Chapter Twenty-nine

7.8K 296 19
                                    

Nagulat ako nang bigla akong sikuhin na pabiro ni Kath. Magkakasama kami ngayon ng huli at ni Kim na naglalakad ngayon pabalik galing sa mall na kalapit ng building ng office namin.

"Nagpunta lang ng AU nag-bloom na! Iba talaga ang ate natin!" pabirong sabi ni Kath.

"Oo nga. Naka-bingwit ka ng Australian 'no?" sabi naman ni Kim.

Ngumiti na lang ako at hindi sila sinagot. Binilisan ko pa ang lakad para hindi nila makita ang biglang pamumula ko.

Hindi ko kasi mapigilang maalala ang kahapon. Nang matapos kaming kumain ay nagpumilit si Liam na mag-stay muna sa apartment kahit na sinabi kong gusto kong matulog.

"Let me stay for a while, please?" nag-puppy dog eyes pa siya.

"Gusto ko nang matulog. Pagod na pagod ako sa biyahe e," sabi ko sa kanya.

"Aalis din ako by six. May meeting kasi ako ng gabi. Sige na, please?"

"No."

Kahit na madiin kong sinabing 'no' ay sumunod siya noon sa akin papasok ng kwarto. Humiga ako sa kama dahil hindi ko na talaga kaya ang pagod at antok. Naramdaman kong humiga siya sa kama. Paaalisin ko sana siya pero nagsalita agad siya.

"I'll stay like this," sabi niya habang nakahiga na parang fetus sa pinakasulok. "You won't even notice I'm here," aniya pa.

Napahinga na lang ako nang malalim at hinayaan siya.

Nagising ako matapos ang isang oras na nakayakap na sa akin si Liam. Inalis ko ang braso niya sa pagkakayakap pero ibinalik niya rin 'yon at yumakap pa nang mas mahigpit. Hindi na ako naka-palag at hinayaan siya. Ilang beses na rin bang natulog siya ng ganito pag lasing? Sinisiguro ko lang dati na aalis ako sa kalaliman ng tulog niya kaya hindi niya na ako nadadatnan paggising niya.

"Hoy, Gen!"

Natauhan ako bigla nang marinig ang boses ni Kim. Tinignan ko pa siya sa nagtatanong na mga mata

Sabay naman silang tumawa bigla ni Kath.

"Ayun oh! Iniisip mo 'yong nabingwit mong jowa 'no?" pang-aasar ni Kath.

"Hindi 'no!" depensa ko.

Hinila ko na lang silang dalawa para bilisan nila ang paglalakad.

Malapad pa ang ngiti ko nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa isang restaurant. Mabilis na nawala ang ngiti ko nang makita si Liam...kasama ang supermodel niyang ex. O naghiwalay nga ba sila?

Naramdaman kong nag-init ang mga mata ko.

Heto na naman ako. Iiyakan ko na naman ba ang lalaking 'yan?

Pinilit kong ngumiti at kumawit ako sa braso ng dalawang kasama ko.

"Bilisan na natin. Baka ma-over break tayo," sabi ko sabay hila sa kanilang dalawa.

Nang makarating sa opisina ay nagkulong agad ako sa C.R. Hindi ko alam kung bakit ba nagpapakatanga ako sa lalaking 'yon. Alam ko namang kahit na kailan ay hindi ako papatulan 'non. Masyado lang siyang komportable sa akin kaya nagagawa niyang maging malapit nang wala siyang ibang nararamdaman.

Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili ko. Hindi na ako magpapadala sa nararamdaman ko. Hindi na ako magpapakatanga dahil lang sa lalaking hindi naman ako kayang gustuhin.

Liam

"Bro! Long time no see!" bati sa akin ni Gael.

Malakas niya pang hinampas ang balikat ko.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon