Chapter 12: Fast and Furious

115 6 0
                                    


Chapter 12: Fast and Furious

"Ikaw naman talaga may kasalanan ah!" Pagsisi ko kay Lance na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Oo, nandito kami ngayon sa guidance office gaya ng sabi kanina.

"Ano ba nangyari?" Tanong ng guidance counselor namin sa prof namin kanina na dapat magkaklase sa amin.

"Ganito kase yan miss, pagkapasok ko sa room nila sobrang kalat at puro basyo ng alak ang nakakalat. Mayroon pang hindi pa nabubuksan." Pagpaliwanag ng prof namin kaya nakagat ko ang labi ko.

Napatayo ako bigka at hinarap ang counselor na nakaupo at nakatikod ang dalawang siko sa lamesa. "Miss ganito kase yan. Inosente po talaga ako kaso yung isang yan," sabi ki sabay turo doon sa nag-abot sa akin ng san miguel. "Pinagduduldulan niya yung alak sa akin kahit ayaw ko. Ang sabi ay nagkakatuwaan lang at birthday niya sa makalawa," paliwanag ko sabay turo sa nakikinig na si Lance.

Walang nagsalita pagkatapos noon at halos puno na ang guindace office dahil sa amin. Buong section ba naman namin dalhin dito. "Sige papalampasin ko muna 'to ngayon ha, pero yung nahuli sa aktong umiinom ay bibigyan ko ng detention slip."

Ang iba sa amin ay nakahinga ng maluwag dahil sa narinig pero mas nalukot lamang ang mukha ko dahil sa isipin na mabibigyan ako ng detention slip. "Miss, hindi naman ako mabibigyan ng detention slip hindi ba?" Pagbabakasakali ko. Kapag hindi pumayag daanin sa dahas. Di charot lang.

Umiling naman ito sa akin kaya bagsak ang balikat na bumalika ko sa pagkakaupo. Inis na dinuro ko yung nag abot sa akin ng alak. "Kasalanan mo 'to eh!" Mangiyak-ngiyak kong sambit.

Nanlaki ang mga mata nito at napaatras. "Wala akong alam diyan ha!" Pagmamaang-maangan niya kahit kita naman sa mukha niya ang pagiging guilty. Kingina mo. Gagntihan talaga kita.

"Tama na yan. Ang hindi kasali sa mga uminom pwede na kayong bumalik sa klase niyo, magse-second period niyo na rin. At kayong anim, maiiwan kayo dahil bibigyan ko kayo ng detention slip." Aniya saka kinuha ang slip sa drawer ng lamesa niya.

Nagpaalam na ang prof namin na mauuna na at galit pa rin ito kahit na mabibigyan na kami ng detention slip. Ang sakit lang sa part ko. Inosente ako eh! Bakit ganito ang nangyari sa buhay ko. Charot ang drama kingina.

Tahimik lang ako hanggang sa ako na ang susunod na bibigyan ng detention slip. "Pangalan?" Tanong niya habang nakatingin sa akin na para bang kinikilala niya ako.

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya saka bumulong. "Bibigyan niyo pa rin po ba ako ng detention slip kapag sinabi kong Vanshni Grey D.L Walton ang pangalan ko?"

Ramdam kong nanigas ang counselor sa kinauupuan niya at malalaki ang mga matang tumingin sa akin. Ngumiti naman ako ng matamis sa kaniya na orang walang nangyari. "Hindi naman po ako uminom miss, hindi nga ako amoy alak 'di ba?" Pagtatakip ko sa pagkabigla niya.

"Matagal pa ba iyan, Miss?" Atat na tanong ni Lance na nakatayo na sa harap ng pinto at nakapamulsa at bored na nakatingin sa counselor.

"Ah, s-sige, tapos na rin naman. Hindi ko na ililista si Miss Vaㅡ" she was stuttering while saying those words.

"Clia po," pagtatapos ko sa kaniyang sasabihin. Wala sa sariling napatango ito kaya napangiti ako. "Okay y-you may go."

Naiiling ako habang papalabas ng guidance office. Tangina, kamuntikan na talaga ako ma dentention. Grabe ang ngiti ko paglabas at parang nanalo lang sa lotto. Pero nawala ang ngiti ko nang may gagong humawak sa braso ko.

"Bakit hindi ka binigyan ng detention slip?" Takang tanong ng lalaking nagbigay sa akin ng alak kanina. Ano ba pangalan neto? Kaklase ko 'to pero hindi ko naman alam ang pangalan.

The Nerdy Yet Possessive Girl Where stories live. Discover now