Chapter 1: Wrong move, my dear

575 10 0
                                    

Ch1:  wrong move, my dear

First day of school ngayon, excited na ako dahil kabilang na ako sa tinatawag nilang 'seniors' or yung mag g-graduate this school year.

Yung tipong eksayted ka kase bagong taon, bagong kaibigan (as if friendly), bagong buhay na ba? Well yan lang ang hindi ko masisigurado, sana nga, maging buhay na.

(Hoy! Magpakilala ka muna animal ka puro ka kuda jan!)

Okay, sige na potangina, magpapakilala ako sa inyo. Ako si Clia Grey De Leon, 16 years old, at fourth year high school student. Dito sa school, gusto kong maging normal at maging isang nerd, alam mo yun, manyakis ako minsan tsaka na te-tempt ako minsan sa nga lalaki lalo na kapag gwapo o di kaya may magagandang pangangatawan hahahahah, oh ayan, konti lang, mas kikilala nyo pa  ako habang tumatagal.

---

Pagkatapak ko palang sa gate ng eskwelahan na 'to, may iba akong naramdaman, pota sana naman naiwan ko na sa dati kong school ang pagka possessive ko sa mga guys, pero yun ang di sigurado.

"Teka asan ba yung room ko?" Bulong ko sa aking sarili. "Wala din akong alam kung asan banda yung mga locker, hays unang araw palang na pre-occupied na yung isip ko" dagdag ko pa.

Wala akong pake kung pagtinginan ako ng mga estudyante dito, masasapak ko 'to isa isa ih.

"Hi miss, bago ka ba dito?" Sabi nung lalaki, badboy at heartbreaker kuno.
Di ko siya pinansin. Pake ko ba sa kanya kung feeling heartthrob siya dito.

"Ang lakas mo mang snob kala mo naman ang ganda mo, mukha namang manang" dagdag pa ni gago.

Binangga ko siya at umirap ako sa kawalan, nag si tinginan at nag bulungan yung mga chismosa, buh pasalamat kayo di ko nilumpo yang pinagpapantasyahan niyo. Kunware naman ang gwapo nya kung makapanglait jusko dzai.

"Hoy! Ang lakas mong banggain siya! Di mo ba sya kilala? Siya lang naman si Lance Feng ang pinakagwapo dito sa campus" ani nung babae. Hindi ko alam kung bakit patay-patay sila dito sa lalaking 'to e, mukhang talampakan ko lang naman.

"Eh ano ngayon?" Sabat ko. Hindi siguro nila aakalain na yung tipong nerd ka tas warfreak at possessive ka at the same time.

Nakakabingi yung katahimikang binigay nila nung binara ko yung babae, akala mo naman kung sino, e halata namang hook-up lang siya nung lance na yun.

Umalis ako dun at sa wakas na hanap ko na din kung saan banda yung mga locker, nag announce sila kanina sa opening program na free kami ngayong araw para libutin ang buong campus para ma familiarize namin at hindi na maligaw, lalo na sa freshmens at tulad kong transferee.

Walang tao dito sa may mga locker na nakabalandra at siguro dahil 10 a.m ngayon ay malamang nasa cafeteria yung mga students.

Hinahanap ko yung Locker ko at bigla akong natigilan nung may humawak sa kanang braso ko. Watdafuqqqq siya yung lalaki kanina, si a-anoo, yung Lance. Oo. Siya nga. Ba't niya ko sinundan, sinusubukan nya ba talaga yung pasensya ko?

"Ikaw! Ang lakas mong banggain ako kanina, sinusubukan mo ba akong ipahiya?!!" Sabi nya. Ba't ako matatakot, e kung ibalibag kaya kita nang magkaalaman na.

"Hoy bitiwan mo nga ako, hayop ka!" Ganti ko sa kanya at nagpumiglas para mabitawan nya ako.

"Alam mo, palaban ka e. Nerd ka ba talaga, ang tapang-tapang mo naman" sabi niya sakin sa sarkastikong paraan. Ang talim ng mga titig nya sakin.

Lumapit siya saken at ramdam ko yung hininga niya. Tinulak ko siya bigla.
"At ano naman sa tingin mo ang ginagawa mo?"  Sambit ko sa kanya.

Jusko wag kang lumapit saken, di ko alam kung anong magagawa ko sa'yo kaya matuto kang dumistansya.
"Huwag kang lumapit sakin, pagsisisihan mo kapag ginawa mo yun" pagbabanta ko sa kanya at tila binalewala niya yung mga sinabi ko sa kanya.

"Eh ano kapag lumapit ako sa'yo anong gagawin mo ha, nerdy girl"  sinabi nya sakin habang may diin yung 'nerdy girl'. Tuluyan siya lumapit saken at ang mas malala di ko na napigilan yung sarili ko. Hinila ko siya at buong lakas na isinandal sya sa mga locker kung saan nakagawa ito ng malakas na ingay.

"Diba sabi ko sa'yo wag mo akong susubukan" nginisihan ko siya at namumutla yung gago. Kanina ang tapang tapang niya tas ngayon parang pusang di pinakain.

Natawa tuloy ako."Oh anong gagawin mo sakin, nerdy girl?" Kinabahan yung badboy kuno, putol putol pa pagkakasabi.

Nagulat ako nung tinanggal niya yung eyeglasses ko, hala potanginang ean. Gago ka! Lagot ka sakin ngayon. Tinaliman ko yung mga titig ko sa kanya, galit ako ngayon. Lalo pa at natetempt na akong gawin yung kanina ko pa pinipigilan.

Diniinan ko yung pag kaka sandal niya sa locker, nilapit ko yung mukha ko sa tenga niya "wrong move, my dear" bulong ko sa kanya at hinila ko yung necktie nya papalapit sakin.

Hinalikan ko siya habang siya hindi nakagalaw sa pagkakatayo. Gulat na gulat siya nung hinalikan ko yung malalambot nyang mga labi.

"Nagkamali ka ata ng binangga Mr. Feng" sabi ko sa kanya habang nakangisi ako at bigla kong hinawakan yung ulo at batok nya para mahalikan ko siya ulit.

Kinuha ko yung eyeglasses ko sa kanya at iniwan ko siyang nakatulala sa kinatatayuan niya. Umalis na ako at di ko napigilan yung pagiging possessive ko.

Hindi ko alam, pinigilan ko yung sarili ko pero, may nag pu push pa din sakin na gawin yun. Lalo na at kasalanan nya din naman yun. Hindi nya ako masisi, sya yung lumapit sakin at hindi ako.

Yan ang napapala kapag nag mamarunong ka at nangmamaliit sa kakayahan ng iba. Una palang yan, Lance.

***

Jeje mode haha. Gagu ka selp, boring ampota

The Nerdy Yet Possessive Girl Where stories live. Discover now