6. Tiger

155 5 0
                                    

"Tama ba ang narinig namin?" hindi makapaniwalang tanong ni Kurt at mas tumabi pa ng upo sakin, halatang interesado sa sinabi ko "Tinulungan ka ni Kelvin?"

"At isinama ka nya sa mansion nila?" namimilog ang mga matang tanong naman ni Zeus

"Mansion? Hindi mansion yung pinuntahan namin, parang bungalow lang yon eh" naguguluhan kong sabi

"Damn!" sabay na mura ng dalawa saka napakamot sa ulo

"I think, there's something in you that was so special kaya nagawa ang lahat ng yon ni Kelvin para sayo" shocked na sabi ni Kurt

"At doon ka pa sa itinuturing nyang sanctuary house nya dinala!" nanlalaki ang mga matang saad ni Zeus "Walang sino man ang nakakapunta doon ng walang pahintulot ni Velasquez, tanging kami lang ni Kurt at yung isang kaibigan pa namin na si Bailey ang  pinapayagan nyang pumunta doon pero ni minsan hindi pa nya kami pinayagan na matulog doon, at higit sa lahat hindi nya ugali ang tumulong sa ibang tao, lalo na sa hindi nya kilala"


"Sa aming apat, si Kelvin ang pinakaselfish, wala yon pakialam sa ibang tao, kahit sa pamilya nya wala syang pakielam" nakasimagot na sabi ni Kurt "sa isang tao lang naman sya may pakialam, kay Cloey lang" dagdag nito


"Kaya malaking himala at hindi kapani-paniwala ang sinabi mo, wala sa balat at buto ni Kelvin ang tumulong sa ibang tao" wika naman ni Zeus

Napatango-tango ako. Ngayon ko naisip, kaya siguro ganoon nalang ang nakita kong pagka shocked at takot sa mga mukha ng mga estudyante kanina noong dumating kami, takot silang lahat kay Kelvin, kasi nga masama talaga ang ugali nito. Tss! Totoo naman, saksakan naman talaga ng sama ang ugali ng gagong yon.

"Kaya ba Viper ang tawag sakanya ng mga estudyante dito?"

Sabay na tumango ang dalawa.

"Oo, kasi nga para syang ahas, bigla-bigla nalang nanunuklaw. Estudyante o kahit Professor takot lahat sakanya" wika ni Zeus

Tumaas ang kilay ko.

"Ganoon kasama ang ugali nya para pati mga prof dito takot sakanya?" bulalas ko "Anong klaseng hayop sya?!"

"Viper" sabay na sabi ng dalawa saka tumawa.

Napakamot ako sa kilay ko.

"Sino naman si Cloey? Girlfriend ba nya?"

"Hindi. Bunsong anak sya ng may-ari ng school na to, ahead sya ng tatlong taon samin, hindi na sya estudyante dito graduate na sya ilang taon na ang nakakaraan, nagpupunta lang sya dito para mag coach sa mga cheering squad saka siguro dahil na din kay Kelvin, close kasi sila" kuwento ni Kurt

"Patay na patay si Kelvin doon, kaya nga nagulat talaga kami ng malaman namin na may kasama syang ibang babae kanina noong dumating sya, grabe akala ko sumuko na sya kay Cloey eh" natatawang sabi naman ni Zeus "Kababata namin si Cloey, sya yung tumayong parang ate namin lahat, kaso itong si Kelvin masyadong tinamaan, nalaman lang namin na malaki ang pagkagusto nya kay Cloey noong first year college kami, kasi nagkaboyfriend si Cloey noong bago sya mag graduate at dahil sa sobrang sama ng loob at galit ni Kelvin inabangan nya yong boyfriend ni Cloey at halos mapatay na nya sa bugbog"

"Yeah kaya nga ngayon kapag nagkakaboyfriend si Cloey itinatago at inililihim nya kay Kelvin kasi natatakot sya at nag aalala sa maaaring gawin at ikilos ni Kelvin kapag nalaman nitong may boyfriend  sya. Na-coma kaya ng dalawang buwan yung naging boyfriend ni Cloey noon, akala nga namin hindi makakagraduate eh kasi nga ang tagal magising buti nalang matalino, nakahabol pa rin sa mga subjects kaya naka-graduate pa rin"


My Rebel Warrior Princess (on-going)Where stories live. Discover now