Chapter 3

28.7K 617 5
                                    


HINDI na muli pang nakita ni Katherine ang kanyang mama. Bahagya na siyang naapektuhan dahil kahit minsan ay hindi naman nagpakita ng pagmamahal sa kanya si Loretta. Smasaktan siya nito sa mga munting pagkakamali lalo at kung wala ang kanyang ama.

Napawalang-sala si Feman sa pagkakapatay sa kalaguyo ni Loretta. Ganoon pa man, sa panahong iyon ay hindi na alam ni Fernan kung ano ang gagawin sa kahihiyang tinamo. Sa guilt sa pagkakapatay ng isang tao. Sa pagkasira ng pamilya nito.

Dang buwan mula noon ay usap-usapan na rin ng mga tao ang pagkamatay ni Loretta sa kabilang bayan.

Nabaril ho ng asawa ng panibagong pinakisamahan.

Si Fernan ay nagpaalam sa anak na lalayo muna.

Sa taon ding iyon ay nalipat ng Maynila ang trabaho ni Lauro. Ipinagbili ng mag-asawa ang mga ari-arian upang sa Maynila na manirahan kasama si Katherine.

Labag man sa kalooban ay napilitan siyang sumama.

At sa Maynila ay muli siyang pinag-aral ng mag-asawang de Guzman.

Sa loob ng ilang panahon ay tumatanggap si Katherine ng sulat mula sa ama. Limang taon ang matuling lumipas bago sila muling nagkita.

Kagagaling lang nila ni Adela sa pamimili ng mga gamit sa eskuwelahan. Hindi niya inaasahan ang taong dinatnan nilang kausap ni Lauro sa sala. "P-Papa..?"

"How are you, sweetheart?" ani Fernan na inilahad ang mga bisig.

Patakbong lumapit sa ama si Katherine.

"Oh, Pa!" Hindi niya napunang nanlalambot na naupo sa isang stool si Adela. "Bakit ngayon ka lang?

Bakit ang tagal mong dumating?"

"I'm here now, Katherine. Isasama na kitang pauwi sa atin," ang sabi at sinipat ang anak na umiiyak, na sa edad na trese ay malaking bulas at parang dalaga nang tingnan. "When did you grow so tall and pretty? Nasaan na ang batang nakakarga ko?" gulat na tanong nito.

Lumabi ang dalagita ngunit ang kalooba'y galak na galak. "Ako pa rin 'yon, Papa..." ang sabi niya at niyakap nang mahigpit ang ama.

Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon