18

6.4K 159 60
                                    

Haaay. Puwede mag-comment. Wag sana kalimutan mag-comment kung natutuwa naman sa kuwento. Salamat.

MIJ just put back her bra on when Dante came back. Nang makita niya ang pout nito, nag-alala agad siya. Kaya sinalubong niya ito at niyakap sa baywang habang nakatingala rito. "What's wrong, Dante?"

"It was a visitor that I can't kick out," parang pagod na sagot ni Dante. Pagkatapos, yumakap din ito sa kanya na para bang nag-re-recharge ito. "Mij, my brother is here and he wants to meet you. But we have a rule about meeting family members..."

Rule #8 said that they would keep their relationship as private as possible. Under sa rule na iyon, hindi rin nila dapat ipakilala ang isa't isa sa kanya-kanya nilang pamilya at close friends.

"Pero nag-a-apply lang naman ang rule na 'yon sa mga formal setting," paalala niya rito. She wasn't being lenient. Ipinapaalala lang niya rito ang mga napagkasunduan nila noong ginagawa nila ang mga rules sa dating contract nila. "Hindi mo naman alam na pupunta rito ang kuya mo. Based sa rules na ginawa natin, kung inevitable na ma-meet natin ang family members or acquaintances natin, we will still introduce each other to them properly."

"I remember that," tumatango-tangong sabi nito. "But is it really okay with you?"

"Yes," sagot niya, saka siya kumalas ng yakap dito. "Alam ko namang hindi mo sinasadyang mangyari 'to, eh."

"Yeah, sorry about that," halatang nahihiyang sabi ng boyfriend niya. "Usually naman, nagsasabi ang kuya ko kapag dadalaw siya. I didn't expect he'd be spontaneous today."

"I understand, Dante," nakangiting sabi niya. "Let me get changed first. I'm glad I brought proper clothes today. You know, I was tempted to just wear a trench coat on when you said you'd pick me up."

Like she expected, he blushed at her confession. "Just a trench coat on?"

"Yes," tumatango-tangong pag-confirm niya. "I was supposed to surprise you by being naked under the coat. But the weather this morning was a little too cold to my liking."

"That's a shame."

Natawa siya kasi halatang nanghinayang talaga ito. "Next time, I promise."

Ngumiti lang ito sa sinabi niya. "I'll wait for you to get changed."

"Don't be clingy," natatawang saway niya rito. "Go and entertain your brother first. Maiinip ka lang kapag pinanood mo pa kong mag-makeup."

"I'd rather watch you put makeup on than "entertain" my brother," sagot nito sa monotone na boses. "Trust me, babe. Kuya Dix is fine."

"But it's still rude to leave your kuya alone," nangingiting katwiran niya. Pagkatapos, marahan na niya itong hinila palabas ng kuwarto. Yep, she kicked her boyfriend out of his own bedroom. "I'll be out in ten minutes, I swear."

"All right," pagpayag nito. "Just call me when you're done."

"I will, babe."

Mukhang napipilitan lang ito nang tumango at umalis na.

As soon as she closed the door, she ran to her stuff. Isang gabi lang siyang mag-i-stay sa condo ni Dante pero nilagay niya sa isang carry-on luggage ang mga gamit niya. Bukod sa suot niya ngayon, meron pa siyang sleeping attire niya. May baon pa siyang gray maxi dress at dalawang klase ng sapatos– isang high heels at isang high-end white sneakers. Siyempre, nando'n din ang suot niyang sleeveless top at high-waist pants na suot niya kanina.

Hindi rin mawawala sa bagahe niya ang cosmetics case niya na punong-puno ng iba't ibang makeup. Bukod pa ang bag niya na naglalaman naman ng skin care products.

H.O.T 1: Dante (R-18/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon