Chapter 11: Jealous

139 8 1
                                    

Chapter 11: Jealous

Pagkatapos ng klase namin na pang-umaga ay agad akong umalis sa classroom pero hindi pa man ako nakakalabas ay may tumawag sa akin. Paglingon ko ay si Mariel pala.

“Mariel, may kailangan ka? May pupuntahan pa kase ako ih,” agad na sabi ko nang makalapit siya sa akin.

Pupuntahan ko si Dash. Gusto ko sabay kaming kumain ng tanghalian saka magpapalibre ako sa kaniya. Masyadong marami ang pera noon. Siya ang gagawin kong taga-bayad ng mga binibili ko.

“Pwede ba akong sumama sa iyo?” tanong niya sa akin. Ayaw ko naman tumanggi. Gusto ko sanang dalawa lang kami ni Dash kaso ayaw ko naman na magtampo siya sa akin kaya pumayag nalang ako.

“Bumisita raw kayo sa Charity,” pag-uumpisa ni Mariel. Naglalakad kase kami ngayon sa corridor. Yung iba pinapatid ako, pero hinahayaan ko nalang. Nasanay na rin naman ako.

Pagkasabi niya ay napatingin ako sa kaniya. “Sino may sabi sa iyo?” nagtatakang tanong ko.

Wala naman akong matandaang pinagsabihan ko. At isa pa walang nakakaalam na sa school lang ako nerd at sa totoong buhay ay ibang pagkatao ang gamit ko.

“May nakapagsabi lang sa akin,” sagot niya.

"Oo, kasama ko ang bestfriend ko. Nakasanayan na kase namin iyon eh," pagpapaliwanag ko kaya naman ngumiti siya sa akin.

"Para sa isang nerd, hindi ko masasabing nerd ka talaga," baling niya sa akin.

"Ah, sabi nga nila. Mukhang napansin mo rin," hilaw akong natawa sa sagot ko. "Bakit ano ba ako sa tingin mo?" Tanong ko sa kaniya habang papasok na sa cafeteria.

Nakita kong humigpit ang hawak niya sa strap ng backpack niya kaya naman nagtaka ako. "Wala naman. Hindi ka kase katulad ng ibang nerd na kapag pinagti-tripan ay magmumukmok lang sa tabi at iiyak. Ikaw kase yung tipo na papatulan mo kung sino yung nang-aaway sa iyo." Paliwanag niya.

Masyado ba akong halata? Pinag-iigihan ko naman ang ginagawa ko ah. "Bakit kapag nerd ka wala ka na bang karapatang lumaban? Ano 'yun talunan ka nalang hanggang huli? Hindi pwede yun!" Sambit ko habang hinuhugot yung upuan.

"Tama ka naman," pagsang-ayon niya sa sagot ko. "Anong bibilhin mo? Ako nalang bibili," tanong niya habang kumukuha ng pera sa pitaka.

Napatingin ako sa wallet ko. Tangina. Wala akong cash. Card lang nandito, hindi kaya maghinala siya kung iyon ang ibigay ko? Bahala na nga.

"Oy, libre ko nalang. Bili ka ng kahit ano, damihan mo ah gutom ako eh" nakangiti kong sagot sabay abot ng Black Card.

Natigilan ito saglit. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa card ko at sa akin. "Sa iyo yan?" Pagtukoy niya sa black card.

"Oo, may problema ba?" Naguguluhan kong tanong. Bakit parang big deal yung black card sa kaniya?

"Ah wala. Akin na bilis," aniya sabay hablot sa card at ibinulsa. "Mamaya niyan ay may magnakaw mababaon pa ako sa utang kapag naiwala ko 'to" aniya sabay tingin sa paligid.

Pagkatapos ay umalis siya at pumila sa counter para bumili. Ang daming pagkain. Iningudngod ko ang mukha ko sa lamesa saka bumuntong hininga. Hay, naiinis ako. Gago kase si Lance. Isa pa ang damuhong iyon.

"Ano ba?!" Singhal ko nang may gumulo sa buhok ko.

"Bakit ka galit?" Nakataas kamay na tanong ni Dash. "Huwag mong guguluhin buhok ko! Epal ka talaga," reklamo ko sabay dukdok ulit sa lamesa.

"May problema ka ba grey?" Tanong niya nang makaupo sa katapat kong upuan.

"Wala naman akong problema, saka Clia ang itawag mo sa akin dito sa school, pang nerd yun eh. Badass yung 'grey' eh," pag-bibiro ko.

The Nerdy Yet Possessive Girl Where stories live. Discover now