Chapter 7: The Black Belter

220 4 0
                                    

Isang linggo din ang nakalipas nang lumipat ako sa condo ko malapit sa school. Yun nga lang ay medyo na h-home sick ako. Miss ko na si mom at dad.

Kaso pag bumisita ako dun e wala sila para sa business proposals nila kasama si Mr. Feng. Sa dinami dami ba naman ng pwedeng maging business partner e ba't yung daddy pa talaga ni lance.

Speaking of Lance, kamusta na kaya yun di kaya namaga yung labi nun?
Amboring naman dito, ginugutom ako.

Few moments later*

"Hala, anak ng tinapa wala man lang pagkain sa ref? Kahit kendi wala na" sigaw ko na bumalot sa buong condo ko. Ahhh lintik kelangan ko na mag grocery sa kalapit na supermarket.

Dali dali kong sinuot ang jacket ko at kinuha yung wallet kong may gold card at VIP card. Kinuha ko na din yung susi ng kotse ko.

Pagkababa ko sa ground floor ay agad kong tinungo yung sasakyan ko at nagmadaling pumunta sa supermarket. Dahil sa matinding gutom, dumaan ako sa Greenwich para bumili ng lasagna.

Pagkatapos ko ay nag grocery na ako, yes syempre di ko kakalimutan yung wiggles peyboret ko yun e. Saka yung Pic-A. Umuwi agad ako at agad na nag meryenda.

"Maka pag bar nga muna" sabi ko sa sarili dahil nakakaramdam ako ng pagka umay. Agad akong pumunta sa kalapit na bar at syempre palagi ako diti kaya naman kilala na ako ng ibang bouncer.

At yun na nga, ma papa potangina ka nalang kase ayaw akong papasukin nung guard.

"Teka, kuya baguhan ka ba? Imposible namang di mo ako kilala" sabi ko sa kanya habang nanlilisik yung mga mata ko sa galit. Tangina neto, kulang pa yung nainom kong champagne sa condo ko tas di mo ako papasukin.

"Miss, underage pa po kase kayo, rules po kase-" hindi ko na siya pinatapos at pinakita ko sa kanya ang VIP Card ko galing kay dad. Nabigla yung guard, natauhan siya nung dumating bigla nung hinawakan siya ng kasama niya sa balikat, saka ito nag salita.

"Benson ano ba ginagawa mo, di mo siya kilala? Isa kang malaking tanga, si ma'am grey yan palagi yan dito. May VIP card yan" sabi niya dun sa benson. Siya si kuya Tom, siya yung nakakilala saken dito. Tsaka mapagkakatiwalaan yan. Tumango lamang yung ano, si benson.

"Kuya Tom, pagsabihan mo yang bata mo na kelangan nyang tandaan yung pagmumukha ko para pag pumunta ako ulit dito wala nang hassle" tikhim ko at inirapan ko siya. Saka na ako pumasok sa bar. Kinuha ko yung VIP card ko at binigyan ko sila ng tip. Jusko dzaii.

Pag pasok ko, dumiretso na agad ako sa may counter at uminom. Jusko tatlong shots palang umiinit na yung buong katawan ko.

"Oh ano! Gago ka!potangina mo" sigaw nung boses sa di kalayuan kaya napalinga linga ako sa paligid. Nakita ko yung lalaki, pinag susuntok niya yung isang lalaki. Kaaway niya ata.

Syempre lumapit ako, ayokong may gulo sa bar kung nasan ako nag chi chill, tas ano, may mag bubugbugan dito. Pukinginang ean.

Hinawakan ko yung balikat nung lalaking nanuntok dun sa isa. Laking gulat ko nang makita ko si Matthew Raymundo.

"M-matthew, bat ka nandito?!" putol putol kong pagakasabi dahil sa gulat. Si Matthew yung dati kong ka fling at kalaguyo. Pota.

"Ba't mo pinagsusuntok yan ha." Sabi ko habang patuloy pa din siya sa pagsuntok at nalaglag yung panga ko nung nakita ko si Lance.

Hindi na ko nakapag pigil, halos sumuka na siya ng dugo dahil sa pamimilipit sa sakit ng tiyan niya. Hinawakan ko yung balikat ni Matthew at sinigawan siya.

The Nerdy Yet Possessive Girl Donde viven las historias. Descúbrelo ahora