Chapter 10

27K 659 26
                                    


NAALIMPUNGATAN ang dalaga. Uuti-unting nagmulat ng mga mata. Ang una niyang napuna ay ang nakabukas na bintana. Madilim na sa labas. Sa mapusyaw na liwanag mula sa lampshade ay napansin niyang may nakatayo sa may aparador.

Si Emilio. Nakatitig lang ito sa kanya. Kanina pa ba siya nito pinagmamasdan? Iyon marahil ang nagpagising sa kanya.

"How long have you been there?" tanong niya sa boses na namamalat pa mula sa pagkakatulog. Nanatili siya sa pagkakahiga, tinatamad pang bumangon.

"Long enough," sumandal ito sa aparador at ipinasok ang isang kamay sa bulsa ng pantalon. "Ipinagigising ka ng Kuya Fernan. Seven thirty na.

But I did not have the heart to wake you up. You were sleeping like a baby."

"But you woke me up," mahinang sagot niya.

Sa pandinig ni Emilio ay isa iyong malambing na akusasyon. Ngumiti ito. Napahugot ng hininga si Katherine. Parang gusto niyang matulog uli at mangarap sa ngiting iyon.

Ilang sandali ang lumipas na nagtitigan lang silang dalawa. Si Emilio ang bumasag sa katahimikang iyon at seryosong nagsalita.

"How are you, Babe?"

Bumangon ang dalaga at sumandal sa headboard. "Heto, tulad pa rin ng dati," bahagya siyang nagkibit ng balikat.

"Ang laki ng ipinagbago mo. Hindi kita nakilala sa plaza kanina. Ang nakatatak sa isipan ko ay batang babaeng tila laging iiyak."

"Melody Fair.. iyon ang tawag mo sa akin," napangiti siya sa alaala.

"You've grown so tall and pretty," seryoso pa ring sinabi ng binata. Hinagod siya ng tingin, as-sessing her.

"Ikaw rin. Ang laki ng ipinagbago mo. Why, you're so good looking! Nagagalit ako sa iyo kanina but I couldn't help admiring," nakangiti niyang sinabi, nangungusap pati mga mata.

Bahagyang natawa ang binata. Umiling-iling.

Nagtaka sa iling na iyon si Katherine. "Bakit? Huwag mong sabihing wala pang nagsabi sa iyo niyan?"

"Not by a pretty lady I'd just met three hours ago after ten long years," nakangiti ito pero ang sinabi'y sinundan ng buntong-hininga.

Inabot ng dalaga ang unan at niyakap. "You were so skinny..."

"Ikaw lang ang hindi nabighani sa chann ko noon. Half the women population in school had a crush on me," biro ni Emilio.

Lumabi ang dalaga. "Hmn... I wonder what happened to the other half."

Kumislap ang mga mata ng binata. "Go out with me tomorrow. Sasabihin ko sa iyo."

"My oh my! You're fast!" Umikot ang mga mata ng dalaga. "The same Emilio as ever."

Ang ningning sa mga mata ni Emilio ay nahalinhan ng lungkot. "I haven't changed, Babe. You can't probably know how I missed you," halos hindi umabot sa pandinig ng dalaga iyon. Napatitig siya rito, hindi makakibo.

Naputol lang ang usapan nila nang sumungaw sa pinto si Helen. "Ang akala namin ni Fernan ay nakatulog na rin ang inutusang gumising sa iyo, Katherine. Bumaba na kayong dalawa. Dumating si Cherry at Charmaine, Emilio." At saka muli itong bumaba.

"The invitation still stands," ani Emilio na umalis mula sa pagkakasandal.

"Ow? Where?" excited niyang tanong na sinabayan ng tayo.

"Bahala na ako roon."

Sinulyapan ng dalaga ang maleta niyang nasa paanan ng kama. "Nakuha mo na pala ang gamit ko. Thank you. Emilio. And I'm sorry about your motorcycle."

Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon