Chapter 4

29.2K 639 23
                                    


NAG-EEMPAKE ng mga gamit si Katherine nang malungkot na lumapit sa kanya si Adela.

"Huwag mong dalhing lahat ang mga gamit mo, hija," anito na bagaman tinutulungan siyang magbalot ay humihikbi. "You might wish to come back. O di kaya, pag nagbakasyon ka rito."

"Oh, Mommy, I'm sorry," niyakap niya ito. Mommy at daddy ang gusto ng mag-asawang itawag niya sa mga ito. "Hindi ko kayo gustong iwan ng Daddy. Mahal ko rin kayo, pero..."

"Nauunawaan ko, Katherine. Si Fernan ang ama mo at sa yugtong ito ng buhay niya ay naka-recover na siya marahil. Alam mo bang nag-asawa na siyang muli?"

Tumango ang dalagita. Sinabi ng papa niya kaninang mapag-isa sila. "Mabait daw po si... H-Helen," nag-aalangan niyang sabi.

Pinahid ni Adela ang luha sa mga mata. "Huwag mong kalilimutang sumulat and you can always come back, Katherine."

"Alain ko, Mommy. At salamat po sa lahat."

MAKALIPAS ang mahigit limang taon ay muling tumuntong sa bahay nila si Katherine. Naroon na si Helen at naghihintay nang dumating sila. Sa pagkakaalam niya ay wala pang isang buwang nakakasal ang dalawa.

"Hello, Katherine," isang mainit at palakaibigang pagbati ang isinalubong ng madrasta sa kanya. Hindi niya inaasahang bata pa ito at maganda. Sabi ng papa niya ay twenty nine years old na ito at isang guro sa kabilang bayan. Ang papa niya ay forty na.

His father picked a young and beautiful bride. Ang sumunod na mga araw ay hindi inaasahan ng dalagita. Sa Maynila pa lang ay umaasam na siyang parati silang magkasama ni Fernan. Magkukuwentuhan at magbabalitaan ng mga pangyayari sa panahong nawala. Subalit hindi nangyari ang inaasahan niya. At sa gulang niyang iyon ay hindi niya maunawaan kung bakit mas higit ang panahong iniuukol nito kay Helen.

Walang maaaring ipintas sa asawang kauli ng ama niya. Sinisikap nitong maging kaibigan siya. Subalit hindi si Helen ang kailangan niya kundi si Fernan. Si Fernan na ang mga mata ay lagi na kay Helen.

"Hello," isang tinig ang gumulantang sa kanya mula sa tahimik na pagkakaupo sa may duyan.

Nilingon niya ito. Isang binatilyo na marahil ay nasa pagitan ng eighteen o nineteen. Bagaman may kapayatan ay matangkad at guwapito.

"Ikaw siguro ang anak ng Kuya Fernan," nakangiting simula nito. "Ako si Emilio, bunsong kapatid ni Helen. Mula rito sa Dapitan hanggang sa baryo namin ay mahigit isang oras ang biyahe. Pero dito ako tumitira pag pasukan," tuloy-tuloy na pagbibigay nito ng impormasyon sa kanya.

Gusto niya itong itaboy dahil ibig niyang mapag-isa at mag-isip pero mukhang mabait naman ito.

"Hello, rin," sagot niya.

"Ikaw, naayos mo na ba ang transfer mo mula sa Maynila? Isang linggo ka na rito, 'di ba?" Dalawang kamay nitong hinawakan ang lubid habang nakayuko sa kanya.

"Siguro ay inaayos ng Papa," tulad ni Helen ay friendly ang lalake pero hindi siya tumitingin dito nang deretso.

"Huwag kang mag-alala, kasama mo ako lagi sa pagpasok. Third year na ako sa pasukan. Business Management ang kinukuha ko. Ikaw?" Marahan nitong inugoy ang duyan. Napaayos ng upo si

Katherine.

"Second year..." maiksi niyang sagot na biglang kinabahan dahil nilakasan ni Emilio ang ugoy at umaangat siya sa lupa. Mahigpit siyang kumapit sa lubid.

"Sana'y hindi mo hanap-hanapin ang Maynila, Melody Fair!" malakas na sigaw ni Emilio dahil mataas na rin ang indayog ng duyan.

"H-hindi Melody ang pangalan ko!" ganting sigaw niya dahil nasa itaas na siya at takot na takot na baka mahulog o tumilapon.

Pinigil ni Emilio ang duyan nang makita ang takot at pamumutla niya. "Alam koug hindi iyon ang pangalan mo. Bago kita nilapitan ay may beinte minutos siguro kitang pinagmasdan. Melody Fair... alam mo ba iyong kanta ng Bee Gees? Who is that girl with a ciying face?" hinimig nito ang linya ng kanta.

Bahagyang tumango si Katherine.

Nang sumunod na mga araw ay nagkaroon siya ng kausap at kasama sa katauhan ni Emilio.

"Bakit ba lagi kang malungkot at tila iiyak?" tanong nito habang isinusulat sa buhangin ang pangalan ni Katherine. "Hindi mo ba gusto rito? Hindi mo ba ako gustong kasama?"

Tinitigan niya si Emilio at malungkot na umiling. "H-hindi mo ako maiintindihan, Emilio." Tinanaw niya ang ama at si Helen na parang magkasintahang naglalaro sa tubig. Mula nang dumating si Emilio ay lalo nang nawalan ng panahon si Fernan sa kanya.

Hindi niya gustong magalit kay Fmilio at itaboy ito dahil wala naman itong alam sa nararamdaman niya.

"Kung anuman ang gusto mong sabihin, babe, narito lang ako. Makikinig ako." Tinabihan siya nito sa pagkakaupo sa buhangin.

Sa kabila ng lahat ay nangiti si Katherine. Biglang ibinagsak ni Emilio ang sarili pahiga sa buhanginan. "Wow! Parang gusto kong bayaran ang ngiting iyan!"

Tuluyan nang nangiti ang dalagita. Dumakot siya ng buhangin at initsa sa tiyan ni Emilio bago mabilis na tumayo.

"Hey, that's not fair!" sigaw ni Emilio na mabilis na umupo at pinagpag ang buhangin sa katawan.

Nilingon ito ng nakangiting si Katherine at dumila. Bahagyang umiling si Emilio at ipinatong ang braso sa tuhod at masuyong sinundan ng tanaw ang papalayong dalagita.

Five feet tall si Katherine at thirteen going on fourteen. May magagandang pares ng binti at mukhang kung tawagin ng iba ay "a face that launched a thousand ships'.

Ngingiti-ngiting muling umiling si Emilio. Alam nitong hindi aware si Katherine na ang mga ginawa niya ay slight flirtations.

Grow up soon, babe. And when you do that again, I promised you that it won't definitely go unnoticed, bulong nito.

Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon