49. ABS

137 3 0
                                    

KELVIN

"Sisiw!" Tawag pansin ko sakanya habang abala sya sa paglalagay ng kung anong cream sakanyang mukha, oras na ng pagtulog pero kanina pa sya nakababad sa harapan ng salamin at kung ano-anong pinag-gagawa sakanyang mukha.





"Oh?" Tugon nya ng hindi manlang nag-abalang tapunan ako ng sulyap! Tsss!




"Ano ba yan ginagawa mo sa mukha mo? Kanina ka pa dyan ah, inaantok na ako"




"Eh di matulog ka na, kita mong hindi pa ako tapos, saka hindi ko naman bitbit ang higaan at unan mo ah!" Sagot na naman nya habang patuloy sa pag-aapply ng cream sa mukha



"Hindi nga ako makatulog eh, halika na, tama na yan, matulog ka na rin" reklamo ko




Bakit ba ang manhid ng babaeng to?!





"Tsss! Hindi pa ako tapos, minamasahe ko pa ang mukha ko" inirapan nya ako





"Haisst! Ano bang mapapala mo dyan sa mga pinag-lalagay mo sa mukha mo? Wala ng magbabago dyan kahit ano pang gawin mo"




Tumigil sya sa kanyang ginagawa at humarap sakin saka ako pinandilatan.

"Lalaki ka kasi kaya hindi mo ako maiintindihan, pwede ba Sasuke matulog ka nalang at huwag mo akong pakielaman!" Mataray nyang sabi


Padabog na bumangon ako at naupo sa kama.

"Hoy, magsabi ka nga ng totoo sakin!" Naiinis kong sabi sakanya



"Ano na naman?!" Angil nya saka muling humarap sa salamin



"May pinagpapagandahan ka ba ha?!" Nagdududang tanong ko at kitang-kita kong natigilan sya kaya naman lalong tumaas ang porsyento ng pagdududa ko. "Ano?! May pinagpapagandahan ka?" Dama kong tumataas na naman ang presyon ng dugo ko.



Malaman ko lang kung sino ang lalaking pinagpapagandahan ng sisiw na to, ilalampaso ko talaga ang pagmumukha ng gagong yon!




"Para kang tanga!" Umirap sya ng mas matindi




Nagsalubong ang mga kilay ko, gusto ko syang sakalin sa sobrang pagka-asar na nararamdaman ko ngayon pero syempre hindi ko yon gagawin, hinding-hindi ko magagawa na saktan ang babaeng mahal ko.




"Anong parang tanga?! Hoy, sisiw umayos ka ha, malaman ko lang talaga na may pinagpapagandahan ka, malilintikan sakin ang lalaking yon!" Banta ko saka pinagtaasan sya ng kilay "Teka, baka naman si Rafael ang pinagpapagandahan mo?!"

Sa kaisipan na yon ay lalong kumulo ang dugo ko.




"Sino naman Rafael yon?" Kunot-noong tanong nya sakin na akala mo talaga ay wala syang kilalang may pangalan na Rafael. Tss!




"Yung swimming coach mong mukhang monay ang tiyan!" Asar kong paalala sakanya




"Mukhang monay----" natigilan sya pagkatapos ay saka ngumiti ng nakakaloko at saka naglakad palapit sakin "Napansin mo din yong mga abs ni Coach Raf?" Nakangiting tanong pa nya sakin na akala mo ay may sinabi akong nakakatuwa. Leche! "Ang ganda ng abs nya noh, alaga siguro sa work out yon" nangingiti pa nyang dagdag kaya naman sinibat ko sya ng matalim na titig



"Nagkaroon lang sya ng abs dahil sa work out, hindi gaya ng sakin natural to!"



"Ohhh! May abs ka pala?" Natatawa nyang tanong sakin kaya sa sobrang asar ko, itinaas ko ang aking t-shirt  at inilapit sakanya ang katawan ko.





My Rebel Warrior Princess (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon