21. Basketball

123 4 0
                                    

"What?!!" malakas na tanong ni Sasuke ng sabihin kong ako ang papalit kay Jaypee sa paglalaro, maging ang ibang naroroon na mga naglalaro ay napatanong na din at hindi makapaniwala sa sinabi ko, lalo na si Tyron at Brenan na kanina lang ay sobrang tahimik at wala manlang kaemo-emosyon ang mga mukha pero ngayon halos sabay pang natawa at napailing.

Akala yata ng dalawang supladong gangster na mga to nag jojoke o nang titrip lang ako!


"Ako ang maglalaro, ako ang papalit kay Jaypee and I'm fvcking serious" seryoso at matigas kong sabi habang tinitingnan sila isa-isa




"Fey, baka masaktan ka, hayaan mo na, ako na ang bahala, nangangapa palang naman ako kanina saka medyo nanibago pero kaya ko naman" sabi ni Jaypee



"Tss! Nasaktan lang si Tisoy papalitan mo na agad? Ni wala ngang galos ang isang yan, napaka overprotective mo naman na KAIBIGAN" pagdidiin ni Sasuke at halatang halata sa mukha nito ang pagkadisgusto


"No, hindi maglalaro si Fey, ako pa rin ang---"




"AKO ANG MAGLALARO JAYPEE, at walang makakapigil sakin" matigas kong sabi habang nakikipaglaban ng tingin kay Sasuke.

Pesteng bakulaw to napakayabang!!! Pakakainin ko ng alikabok to mamaya!


"But Fey, nakita mo naman kung anong klaseng laro to, walang rules, walang do's and dont's sa ginagawa naming paglalaro, kung magpipilit ka, masasaktan ka lang" wika ni Aquil, kitang kita sa mukha nya ang pagpoprotesta at pag aalala


"I can do it Aquil" buo ang kumpiyansang sabi ko saka ko sya nginitian "Don't worry, I wont be a damsel in distress"


"Hindi ka maglalaro!"halos umusok na ang bumbunan ni Sasuke, nag aapoy na din ang mga mata nito sa galit


"Says who? Baka nakakalimutan mong walang rule sa larong to?" taas ang kilay na tanong ko sakanya


"Fey, mag iingat ka pero ang totoo nyan sakanila ako mas nag aalala" bulong sakin ni Jaypee at hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi nya.


"Gago, sige na maupo ka na don, ako na ang bahala" natatawang sabi ko


"Ok, hinay-hinay lang ha, kung may gusto kang balian ng buto si Tyron ang unahin mo" bulong na naman nya kaya nakagat ko ng mariin ang labi ko, natatawa talaga ako sa mga pinagsasabi ng baliw kong kaibigan



"Baliw!" itinulak ko sya "Go, just sit, watch and relax!" nakangiti kong pagtataboy sakanya pagkatapos ay kinindatan ko pa


Nang makalayo at makahanap ng mauupuan si Jaypee para makapanood sa laro ay nakangising hinarap ko ang mga naglalaro.



"So... Game na?!" maangas kong hamon pagkatapos ay inirapan ko ng matindi si Sasuke na hindi na maipinta ang mukha



"O-Okay, just be careful Fey" nag aalangan na sabi ni Silver na syang may hawak ng bola ngayon at nagsimula ng magdribol



"I will, thanks" nakangiti kong sabi at humanda na sa paglalaro


Nagsimula ng gumalaw ang bawat isa, ipinasa ni Silver ang bola kay Keith pagkatapos ay tumakbo ito ng mabilis at hinahabol at hinaharang naman ni Luther, tapos ay patakbong lumapit si Brenan at naagaw ang bola kay Silver dahil tinuhod ito ni Luther, umakma ng three points shoot si Brenan pero parang kidlat na naagaw ni Sasuke ang bola. Naningkit ang mga mata ko, tumakbo ako palapit sakanya pero mabilis akong hinarangan ni Tyron. Namalayan ko nalang na naishoot na ni Sasuke ang bola.



My Rebel Warrior Princess (on-going)Where stories live. Discover now