Prologue 2: Pagkatapos ng Road Trip

862 25 10
                                    

NANG bumaba sina Luis. Enzo, Kenneth, at Chuchay mula sa Baguio ay hindi nila alam kung ano ang mararamdaman. Bagaman, naging masaya sila sa kanilang road trip—sa kanilang naranasan hanggang pag-akyat ng Baguio ay may malungkot ding pangyayaring naganap.

Kahit na hindi infected si Enzo sa HIV ay ramdam niya ang lungkot ng mga kasama na ngayon ay kinikilala na niyang mga kaibigan.

Tahimik ang lahat hanggang sa paglabas nila ng toll gate.

"Mga bro." Si Enzo ang nagbasag ng katahimikan. "Lagi tayong magkikita a."

Wala siyang narinig na sumagot.

"Kaya natin 'yan," sabing muli ni Enzo.

"Sinasabi mo lang 'yan," malungkot na sabi ni Chuchay. "Kasi di ka naman poz. Kami, pag-uwi namin sa mga bahay-bahay namin, ewan ko lang."
"I won't tell anyone." May tigas ang tinig na iyon ni Luis, sabay hinto nito sa kotse nang makita ang traffic. "Why should I? It is my right not to tell this even to my parents, to everyone."

"Tama naman na di mo sabihin kahit kanino na may HIV ka," sabi ni Enzo. "Choice mo 'yan."

"In my case, alam na ng mommy ko, noon pa. Naka-support naman siya sa 'kin," malumanay na sabi ni Kenneth. "Ang problema, ang ibang tao."

"O, he!" Iniluwa ni Chuchay ang mga mata at ibinalik ang dating sigla. "O, ano naman ngayon? Bahala na sila. Bahala silang manghusga. Mga perpekto ba ang mga tao? At least, libre naman ang gamutan at hindi naman natin 'to ikamamamtay kung patuloy na magte-take ng ARV."

"Kung sana, understanding ang lahat ng mga tao," sabi ni Enzo. "Kung sana educated at aware ang lahat na di naman basta-basta makakahawa ang HIV, okay sana. Kaso mo, may ibang mga tao di alam ang tungkol sa HIV at pati ang AIDS."

"Traffic..." Tahimik lamang na naibulong ni Kenneth. Bumaling siya kay Luis na nasa tabi niya at nagsalitang muli. "Di ka pa ba napapagod sa pagda-drive?"

Matipid na ngumiti si Luis kay Kenneth. "No. I love driving."

"Water?" alok ni Kenneth kay Luis hawak ang bote ng tubig.

Bahagyang naramdaman ni Luis ang palad ni Kenneth sa kanyang hita. Tiningnan niya iyon. Nakita ni Kenneth ang pagtitig sa kanya ni Luis kaya biglang inalis ang kamay.

"It's okay," sabi ni Luis. Ang tinutukoy niya ay ang paghawak ni Kenneth sa kanyang hita.

"Ganito lang ako," sagot ni Kenneth. "Hawak nang hawak kahit na kanino."

"We!," nakatawang sabi ni Chuchay. "Bagay kaya kayo. Bet!"

Napangiti si Luis. "Okay, I wanna have that." Kinuha niya ang hawak na tubig ni Kenneth at uminom.

"See? Kilig a. Ininom niya ang tubig na pinag-inuman ni Kenneth. No inihibitions. Kabog! Kayo na!" natutuwang sabi ni Chuchay.

"Chuchay, stop," inis na sabi ni Enzo sa kanya.

"Why, Enzo, ano'ng mali? They're both single. Pareho pang poz. Problema?"

"Medyo personal lang," sagot ni Enzo kay Chuchay.

"No, it's okay, it's okay, guys," natatawang sabi ni Luis pagkainom ng tubig.

"See," baling ni Chuchay kay Enzo. "Okay lang kay Luis. E, kay Kenneth?" Napatingin siya kay Kenneth.

"No problem," sagot ni Kenneth.

"Ang alin?" tanong ni Enzo kay Kenneth.

"Ano ka ba Enzo?" inis na sabi ni Chuchay sa kanya. "Di mo gets? Okay lang lahat sa kanilang dalawa. So kung sila, sila!"

Mga Batang Poz 2 Stigma (UNEDITED)Where stories live. Discover now