.

Mabilis na tinignan ko siya nang masama.

Huminga siya nang malalim saka iniharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka lumapit sa akin ng isang hakbang.

 Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka lumapit sa akin ng isang hakbang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon