42. Takot

150 3 0
                                    

A/N: I don't know kung kelan ulit ang next update, hindi ko alam kung anong meron sa 2020 pero pangit ang pasok ng taon sa pamilya namin. Una namatay ang uncle ko, then ngayon ang grandmother ko naman ang namatay at kasalukuyan nakaburol 😭 (kasabay ng araw ng pagkamatay ni Kobe)

Basta on-going pa rin po ang story, maybe next UD nextweek na po ulit pagkalibing ni lola, dami po kasi namin inaasikaso. Pasensya na po mga mahal kong readers, babawi po ako.. saka hindi ko pa rin po maasikaso na maipaayos ang laptop ko, cellphone pa rin gamit ko.

~~~

KELVIN

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, basta isa lang ang sigurado ako, para sakin katapusan na ng mundo ko. Damang-dama ko kung gaano nakabaon sa puso ko si sisiw, sobrang lalim, yong tipong kahit hilahin ko sya paibabaw hindi ko magagawa dahil nagka-ugat na din sya sa pinakasentro ng puso ko, baon na baon at sinakop nya ang buong espasyo doon.




"Tisoy wala na bang ibibilis yan pagmamaneho mo?" Hindi mapakaling tanong ko kay tisoy na alam ko namang ginagawa ang lahat para lang makarating kami agad sa mansion




"Nakita mo naman siguro at damang-dama mo naman din siguro kung gaano ko na pinapaspasan ang pagmamaneho diba? Hindi naman ako nag-aalala na baka hulihin tayo dahil sa overspeading, alam kong magagawan mo ng paraan yon diba Marquess?" wika nya na ikinaasar ko




"Huwag mo akong inisin, baka basagin ko yang mukha mo tang na, dagdagan mo pa ang bilis!"




"Ayoko pang mamatay---"



"Really?" Putol ko sakanya "Eh kung tawagan ko kaya ang kakambal ni Fey at sabihin sakanya ang nangyari sa kakambal nya? Hindi ba at mamamatay ka din naman pag ganon ang ginawa ko?"





"Fvck!" Mura nya "Iba naman yon handa ako sa ganon,pero yong mamamatay ako dahil sa aksidente sa sasakyan ni minsan hindi ko pinaghandaan ito, at isang malaking kahihiyan para sakin kung mamamatay ako dahil sa pagmamaneho, I'm a car racer, in case you don't know"




"Wala ako pakialam" buwelta ko "Basta bilisan mo, gusto kong makita agad ang lagay ni sisiw"




"Sobra ang pag-aalala mo" nangingiti nyang sabi



At nagawa pang ngumiti ng gago sa sitwasyon na ganito?!




"Of course I'm fvcking worried!" Mabilis at walang pagdadalwang isip na sabi ko"At wag mo akong ngitian ng ganyan, baka tuluyan magdilim ang paningin ko, masipa kita palabas ng sasakyan ko" pagbabanta ko




Napabuntong hininga sya.

"Ako kaya kailan?"



Tiningnan ko sya ng masama

"Anong pinagsasabi mo?"




Sinulyapan nya ako at saka nginitian ulit.

"Wag mo sabi akong ngingitian, gusto mo talagang samain noh!" nababadtrip ko ng sabi



"Sorry, it's just that---nevermind" pambibitin nya pagkatapos ay sumeryoso "Sana mas maprotektahan at maalagaan mo si Fey ng mas higit pa sa pagpoprotekta namin ni Vaughan laban sa kanyang ama, kung tutuusin naman talaga wala akong laban sa kanyang ama, ordinaryong tao lang ako na malaki ang utang na loob sa kambal kaya ginagawa ko ang lahat para makabawi sa kabutihan nila, kaso kung babalikan ako ng kanilang ama malamang katapusan ko na talaga"



"Ano bang ibig mong sabihin? Anong klaseng halimaw ba ang tatay nila sisiw?"



Tumiim ang bagang ni tisoy saka umiling-iling.

My Rebel Warrior Princess (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon