Sa Muling Pagkikita

675 26 0
                                    

Three months later...

MAY nangyayaring events sa Love is Brave. Minsan ay may mga talks na isinasagawa ang NGO na ito para mapalaganap ang kaalaman tungkol sa HIV at AIDS. Mayroon ding regular talks at consultations para sa mga poz pero ni minsan ay hindi nakuhang magkita-kita nina Luis, Enzo, Kenneth, at Chuchay. Dahil dito'y naisipan ni Enzo na imbitahin sila uli. Di man siya isang poz ay itinuring niyang mga kaibigan at naging mahalaga ang mga ito sa kanyang buhay.

Naisipan ni Enzo na magsimulang mag-chat sa 'Angel's Corner.' Siya, bilang si Green Bulb, si Luis bilang Mark Ryder, si Kenneth bilang Sebastian Montefalco, at si Chuchay bilang Red Lips. Narito ang kanilang chat:

Green Bulb: Kape-kape? Let's meet.

Nag-seen ang ibang miyembro ng nasa group chat pero hindi sila sumasagot maliban kay Red Lips na si Chuchay.

Red Lips: Gora! Kelan?

Green Bulb: This Saturday.

Napakunot-noo si Enzo nang makitang nananatiling naka-seen lamang sina Luis (Mark Ryder) at Kenneth (Sebastian Montefalco).

Green Bulb: Mark Ryder? Sebastian Montefalco? Are you okay this Saturday?

Mayamaya ay tumago si Mark Ryder.

Mark Ryder: I will try.

Red Lips: No more try! Gora lang! Ha haa.

Mark Ryder: Okay. See you, guys (May smiley)

Naghintay sila sa pagsagot kay Kenneth, pero lumalabas ang icon nito. Ang ibig sabihin ay nakikita niya ang usapan sa chat.

Naunang dumating si Enzo sa Starbucks. Pag dating niya ay nag-order na ito ng kape at pumuwesto sa dati nilang kinaluguran noong una pa lang silang nagkita. Tahimik siyang umiinom-inom ng kanyang kape habang tumutingin-tingin sa kanyang cell phone. Mayamaya ay narinig niya ang isang pamilyar na boses.

"Enzo!"

Tinig iyon ni Chuchay. Na gaya ng dati ay bakas pa rin ang pagiging masiyahin.

"Nasaan na ang iba? Si Luis? Si Kenneth?" tanong ni Chuchay. "Late na nga ang beauty ko ng five minutes."

"Ewan ko," sagot ni Enzo. "Si Luis, darating daw, pero si Kenneth, di sumagot e."

Nanlaki ang mga mata ni Chuchay. "We! Ano'ng paandar ni Kenneth?"

"Malay ko, sana tinanong mo."

Natigilan sila sa pagdating ni Kenneth na maaliwalas na nakangiti sa kanila.

"How are you, Enzo, Chuchay?"

"Okay naman," tugon ni Chuchay kay Kenneth. "Medyo okay pa rin ang viral load. Undetectable na."

"Same here," sabay upo ni Kenneth. Nanatili itong nakangiti. "Kailangan nga nating mag-celebrate."

"Basta, go lang ng go sa ARV!" Itinaas ang kamay niya kay Kenneth at nag-appearan sila. Nakipag-appear na rin siya kay Enzo.

"Good job. I'm happy for you, guys," masayang sabi ni Enzo sa kanila.

"Achieve nang achieve, basta ARV is the key."

"Gusto ko 'yang sinabi mo, Chuchay," sabi ni Enzo. "ARV is the key."

"Trot!" sagot ni Chuchay.

"Basta, healthy living din," sabi ni Kenneth. "And correct medication, kaya natin 'to. Laban lang."

"Anesh?" Bumaling si Chuchay kay Kemnneth. "Bakit di ka man lang nagsabi sa group na darating ka. May drama? Pa-dramatic entrance? Ganern?"

"Di naman," matamis na ngimiti si Kenneth kay Chuchay at kay Enzo.

Mga Batang Poz 2 Stigma (UNEDITED)Where stories live. Discover now