Chapter Twenty-four

7.6K 270 31
                                    

Patakbo akong lumabas ng apartment ko. Katatapos lang ng tawag ni Mica at sinabing hindi raw matigil sa pag-iyak si Claire.

Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi ni Mica pero isa lang ang nag-sink-in sa utak ko. Nag-break daw si Claire at Josh.

Pinara ko agad ang unang taxi na dumaan. Kailangan kong makarating agad sa unit ni Claire dahil hindi na raw ito mapakalma ni Mica.

Sa ilang taon na relasyon nina Claire at Josh ay ngayon lang nangyari na nag-away sila nang ganito kalala. Normally ay nare-resolve nila 'yun na silang dalawa lang at never pang nangyari na umiyak ng sobra si Claire.

Bumaba ako ng taxi sa tapat ng building ng condo unit na tinitirhan ni Claire at sakto ring dumating si Andi.

Nagmamadali pang hinila niya ako at patakbo kaming pumunta sa reception. Tumawag naman ang reception sa unit ni Claire para kumpirmahin ang pagbisita namin at sinagot naman agad 'yun ni Mica.

Umakyat agad kami gamit ang elevator nang pinapasok na kami ng reception.

"Nyare?" tanong agad ni Andi pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa unit.

Nagkibit ng balikat si Mica at may pag-aalala sa mukhang tinignan si Claire na naka-upo sa isang sulok at nakatungo. Dinig pa ang mga hikbi niya.

Lumapit agad ako kay Claire. Naupo ako sa harap niya at hinaplos ang buhok niya.

Yumakap siya bigla sa akin at humagulgol.

Nakita ko pang awang-awa na bumuntong-hininga na lang si Andi.

Kumuha siya ng tubig sa ref at iniabot sa akin habang sumesenyas na ipa-inom ko 'yun kay Claire. Kinuha ko agad 'yun at ipina-inom sa huli.

"Kasalanan ko 'to," mayamaya ay sabi ni Claire nang mahimasmasan siya.

Umiling ako at hinaplos ang likod niya.

"Ako naman kasi ang nang-away sa kanya. Masaya pa kami na naglalakad, tapos biglang nag-selos na lang ako bigla kasi nakasalubong namin 'yung ka-opisina niya na may gusto sa kanya."

Tumingin pa siya sa akin, nagsisimula na namang mamuo ang mga luha niya.

"Nag-walkout ako, akala ko kasi hahabulin niya ako gaya ng lagi niyang ginagawa. Pero nung tignan ko siya, umalis na siya," aniya pa. Sa pagkakataong 'yun ay umiyak na siya ulit nang tuluyan.

"Nung pinuntahan ko siya sa unit niya, nakita kong natutulog siya. Parang wala lang sa kanya na nag-away kami...na baka maghiwalay kami. Sa galit ko, inalis ko 'yung engagement ring namin at tinapon ko sa mukha niya."

Humikbi pa siya saka nagpatuloy.

"That was 5 days ago, Gen. Ilang beses akong nag-punta uli sa unit niya. Ilang beses ko rin siyang tinatawagan pero hindi niya ako sinasagot. Anong gagawin ko?" Palakas na nang palakas ang iyak niya kaya naman niyakap ko uli siya nang mahigpit.

"E ikaw naman pala ang gaga e," biglang sabi ni Andi.

Tinignan agad namin siya ni Mica nang masama pero umirap pa siya sa amin. Lumapit siya kay Claire at naki-simpatya na rin.

"Okay lang 'yan, girl. Marami pa namang lalaki d'yan e."

Lalong lumakas ang iyak ni Claire sa sinabi ni Andi.

"Bwisit ka talaga," pabulong na sabi ko kay Andi.

***

Napakalma rin namin si Claire pagkatapos ng isang oras. Nakatulog siya sa pagod sa kakaiyak. Nasa sala kaming tatlo at nakatunganga lang. Hindi kasi namin maiwan si Claire kahit na kumalma na siya.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon