Mga Batang Poz 2 Stigma Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. TININGNAN ni Melody ang chat group sa screen ng kanyang telepono. Napakunot-noo siya, hindi lang dahil sa nababasa niyang messages kundi dahil basag-basag na ang screen ng kanyang cell phone kaya di gaanong mabasa ang palitan ng usapan sa group chat na iyon. 'Peter's Corner' ang pangalan ng group chat. Nalalaman ni Melody kung bakit ganito ang pangalan ng nasabing group chat. Alam din niya na ang lahat ng kabataan na naroroon sa grupo ay tulad niyang mga poz. Sa palitan ng messages noon ay nalaman niyang ang 'Pete' na tinutukoy ay ang HIV.
6 parts