12

8.9K 141 10
                                    

"I'M SORRY, Blueberry," sincere na sabi ni Mij habang nakatayo sa harapan ni Blueberry na kabababa lang ng kotse nito. Alam niya ang schedule nito at alam din niya kung saan ito nagpa-park. Kaya maaga siyang pumasok sa university para abangan ito. "I'm a hoe. I wasn't able to stop myself from seducing your cousin."

"Dan said the same thing," nangingiti habang iiling-iling na sabi ni Blueberry. Pagkatapos, sumandal ito sa kotse at humalukipkip habang nakatingin sa kanya. "Mij, sinabi na rin sa'kin ni Dan na nag-de-date kayo. I don't care about what kind of relationship you two have but please promise me one thing: you won't end up hating each other if your relationship doesn't work out," parang frustrated na pakiusap nito. "Please, Mij. I don't want to lose either of you. I also don't want to reach the point where I have to choose between you and my cousin. Puwede mo bang i-promise sa'kin na hindi niyo 'yon gagawin sa'kin ni Dante?"

Nagtaka siya dahil napansin niya ang pag-aalala sa mukha ni Blueberry. Mukha namang hindi ito galit sa kanya kahit na nakipag-date siya sa pinsan nito. Pero kahit gano'n, ramdam niyang hindi pa rin ito palagay sa relasyon nila ni Dante. "You don't have to worry about that, Blueberry. Dante and I have set rules to make sure that our relationship will sail smoothly. We won't do anything that will cause us to hate each other."

"Are you sure about that?"

"Yes," confident na sagot niya. "We won't ruin our relationship with you."

Mukha namang naniwala at na-relieve ito sa mga sinabi niya. "If that's the case, then I won't say anything more than I already have." Inalis nito ang mga kamay niya sa mga balikat nito. Pagkatapos, marahan nitong pinisil ang mga pisngi niya. "Always practice safe sex, bitch."

Natawa siya sa sinabi nito dahil alam naman niyang hindi insulto ang pagtawag nito sa kanya ng "bitch." Medyo nag-init ang mga pisngi niya dahil sa advice nito na para bang inaasahan na nitong magiging sexual ang relasyon nila ni Dante Jung. Pero hindi niya ikinakahiya kung gano'n nga ang iniisip nito. To people in her circle, sex between consenting adults was completely healthy and normal. "Thanks, Blueberry."

"I need to go," sabi ni Blueberry, saka nito binitawan ang mga pisngi niya. Pagkatapos, in-adjust nito ang shoulder bag sa balikat nito habang naglalakad palayo sa kanya. "You're lucky my schedule is full today. Next time, I'm going to make you buy me an expensive dinner."

"Hey, I'm still a student," natatawang reklamo niya. Nang kumaway lang sa kanya si Blueberry bilang sagot, napailing-iling na lang siya. "She's serious."

Mukhang kailangan niyang magsulat ng five articles a day sa week na iyon para mailibre niya sa isang fancy restaurant si Blueberry. Mabuti na lang at alam niyang sobrang sulit naman ang kapalit ng approval ng kaibigan niya– walang iba kundi si Dante Jung.

Speaking of him...

Naramdaman niyang nag-vibrate ang phone sa black hand bag niya. Kinuha niya 'yon at binasa ang text message sa kanya ni Dante: "I'm here, Mij."

Tatawagan sana niya ito para sabihing palabas na siya ng university. Pero natigilan siya nang maalala niyang hindi komportable sa phone calls ang lalaki. Kaya tinext na lang din niya ito: "I'll be there in a minute."

Pagkatapos ibalik ang phone niya sa bag niya, humarap siya sa side mirror ng kotse ni Blueberry para i-check ang sarili niya. Dahil nasa university siya, simple lang ang makeup niya. Pinasa kasi niya ang binded thesis niya kanina kaya medyo formal ang ayos ng buhok at suot niyang damit ngayon.

Her hair was tied in an elegant bun. For today's agenda, she wore a slim-cut navy suit with a white shirt and heels.

All right, I look good.

H.O.T 1: Dante (R-18/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon