22. Klaus & the Gang

121 5 0
                                    


"Sa uulitin Fey" nakangiting sabi ni Aquil ng lapitan nya kami ni Jaypee "First time namin may makalaro na babae, pinahanga mo kaming lahat, youre amazing!" buong paghangang sabi nya

"Maliit na bagay, pero salamat" nangingiti kong sabi "Honestly nag enjoy akong maglaro, ang tagal ko din hindi nakahawak ng bola"


"Magaling kang mag basketball" nakangiting sabi nya saka bumaling kay Jaypee "Ikaw din bro, sana bumalik kayo dito para makapaglaro ulit tayo"


"Sure, basta sabihan nyo lang si Kelvin, topakin ang isang yon, baka sa susunod na maisipan nyang pumunta dito hindi na nya kami isama" pabulong na sabi ni Jaypee kaya pareho kaming natawa ni Aquil


"Yeah, malaki talaga ang topak ni Viper at wala din pasensya, but he's a good man hindi nga lang halata" natatawang mahinang sabi din ni Aquil


"Sige ipagpatuloy nyo yan, kapag narinig kayo ng bakulaw na yon lagot kayong dalawa" nakangising pananakot ko



Sabay naman napangiwi ang dalawa.

At saktong palapit na naman samin si Sasuke

"Let's go!" sabi nya habang naglalakad palapit samin

"Speaking of the devil" mahinang sabi ko sa dalawa


"Tara na Fey, hanggat mahinahon pa ng konti ang dragon" ganting sabi ni Jaypee



"Hey, he's not a dragon, he's a viper" nakangising pagtatama naman ni Aquil


"Anong pinagbubulung-bulungan nyo dyan?" maangas agad na tanong ni Sasuke sa dalawa ng makalapit samin saka bumaling sakin "Tara na!"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, mukhang mainit na naman ang ulo ng bakulaw.


Bumaling ako kay Aquil at ngumiti.

"Alis na kami, sa uulitin!" paalam ko


"Sure, nandito lang naman kami palagi" mabilis na tugon ni Aquil


"Tss!" asik naman ni Sasuke


Natigilan kaming lahat ng humahangos na sumisigaw si Luther at tinatawag si Aquil at Sasuke.

"Aquil! Viper, padating ang grupo ni Klaus!" nagmamadaling lumapit samin si Luther kasunod si Brenan na parehas na nauna ng nakaalis kanina dahil may mga lakad daw ang mga ito, pero bigla nalang bumalik.


"Fvck! Nalaman siguro nila na naririto si Viper kaya biglang sumugod ang mga gago!" matigas na sabi ni Aquil



"Baka gusto ulit magpabugbog?" nakangising sabi ni Brenan habang nakatingin kay Sasuke na nagtatagis ang bagang



"Ano Viper, bibigyan ba natin sila ng magandang pa-welcome?" tanong ni Luther



Tumaas ang sulok ng labi ni Sasuke at agad nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa pagkakalukot ng mukha ay unti-unting naging mabangis yon.

"Aquil, tell others to prepare" matigas na utos ni Sasuke

"Noted!" mabilis na tugon ni Aquil saka sinenyasan si Luther na sumunod

Nang makalayo ang dalawa ay lumapit ako ng mas malapit kay Sasuke at kinalabit ito sa tagiliran

"What?!"singhal agad nya kaya agad namang tumaas ang kilay ko.

Masasapak ko na talaga tong bakulaw na to! Parang ipinaglihi sa sama ng loob! Palaging mainit ang ulo.


"Sino yung mga padating?" Tanong ko

My Rebel Warrior Princess (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon