Chapter 10: Crackheads

201 6 2
                                    


Chapter 10: Crackheads

Errors Ahead*




It was a tough day for us in the charity, but still our tiredness and paleness were swept away after hearing the kids laugh and seeing them smile.

I really want to help them. What is the purpose of money if you'll gonna use for some nonsense things.

Nang pauwi kami kahapon, para na din kaming nag bonding ni Dash. Hindi na kailangan pang pumunta sa ibang lugar para mag saya.

He said, we should visit the charity more often. Ang saya lang isipin na may sumusuporta sa mga ginagawa mo. Nakaka proud sa sarili dahil alam mong may napapasaya ka.

Dash he is my bestfriend, my buddy, my partner in crime, my number one fan, and also he is a brother to me. A smile crept into my face as I think of the times when we're still together.

Fuck. When did reminiscing became my hobby? Oh, well, maybe just now.

Nagliligpit ako ngayon ng condo ko. Pupunta dito mamaya si Dash. Anong gagawin namin dito? Malamang kakain, maglalaro ng chess at mag mo-movie marathon. Yeah. Bonding indeed.

Minsan lang siyang umuwi kaya lulubos lubusin ko na. Nalukungkot ako tuwing maiisip kong sandali lang pananatili niya rito. Damn. I felt my chest tightened. He really affect me that much. Now, kahit andito pa siya ay na mimiss ko na siya.

Nagwalis ako, saka ni-arrange ng maayos ang couch. Tsk. Baka magreklamo na naman yun na ‘kababae mong tao, ‘di ka nagliligpit!’. Shit. Napapagod na akong makinig sa preaches niya.

After the ‘general cleaning’, of course naligo ako. Nagbabad ako sa bath tub for 20 minutes saka nag shower. Habang nagsasabon ako ng katawan ay nakita kong walang pinagbago ang hugis ko. Sexy pa din. Di juk lang to naman

Habang nagsha shampoo ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Damn. Ang haba na ng buhok ko. Kailan ba ako huling nagpagupit? Maybe I could ask Dash if he can braid my hair.

Yes, oo. Marunong yun na magtirintas ng buhok. Hindi siya bakla, wala lang talaga akong mapagkakatiwalaang babae sa Org. Siya lang talaga. Saka hindi mo iisiping lalaki ang may gawa nun. I am so proud!

Minsan nga napagkakamalan ko na siyang bading. Fuck. Minsan ko na siyang nahuling sinusulyapan ang dress ko. Naiisip ko rin na baka gusto niyang subukan. Damn. Kakaiba talaga ang lalaking iyon.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. Tsk. Nagsuot lang ng pyjamas at oversized  shirt.  Pinapagalitan niya ako kapag nakasuot ako ng maikli. Para raw akong dalagitang ibinubugaw. Napakabastos ng bunganga! Letse.

Natinag ako at nakabalik sa reyalidad ng marinig ko ang doorbell. Mabuti at hindi niya pinakealaman ang door knob. Baka malaman ko nalang, ginamitan niya na naman ng kung ano ano para mabuksan niya. Bwiset. Sisingilin ko siya sa ibinayad ko sa pagpapalit ng pinto.

Ilang beses ko pang narining ang doorbell at pagkalampag sa pinto. Letse. Ni hindi ko nga matapps ang pagsuklay ko sa buhok. Hindi naman siya siguro nagmamadali hindi ba? Napasabunot nalang ako sa buhok at padabog na tinungo ang pinto at diredretsong binuksan.

“Ano ba ang problema mo Dash at kinakalampag mo ang pinto ko ha? Hindi ka ba marunong maghintay?! Nagsusuklay ako mister, kung hindi mo alam. Letse ka!” sigaw ko. Pero ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang hindi si Dash ang tumambad sa akin.

Dali dali kong sinara ang pinto at napasandal dito. Animal! Bakit nandito ang damuhong iyon? Anong ginagawa niya dito. Ugh. Kung pwede ko lang siyang ibalibag at hilahin pababa ay ginawa ko na.

Lintik na lalaki yun. Ano bang kailangan niya sa’kin. Letsugas. Why Am I having this  feeling na pinagt-tripan ako ng ugok na ito. Can't he stop being an asshole just for the meantime? Mabubugbog ko na talaga ‘to. Gago.

Parang hinahabol ang puso ko ng isang daang kabayo dahil sa bilis ng tibok nito. What the hell?! Damn him. Ano ba kase ang ginagawa niya rito at bigla nalang sumusulpot. Lintik. Sobra pa sa kabute.

Nakarinig ulit ako ng katok. “Ms. De Leon. Hindi mo ba pagbubuksan ang gwapo mong panauhin? Napakabastos mo naman.” Aniya

“Gago ka! Ano ba ang ginagawa mo rito?! Nakakaimbyerna na yang pagmumukha mo! Bakit ka ba sunod ng sunod ha? Para kang timang, umalis ka nga. Istorbo ka!” inis na sigaw ko pabalik.

Damn. Ano ba ang nangyayari ngayon. Hindi ko talaga malaman ang takbo ng isip nito. Animal. Ang sarap niyang bangasan.

“Buksan mo na. Nagpapakipot ka pa, eh.”

Inis kong binuksan ang pinto at saka siya dinamba. “Gago ka! Ano bang nakain mo at bigla kang naulol?!” sikmat ko habang pinagtatadyakan. “At bakit ka pumunta rito? Hoy! Abusado ka, ‘lam mo yun?! Feeling Close kang bwiset ka! Uwi!” nanggagalaiting sigaw ko.

Habol ko ang hininga habang nakayuko at nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod.

Narining kong dumaing ito dahil sa sakit. Animal ka. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin siya sa condo ko. Ipapabugbog ko nalang siya kay Dash. (Evil grin)

Kagaya ng inaasahan ko ay nagulat din si Dash nang makita ang bugok na iyon. Nagsukatan lang naman sila ng tingin buong araw at ako naman ang hindi nila pinansin.

Mga gago!

Kung magsusukatan lang din naman pala sila ng tingin ay sana hindi ko nalang sila pinatuloy dito. Ang akala ko pa naman ay magsusuntukan sila, pero walang nangyari. Sayang.

Mga Tatlong oras lang naman silang nanatili rito at panay ang bantay nila sa galaw ng bawat isa sa kanila. Ay sana sinabi niyo, hindi na sana ako nag abala pang maghanda kung hindi man lang ito kakain.

Naiisip ko na baka bakla ang isa sa kanila. Aware ba sila sa BL? (Boys’ Love). Hindi na ako magugulat kapag narinig kong nagkatuluyan silang dalawa.

Kahit ako ay nainip sa kakapanood sa kanilang dalawa, wala na silang nagawa noong paalisin ko sila at saraduhan ng pinto. Mga istorbo! This was supposed to be my bonding with dash! Lagot sa akin yung Lance Feng na iyon! Kapal ng mukha!

Heto ako ngayon, nag-iisa, naglalakabay sa gitna ng dilim. Di, joke lang. Eto na talaga. Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Tinignan ko naman ang alarm clock ko. It's already past six in the evening.

I don't feel like eating something gusto kong matulog pero hindi ako makatulog. Tangenerns iyan. Gusto kong maglaro ng Mobile Legends kaso wala ako sa mood baka maubos lang ang star ko roon.

Malapit na akong mag mythic! Hay, kung hindi ba naman kase gago si Lance e di nakapag bonding kami ni Dash. Namiss ko pa naman iyon.

Dahil wala akong magawa ay nagpamusic nalang ako sa bago kong cellphone. Isa pa ito, nagastusan pa tuloy ako. Pero okay lang nangyari na eh.

Tamang soundtrip lang, talukbong ng kumot at saka ipikit ang mga mata. Damhin ang malamyos na musika. Matutulog na ako.


Lunes ngayon ay syempre may pasok na naman. Hindi ko alam kung masigla ako kahit wala namang okasyon. Good mood na ba ako nito?

Hindi na ako nagtagal pa sa pag-aayos ng sarili. Tamang suot lang ng malaking eyeglass at pigtail na pagkakatali ng buhok, ready to go na.

Pagkadating ko sa school, syempre mayroong ibang nang-aasar at nanglalait sa akin. Ganoon pala ang pakiramdam ng mga nerd na pinagt-tripan, masakit pala. Dahil iba ka sa kanila ay wala silang pakialam sa nararamdaman mo.

Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang mga tingin nila. Dudukutin ko iyang mga mata niyo, sige! Ang aga-aga ay nambibwiset.

Hindi naman ako artista pero pinagtitinginan ako. Oo, alam ko na. Para aking manang sa suot ko. Nerd nga diba. Tapos may malaking salamin sa mata, okay na?

Ang lakas ng trip ng mga ito. Hindi naman inaano. Hindi pa rin naaalis ang mga tingin nila sa akin. Sabihin naring nakatingin sila sa likuran ko.

Bago pa ako makalingon ay may umakbay na sa akin. Hindi ako umangal dahil kilala ko ang may-ari ng pabangong iyon. Dash.

Siniko ko ito nang marinig ko ang mahinang paghalakhak niya. Bwesit. Ito na nga ba ang sinasabi ko ih, ang pagtatawanan ako ng ugok na ito kapag nakitang ganito ang suot ko.

Sanay kase siyang leather skirt at boots ang suot ko. Pero ngayon hindi ko alam kung paano ko I didescribe ito. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginagawa niya. Fuck.

Inis na inalis ko ang akbay niya. “What the hell are you doing here?” tanong ko na may halong inis.

Inayos naman nito ang polo niya. Wait? Polo? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka complete uniform.

“Dito ka mag-aaral?” hindi makapaniwalang sigaw ko, kaya naman nakuha namin ang atensiyon ng ibang estudyanteng naglalakad.

Umismid naman ito, “Hindi ba halata? Alangan maging janitor ako? Naka uniform nga diba? Engot.” Sagit niya na may halong sarkasmo.

Dahil sa inis ay nabatukan ko siya. “Bakit ka ba nambabatok!” reklamo niya sabay himas sa batok niya.

Napalakas siguro yung hampas ko dahil bahagya siyang napayuko. Tanginang kamay ito, napaka brutal naman yata.

“Eh ikaw kase! Tinatanong kita ng maayos tapos sasagot ka ng sarkastiko riyan!” sigaw ko sa mukha.

“Ano?! Kelangan ilapit mo talaga iyang panget mong mukha sa mukha ko, ha?” reklamo niya rin sa mukha ko.

Tinulak ko naman ang mukha niya palayo sa akin saka siya sinapak, “required ba na may talsikan ng laway, ha?! Gago ‘to!”


Aambaan pa sana ako nito ng sapak ng may sumita sa aming guro. “May problema ba kayong dalawa?” tanong ng guro sa amin habang inaayos ang salamin na malapit ng malaglag.

“Eh siya kase ih!”

Sabay naming turo sa isa’t isa. Kaya hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nandito siya mag-aaral. Ang sarap niyang ipalapa sa leon!

“Ako na naman!” sabay na bulyaw namin sa isa't isa. “Teka nga! Bakit ba kayo nag-aaway?” mahinahon niyang tanong habang inaawat kami.

Ako naman itong parang tigre na nakaamba pa rin ang kamay sa kaniya para mabatukan ko. Tinignan naman niya ako kaya naibaba ko iyong kamay ko.

“Bakit kayo nag-aaway?” tanong Niya ulit.

“Eh siya kase! Nambabatok nalang bigla!” sumbing ni Dash. Luh. Gago! Ako pa ngayon may kasalanan.

Tinignan naman ako ng teacher na nakataas ang kilay. “bakit ka nambabatok?” tanong niya sa akin.

Napanguson naman ako at saka inirapan si Dash. Gago ka. Lagit ka sa akin mamaya. “Tinalsikan niya ako ng laway niya ih! Ang lapit lapit niya nginungodngod yung mukha niya sa akin!” parang batang nag ta tantrums na sumbong ko rin.

Napabuntong hininga naman ang teacher sa inis sa aming dalawa. Baka atakihin sa puso! Ede waw.

Nagpapasiringan pa rin kami ni Dash ng tingin at naguusap gamit ang mata. Lagot ka sakin mamaya. Bubugbugin kita hanggang sa hindi kana makatayo, yawa ka.

“Magkaano-ano ba kayong dalawa?” tanong ng titser.

“Magkapatid”

“magbestfriend”

Sabay na sagot namin kaya naman napatingin kami sa isa't isa. “Anong ba talaga?!” nauubos pasensiya niyang tanong.

Dahil sa sobrang dami niyang tanong ay iniwan namin siya roon na nakatanga at hindi makapaniwala.

“BAHALA KA DIYAN!” sabay na sigaw namin sa kaniya saka naglakad palayo. Pareho naman kaming natawa sa pinaggagawa namin. Parang kanina lang ay nagsasapakan kami tapos ngayon ay tumatawa na.


Tumigil ako sa pagtawa saka tumikhim. Tinignan ko naman siya na ngayon ay inaayos ang nagusot na polo. Tumingin naman ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Damn.

“Huwag mo sabihing may gusto ka sa akin Grey, babatukan talaga kita,” banta niya sa akin habang hinahanap ang magiging kwarto niya.

Anong grade nga pala ang papasukan niya? He is a transferee saka, second quarter na ngayon. Sana kung dati palang ay nagsabi siya eh di sabay kaming nakapag-enroll.

