Chapter Thirty-two

7.7K 259 39
                                    

Gen

Narito kami nina Mica at Andi sa isang bagong bukas na bar malapit sa opisina. Chill lang din sa bar na ito at may live band pa. Hindi nakasama si Claire dahil daw may date ito at si Josh.

"Ay, ang gwapo!" biglang tili ni Andi na nakapagpatingin sa amin ni Mica sa stage. Naroon ang kasunod na banda na tutugtog. At gaya ng sabi ni Andi, ang gwapo ng vocalist.

Nakangiting tumingin ako sa lalaki habang nakikinig.

Shet! Ang ganda ng boses!

Medyo husky ang boses ng lalaki. Sa pakikinig pa lang sa boses niya, parang matutunaw na ako.

Nasa kalagitnaan ng kanta nang mapatingin sa akin ang lalaki at ngumiti ito. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko nang nanatili siyang nakatingin lang sa akin habang kumakanta.

"OMG. Type 'ata ako ni pogi! Kanina pa nakatitig sa akin!" narinig kong sabi ni Andi.

Hindi ko mapigilang matawa nang kaunti sa sinabi niya pero hindi ko pa rin inalis ang tingin sa lalaki sa stage. Natapos ang isang set na nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta siya.

Nang bumaling ulit ako sa mesa namin ay mapang-asar na ngiti ni Mica ang sumalubong sa akin.

"What?" tanong ko.

Nagkibit lang siya ng balikat saka uminom ng alak.

"Girl, ikaw ba kelan magjo-jowa ha?" tanong ni Andi.

"Hindi naman 'yon napupulot lang sa kalye 'no," sabi ko. "Darating din kung sino mang magiging jowa ko. Na-traffic lang siguro," sabi ko.

Nag-roll eyes si Andi.

"Ang sabihin mo, hindi ka magka-jowa dahil d'yan sa Liam na 'yan! Akala mo ba hindi namin alam na in-love ka sa babaerong 'yon?"

Hindi na ako nagtaka sa sinabi niya. Tingin ko naman din kasi, halata naman kung anong nararamdaman ko para kay Liam. Ang lalaking 'yon lang naman ang hindi nakakapansin. But I think it's better na hindi na napapansin... ayokong masira ang friendship namin 'pag nagkataon.

"It's better if you'll stay away from him, Gen. Alam mo kung paano siyang maglaro lang pagdating sa mga babae. And you know what he did to me!" sabi naman ni Mica.

Nagkibit lang ako ng balikat.

"Don't worry, guys. I don't like him that much." It was a lie. "Kita niyo naman, wala lang sa'kin kung magpakasasa siya sa mga babae. It's just a mere crush. Don't worry too much," sabi ko.

Nakatitig pa rin sa akin ang dalawa, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"It's nothing, I promise," sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay ko.

Magsasalita pa sana ako nang may biglang lumapit sa mesa namin.

"Hi!" sabi nito.

Napatingin ako sa bagong dating at mabilis na ngumiti. Ito ang vocalist ng banda kanina.

Mas gwapo pa pala siya sa malapitan!

"Hi!" sabay-sabay na sabi naming tatlo.

Hindi niya inaalis ang tingin sa akin hanggang sa iabot niya ang kanang kamay niya sa akin.

"I'm Adam. May I know your name?"

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Andi.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng kung ano sa dibdib ko. It's the first time someone introduced himself to me. At ang gwapo pa!

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon