Chapter Forty-three

7.9K 281 28
                                    


"What's the heck is this?" tanong ni Liam nang makita ang ilang sako ng bigas sa kitchen.

"Ah! Oo nga pala, I'll donate those. Kakausapin ko mamaya si Austin para siya na ang mamigay sa susunod na outreach program niya," sabi ko.

Tinitigan ako ni Liam.

"Where did these came from?"

"Xander," sabi ko habang inaayos ang bag ko.

Nang tignan ko siya ay nakatitig pa rin siya sa akin. May bakas ng inis sa mukha niya.

"And why would he give you these? I'm the one who should feed you."

Hindi ko napigilang matawa sa reaksyon niya. Lumapit ako at hinawakan siya sa kamay para ayain na sanang umalis. Pero nang hilahin ko siya ay hindi siya nagpatinag kaya hinarap ko siya.

"Suhol 'yan, okay?" sabi ko at pinisil pa ang ilong niya. "Bayad niya 'yan para dun sa pagpapahiya ko sa sarili ko para lang sa marriage proposal niya kay Mica. Supposedly for 3 months' supply lang pero natuwa 'ata, ang daming binigay."

Nagulat pa ako noong dumating dito sa apartment ang sampung sako ng bigas galing kay Xander. Sabay-sabay niya 'yong pinadala.

Bahagya na siyang ngumiti matapos kong sabihin 'yon at nagkibit ng balikat.

"Well, no wonder. Since it's you we're talking about," aniya at naiiling pang umakbay sa akin.

Umirap ako sa kanya pero nagpa-akay naman papunta sa kotse niya. Naaalala ko pa ang reksyon niya dati nang sabihin ko sa kanyang bigyan niya ako ng pagkain linggo linggo para payagan ko siyang manligaw. That was a joke pero sineryoso niya. Dinalhan niya nga ako ng ice cream, chocolates, at kung anu-ano pa sa opisina.

"Marami ba'ng pupunta sa party?" tanong ko kay Liam nang nasa biyahe na kami.

Tumango siya. "Most of our relatives will be there. It's mom's 60th birthday so they made sure they could come," sabi niya.

Bigla akong kinabahan. Ni hindi pa nga kami official ni Liam tapos makikisiksik ako sa pamilya nila sa pagce-celebrate ng birthday ng Mama niya. Hindi lang talaga ako makatanggi dahil ang ginang na mismo ang tumawag sa akin para lang imbitahan ako.

Napalingon ako nang hawakan ni Liam ang kamay ko.

"Don't worry, I'm sure they'll like you," sabi niya at tumingin pa sa akin sandali.

Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang kamay niya.

***

"I'm glad you came, hija!" salubong sa akin ng Mama ni Liam.

Yumakap pa siya sa akin at nag-beso.

"Happy birthday po, Tita," sabi ko at iniabot ang regalo ko.

Scarf 'yon na matagal ko pang pinag-isipan dahil for sure, marami no'n ang mama ni Liam. Pero ayoko naman na wala akong dala kaya siniguro ko na lang na maganda ang design no'n at hindi mumurahin para hindi naman ako mapahiya.

"Thank you, dear. But you should call me 'Mama', you know."

Bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ng mama ni Liam at dinala sa ilang table. Nilingon ko pa si Liam para pigilan niya ang mama niya pero ngumiti lang siya at pumunta sa isang table at naupo.

"Everyone, I would like to introduce to you my future daughter-in-law, Gen."

Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Binabati ako ng mga nasa mesa kaya naman ngumiti na lang ako. Pasimpleng nilingon ko ulit si Liam na halata namang aliw na aliw sa nangyayari.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon