Chapter 4: Dead End

251 10 0
                                    

Lance's POV

Maaga akong nagising ngayon. Di ko alam kung bakit basta isa lang yung iniisip ko mula kagabi yung pag halik saken nung nerd.

Hindi siya normal na nerd, yung tipong  kada galaw niya, matutulala ka sa kintatayuan o kinauupuan mo. Ang hot ng dating niya kahit pa pang manang yung suot na damit.

Di ko alam ba't iniisip ko siya. Napagtanto ko na, ayaw nya palang tinatanggal yung eyeglasses niya. Kaya ba bumulong sya saken ng 'wrong move, my dear' saka niya ako hinalikan.

Parang na stun ako, di ako makagalaw. Tila may malakas na enerhiya ang bumalot saken nung hinalikan niya ako.

Para bang, expert siya sa paghalik kahit na nerd siya. Hindi na ako tuluyang nakagalaw, at hinayaan ko nalang yung malambot niyang labi na dumapat sa labi ko. Hindi ko alam, bakit hindi ako nag pumiglas nung ginawa niya saken yun. Yung pag hawak niya sa batok at ulo sobrang higpit.

Nag ring yung alarm clock ko.
Bigla akong natauhan dahil 6:30 a.m na. Agad akong nag madali naligo, nagbihis at nag almusak saka umalis. Ni hindi ko na nakasabay si mom at dad dahil umalis na sila oara sa business trip sa Japan.

"Lance, anak, kain ka na. Niluto ko yung paborito mong ham at corned beef with cheese" sabi ni nanay Helen. Si nanay helen yung nag aalaga saken, simula nung 4 years old ako hanggang ngayon kahit na 17 na ako.

"Anak, tulala ka yata. May iniisip ka ba?" Dagdag pa niya. Hinawakan niya yung braso ko at niyugyog ako ng marahan para matauhan.

"Ah, eh, okay lang po ako nay helen. May iniisip lang ako" sabat ko at, umupo na sa upuan at kumuha ng ham at corned beef with cheese. Nilagyan na ni nanay helen yung Plato ko ng kanin. Talaga maalaga si nanay helen saken. Isa pa, only child ako.

"Ang sarap po ng luto niyo nay helen. Sabayan niyo po ako, please" nag papa cute na naman ako sa kanya na parang tanga. Kahit anong pilit ko hindi niya ako sasabayan. Kase madami siyang ginagawa.

"Oh  sige anak, pero saglit lang kase madami pa akong gagawin" umupo siya sa katapat kung upuan at di ako makapaniwala dahil pinag bigyan niya ako ngayon. Hindi na ako magtataka ba't nag tagal siya dito kahiy alam kong spoiled brat ako minsan.

Natapos na akong kumain at nagpaalam na ako na umalis para pumasok sa school. Syempre nag toothbrush muna ako bago umalis.
May sarili akong kotse at saka malapit lang sa subdivision namin yung school na pinapasukan ko.

Pagdating ko sa school ay nag park agad ako ng sasakyan at biglang bumaba. Araw araw nalang ganito yung nagyayari, mag aabang yung ibang students dito para makita ako at mag titilian.

Nung nakaraang taon, students day yun, naka tux ako purmado, parang ikakasal lang gago. Pag kita saken nung babae, tangina hinimatay.

Agad akong tumakbo dun sa babae at dinala namin sa clinic. Agad naman akong umalis, di ko naman kilala yun saka ako pa din yung dahilan ba't nahimatay siya.

Okay, ayun nga, bumaba sko ng sasakyan at tinungo ko yung classroom namin. Pag kaupo ko, saka din dumating si Ms. Melissa yung teacher namin.

Ayun, nag pakilala kami isa isa sa gitna at pagkatapos nun ay agad namang dumating si Mariel. Ang ganda ganda ni mariel pero ni minsan wala akong naramdmang kakaiba para sa kanya. Pero nung hinalikan ako nung nerd, iba talaga e. Ang gaan ng pakiramdam ko.

Speaking of that nerd. Kakadating niya lang sa pinto hingal na hingal na para bang hinabol ng isandaang aso.
Binigyan siya ni ms. Melissa ng mineral water at agad naman niyang ininom yun.

Tangina nakalahati niya agad. Ibang klase tong babae na 'to. Siya na ba yung nerd na magpapalambot sa puso ko?

"Are you the transferee from Xiangheng High?" Tanong ni ms. Melissa at tumango lamang siya, pinapasok niya ito sa room, at waw, laglag na namn yung panga niya.

Napalinga linga siya at nagukat kung gaani ka lawak yung classroom at natigilan siya nung nakita niya yung aircon.

"Could you please introduce yourself to us" sabi niya dun sa habang hinihila  pa punta sa gitnang bahagi. Sa harapan. Tumango lang ulit ito, speechless lang.

Talaga wala siyang masabi, bukod sa maganda ang classroom, maganda yung teacher maganda din yung treatment dito.

"Good morning everyone, I am Clia Grey De Leon, 16 years old from Xiangheng High" pakilala niya at ngumiti lamang. Lahat kami nakatingin sa kanya, ang ganda ng eyeglasses na.

Yung mga mata niyang mala gray.  Di ko alam if  nerd ba talaga siya. manang kung manamit pero hot pa din. Well, i must say, maganda nga talaga siya.

Sumigaw si Bella, at gusto nyang magpakilala ulit si nerdy girl. Mukhang pati siya hindi kumbinsido sa babaeng to.

"Please tell us more about yourself Ms. De Leon. Nakabitin naman kase ng introduction mo" sabi ni bella. Kahit kailan talaga maldita siya, lahat ng transferee kinakalaban niya. Pero ewan ko lang, mukhang palaban si nerdy girl.

"Again, good morning everyone. I am Clia Grey De Leon, 16 years old from Xiangheng High. Facts about me, I am a Campus Journalist, awarded as with high honors with an average of 97.375. My hobby is breaking someone else's neck, those who are being spoiled brat inside the classroom. That's all, Gomawo."

Hindi siya nag patinag sa pagiging maldita ni bella. Palaban nga talaga siya. Wait, tama ba pag kakadinig ko, with high honors? 97.375?

Anak ng tinapa, paano siya nakakuha ng ganon ka taas na grado samantalang yung nerd na kaklase namin dati hanggang 95 lang.
Bookworm ba siya?

Possessive pronouns yung topic namin ngayon. Sobrang basic para saken. Alam kong matalino ako pero tamad talaga akong mag aral. Hilig ko lang ay, party, mag ditch sa class at mag hanap ng hook ups. Tatawagin ba akong badboy kung mabait ako. Nakaka gago.

Gusto ni ms. Melissa na mag bigay ng sentence gamit ang possessive pronouns. Ang dali. Agad kong tinaas ang kamay ko, nag babasakaling tawagin ang pangalan ko, para makapag recite.

"Okay Mr. Feng, give us an example sentence using possessive pronouns" nakangiting sabi ni teacher melissa. Agad naman akong tumayo para i recite yung nabuo kong sentence sa isip ko. Wag nang magpatumpik tumpik pa, larga.

"Clia Grey De Leon is mine"  sabi ko at bahagyang natigilan si nerdy girl, habang yung mga kaklase nag titilian na. Kung ano anong pangaasar yung naririnig ko.

Di ko akalain na seseryusohin niya yun. Tumayo siya bigla sa kinauupuan niya nilingon ako ng may galit sa mga mata niya.

Nilapitan niya ako at hinila niya yung necktie ko, kung saan napalapit ulit yung mukha ko sa mukha niya.
Natigilan ako at hindi na naman ulit ako makagalaw sa ginawa niya.

"kelan mo pa ako naging pag mamay ari Mr. FENG? Nginisihan niya ako nang nakakabaliw, at nag tiliian yung mga kaklase namin at biglang sumalungat si Teacher Melissa.

Wala akong nagawa nung hinila niya ako palabas ng room at dinala sa boys room. Hindi ako makapaniwala ng isa siyang nerd pero ang lakas niya oara maging isang babae.

Ang higpit ng kapit niya sa braso ko habang hinihila niya ako. Hindi ko nagawang magpumiglas dahil sa gulat at takot, baka kung ano na naman ang gawin niya saken.

---

Next chapter yung part 2 guys. Please vote.

_claraUgh

Kikiligin na ba ako neto? Jeje days ng pag susulat haha

The Nerdy Yet Possessive Girl Where stories live. Discover now