39. Masahista

130 2 0
                                    

A/N: Yung natatawa ako dito :-D wala lang...

Happy Reading!!!

~

KELVIN

Buong akala ko, si sisiw ang magugulat o mabibigla kapag nakita nya kaming dumating, pero ang nangyari baliktad, taena ako ang nabigla sa nakita kong ayos nya kasama ng pinsan ni Kurt na coach nila.

Nasa likod lang naman ni sisiw si Rafael at hawak sya sa magkabilang bewang habang may ibinubulong sakanya.

Kumuyom agad ang kamao ko, huminga ako ng ilan beses ng napakalalim, pakiramdam ko kasi nagkukulay pula ang paligid sa aking paningin.

Lalapitan ko na sana ang dalawa pero naunahan ako ni Kurt at nagkagulo na din ang mga kasamahang swimmer ni sisiw na naroroon dahil nakita na nila kaming dumating. Pero wala akong pakialam sa mga estudyanteng naroroon, ang mata ko ay nakatutok ng matalim sa kamay ni Rafael na nakahawak sa bewang ni sisiw!

"Kuya Raf!" nagmamadaling lumapit si Kurt sa dalawa kasunod kami.

Agad na napalingon samin ang dalawa at binitiwan naman ni Rafael ang bewang ni sisiw. Si sisiw naman ay nagtatakang napatingin samin.

"Bro, myembro pala ng club si Fey" pabulong na sabi sakin ni Bailey

"Nice, nandito pala si Sakura, kaya naman pala biglang naghimala ang langit at nagyaya kang pumunta dito" tatawa-tawang sabi naman ni Zeus

"Gago, hindi ko kayo niyaya, kusa kayong sumama at sumunod sakin dito!" singhal ko

"Ang ganda pala ng katawan ni Sakura bro, yung kurba perpektong perpekto at napakakinis" nakangiting sabi na naman ni Zeus na lalong ikinainit ng ulo ko.

Tang !na bakit ba kasi nag rash guard nga ang babaeng ito eh nabitin naman ang tela sa ibaba! At bakit sobrang hapit na hapit sa katawan nya ang rashguard na suot nya??!!

(Ganito yon eh!  Katulad nito! Hahaha 👇)

"Cousin, what are you doing here? Wala ba kayong mga klase?" tanong ni Rafael kay Kurt ng tuluyan kaming makalapit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cousin, what are you doing here? Wala ba kayong mga klase?" tanong ni Rafael kay Kurt ng tuluyan kaming makalapit

Si sisiw naman ay agad akong nilapitan.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong din nya sakin

Agad ko naman syang hinila para mailayo sa mga pares ng matang titig na titig sakanya, mata ni Zeus at Bailey. Pinanlisikan ko ng mata ang dalawa kaya naman nag iwas sila ng tingin at ibinaling ang atensyon sa ibang estudyante na naroroon.

"Ikaw ang dapat kong tanungin!" gigil kong sabi "Anong ginagawa nyo ni Rafael at may pahawak hawak pa sya sa bewang mo?!"

"Anong pahawak-hawak ang sabi mo?"

"King !na itatanggi mo pa ba eh kitang-kita ng dalawang mata ko! Hinahawakan ka nya sa bewang habang may binubulong sayo!" gigil kong sabi habang pinandidilatan sya

My Rebel Warrior Princess (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon