16

6.7K 143 8
                                    

THIS makes me miss Mr. Dante Jung.

Inaantok na si Mij pero bigla siyang nag-"crave" para kay Dante kaya mula sa pagkakahiga sa kama niya, gumulong siya hanggang sa nakadapa na siya. Pagkatapos, inabot niya ang phone niya na nasa night table para magtext.

Gusto niya itong makita pero mag-a-ala sais pa lang ng umaga. Alam niyang nagtatrabaho ang lalaki ngayon kaya malaki ang chance na patulog pa lang ito. Pero dahil gusto niyang marinig ang boses nito, sinubukan pa rin niya kung gising pa ito at may oras para makipag-usap sa kanya.

Dante Jung wasn't active on social media and he preferred text messages over phone calls. Kaya iyon ang madalas nilang means of communication.

"Hey, Dante. If you're still awake, do you have time to talk? Nothing important. I just want to hear your voice before I sleep."

Kadalasan naman ay mabilis mag-reply si Dante. Kaya nagtaka siya nang lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ito sumasagot. Akala niya ay tulog na ito kaya matutulog na rin sana siya. So she was pleasantly surprised when her phone rang.

"Good morning, Mr. Dante Jung," masigla at excited na bati ni Mij dito nang sinagot niya ang tawag nito. At sinagot agad niya iyon sa pangalawang ring pa lang. I'm really a hoe.

"Good morning, Mij," bati rin sa kanya ni Dante sa halatang amused na boses. "Why are you still up?"

Sasagot sana siya pero bigla siyang napahikab.

"You should go to sleep," marahang sabi nito sa kanya. "Narinig mo naman na ang boses ko, 'di ba? Enough sleep is good for the skin."

Natawa siya sa sinabi nito. Alam naman niyang nag-aalala lang ito sa kanya. Kung ayaw siya nitong makausap, hindi siya nito tatawagan. "Sleep can wait. But is it really okay for you to talk now? Medyo matagal kasi bago ka sumagot kanina."

"Oh, sorry about that. Nasa shower kasi ako kanina," paliwanag nito. "And yes, I have time to talk. I wouldn't have called otherwise."

"Are you sure?"

"100%," pag-confirm nito. "I like talking to you, Mij."

Siyempre, napangiti naman siya sa kilig. "Progress nga pala na ikaw ang tumawag sa'kin ngayon. Thank you." Although I'd love it more if next time, he'll call me without me texting him first. "Anyway, kasalanan mo naman kung bakit hindi ako nakatulog. You have to take responsibility."

Her stupid joke was rewarded by a soft laugh from Dante.

"What did I do?" playful na tanong nito sa kanya. "Did you fantasize about me again?"

"How conceited," playful din na sumbat niya rito. "Well, I did fantasize about you. Pero this time, hindi 'yon ang reason kung bakit hindi pa ko natutulog. I binged-read your webcomics, Dante."

"Which one?" halatang excited na tanong nito.

Lalo siyang napangiti dahil kahit hindi niya nakikita si Dante, na-i-imagine niya ang pag-light up ng mukha nito mula pa lang sa boses nito. "Both. Inuna ko 'yong Bad Kids at natapos ko naman siya."

"So, how did you find it?"

"I'll fuck Teacher Minseok, marry Taehyun, and kill Gunwoo," seryosong deklara niya. Ang na-mention niyang mga pangalan ay ang mga key characters sa Bad Kids. Si Teacher Minseok ang naging guide ng mga "bad kids" sa kuwento. Si Taehyun ang leader ng mga gangster sa school na na-solve ang troubled past nito hanggang sa naging "cinnamon roll" na ang character. Si Gunwoo naman ang traidor na best friend ni Taehyun na naging reason para masira ang buhay ni Taehyun. "Did I say I'd sleep with Teacher Minseok if he was real?"

H.O.T 1: Dante (R-18/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon