Ang Kasunduan

555 25 6
                                    

SA LOOB ng security ng coffee shop, humingi sila ng tulong sa mga staff na tulungan silang hanapin ang nawawalang cell phone. Matamang tinitingnan nina Luis, Enzo, Kenneth, at Chuhcay ang monitor ng security, tinitingnan at inaalam nila kung sino ang pumasok nang umalis sila at iniwan ang cell phone sa kinapupuwestuhang mesa. Gaya nang dati, sa kanilang apat ay si Kenneth ang alalang-alala sa pagkawala ng cell phone.

Sa monitor, nakita ng apat na may isang lalaking pumasok sa coffee shop. Tiningnan nito ang cell phone at umupo sa kanilang pinuwestuhan.

Napapanganga ang lahat, tinitingnan ang lalaki. Pagkaraan ng ilang saglit ay kinuha niya ang cell phone at biglang tumayo upang umalis. Pero isang babae ang humabol sa kanya. Bigla nitong hinablot ang cell phone sa lalaki.

Uy!" napatili si Chuchay. "Sino si girl?! Buntis pa man din?!

"Guard?" Tarantang bumaling si Kenneth sa guard. "Kilala niyo ba'ng mga yan? 'Yung lalaki? 'Yung babae?"

"'Yung lalaki, ngayon ko lang nakita, pero 'yung babaeng buntis, parang nakita ko na," sagot ng guard kay Kenneth.

Bumaling na muli si Kenneth sa monitor.

Nakita nilang lahat na tila inaaway ng babaeng buntis ang lalaki. Biglang umalis ang lalaki at naiwan ang babaeng may dala ng cell phone. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas na rin ang babae sa coffee shop.

"Baka nando'n pa 'yung babae!" Hangos na lumabas si Kenneth.

Sinundan nina Luis, Enzo, at Chuchay si Kenneth.

Bago pa tuluyang nakalabas si Kenneth ay hangos na nilapitan siya ni Chuchay. "Kanina ka pa, Kenneth. Bakit ba tarantang-taranta ka?"

Hindi nilingon ni Kenneth si Chuchay, patuloy na nagmasid sa labas ng coffee shop. "I can't explain. Basta importante ang cell phone na 'yon."

"We!" Tumaas ang kilay ni Chuchay.

Pero sa kanilang paglabas at patuloy na paghahanap sa paligid ng coffee shop ay may napansin na isang babae si Enzo na nakatayo sa tabi ng kotse ni Luis sa may parking lot. "Guys!"

Sinenyasan ni Enzo sina Luis, Kenneth, at Chuchay para tumingin sa direksiyong kinaroronan ng kotse. "Nando'n ang babaeng buntis..."

Naglakad silang apat papalapit sa babae.

"Nasaan ang cell phone?! Nasaan ang cell phone?!" Hangos na papalapiit si Kenneth sa babae.

Pinigilan ni Enzo si Kenneth sa pagsugod sa babae. "Dude, cool ka lang, okay? Babae 'yan. Buntis pa."

"Oo nga," sabi ni Chuchay. "Ito namang si Kenneth, tanungin mo kasi kaya nang maayos."

"I agree, Kenneth," malumanay na sabi ni Luis. "Hindi naman siya magpapakita sa atin kung may intensiyong masama. Itinakbo na sana niya ang cell phone kung wala siyang intensiyon na isoli."

"Girl," malumanay na tanong ni Chuchay. "'Lam mo, marami akong kilalang snatcher, 'wag ka nang magtangkang tumakbo, baka kasi ma-trace ko rin ang mga tropa mo, isoli mo na ang cell phone. Usap na lang tayo nang maayos. Isa pa, maganda ka pa naman, di bagay sa 'yo. Taga saan ka ba?"

Hindi kaagad nakapagsalita ang babaeng buntis. Inayos lang ang back pack sa kanyang likod at tumingin sa paligid at pagkatapos ay tinapunang muli ng tingin ang apat.

"Ano ba ang pangalan mo?" tanong ni Chuchay sa babae.

"Melody," malumanay na sagot nito.

"Bakit mo kinuha ang cell phone?" tanong ni Kenneth kay Melody.

"Kinukuha ng lalaki, kinuha ko sa kanya. Alam ko, nanakawin niya at hindi na isosoli sa inyo," sagot ni Melody.

Kinuha ni Melody sa bulsa ang cell phone at iniabot sa kanila. Kinuha ni Kenneth iyon at pagkatapos ay binuksan. May sinuri roon. Patuloy na natataranta.

Mga Batang Poz 2 Stigma (UNEDITED)Where stories live. Discover now