Ngumisi ako saka tumingin sa kaniya, “eh ‘di ko sasabihin” pang-aasar ko.

Napaatras naman ito dahil sa sinagot ko. Nakaawang pa ang mga labi niya at kumurap-kurap ng ilang beses. “You d-do?” tanong niya.

Napahalakhak naman ako. Engot, malamang hindi. Akala mo ha, asyumero kang ugok ka. Akala mo naman magkakagusto ako sa’yo. Nakita ko pa siyang sumimangot dahil sa tinawanan ko siya.


Nakutusan pa tuloy ako dahil sa kagaguhan ko. “Huwag mo nga akong tawanan!” sikmat niya.

Nahampas ko pa ang balikat jiya dahil sa tawa, pigil ang tawa ko dahil ayaw kong makutusan ulit. Tangina ang sakit kase.

“Eh, engot ka kase! Dakilang asyumero, haha!” asar ko habang nakahawak sa tiyan at tawa pa rin ng tawa.

Tangina’ng iyan, haha.

Napasabunot naman ito dahil sa inis at iniwan ako sa hallway. Sinigawan ko ito ngunit parabg wala itong narinig at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Napangisi ako. Saan ka pupunta? Gago, maligaw ka sana. “Bye bye! Nandito na yung room ko! Maligaw ka sana!” sigaw ko sabay tawa.

Napailing  nalang  ako.  Kaya wala akong pagkailang na nararamdaman kapag siya ang kasama ko kase nagkakasundo kami sa halos lahat ng bagay.

Kung nagkaroon lang sana ako ng kuya. Gusto kong matawa sa iniisip ko, impossible. Hindi ako magkakagusto  sa iyo Dash. Kuya na ang turing ko sa iyo at hindi ko gustong mawala iyon.

Napangiti ako. Papasok na sana ako nang may dumamba ng yakap sa akin. Tangina! Dahil sa gulat ay nasuntok ko ang hinayupak na lumapastangan sa akin

“Aray!” reklamo niya nung Lumagapak  ang kamao kovsa mukha niya.

Nagulat kase ako hindi niyo ako masisisi kung ganoon na lamang ang nagawa ko. Si Lance lang naman ang nasuntok ko.

Napayuko naman ako dahil sa hiya. Tangina. Hindi ko naman sinasadya. Napa angat ako ng tingin kay Lance na ngayon ay pinupunasan ang dumugong labi.

“Sorry, hindi ko sinasadya!” sigaw ko saka yumuko ulit.

“Tsk. Hindi ka mukhang nerd dahil sa lakas mong sumuntok. Ay teka, black belt—” hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at tinakpan ko ang bibig niya.

Walang ibang nakakaalam na black belter ako sa taekwondo. Kung bakit ko pa kase siya niligtas nung muntik na siyang mabugbog doon sa bar. Kingina.

Hilaw akong napatawa saka siya hinila palabas. Pagkalabas namin ay sinapak ko siya kaagad.

“Ano ba?! Kanina ka pa ah! Nakakadalawa kana!” reklami niya habang hinihimas yung nasapak ko

Napairap naman ako. “Huwag mo nga ipagsabi na Black belter ako sa taekwondo!” pigil sigaw kong sabi sa kaniya. “Kapag may ibang nakaalam niyan, babasagin ko yang bungo mo!” banta ko sabay duro sa kaniya.

Natawa naman ito. Tangina, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Napataas ang isa kong kilay, “Ikaw lang ang kilala kong nerd na ganito katapang,” naiiling na sabi niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan at parang binagsakan ng langit. Bakit napakabobo ko?! Bakit hindi ko naisip iyon? Tangina. Nerd ako at hindi basagulera, takte yan.

Napaiwas ako ng tingin, “self defense lang naman yun!” pagmamaktol ko.

“Sabi mo eh.” Sagot niya sa naglakad palayo.

Nasapo ko na lamang ang noo ko. Bakit ba hindi ko naisip yun? Lagot talaga siya sa akin laoag may pinagsabihan siya. Talagang mababanatan ko ang tukmol na iyon.

*



A/N: annyeong! Sorry kung ngayon lang ang update, kase inuuna ko yung fantasy story ko eh, sana basahin niyo rin! Paki visit nalang ng profile ko.

Fantasy Story:
KLAETRIA, INSTITUTE OF MAGICS

Don't forget to follow me and vote for the story! Babawi ako! Kamsahamnida!





The Nerdy Yet Possessive Girl Where stories live. Discover now