Chapter 14

26.1K 571 12
                                    


NANG sumunod na tatlong araw ay hindi nakipagkita si Emilio kay Katherine. Kailangan niyang makapag-isip at upang magawa niya iyon nang mabuti ay kailangang hindi niya ito matanaw, malapitan o mahawakan.

Ano ba ang mayroon ang babaeng ito at iilang oras pa lang mula nang magbalik ito ay nawawala na siya sa sarili? Wala pa siyang nakatagpong babaeng tulad ni Katherine. Maganda, sexy, and classy. Pero may palagay siyang hindi binibigyang timbang ng dalaga ang mga katangian nitong nabanggit niya. The power she has with men... the power she has with him. Sa kabila ng glamorosong trabaho, she remained simple and unaffected.

Sa mga flirtations ni Jerry noong gabing iyon ay simpleng ngiti lang ang iginaganti nito. At isiping magandang lalake si Jerry. At sa kanya, noong halikan niya ito sa tulay ay kalituhan ang nakita niya sa mga mata nito. Nararamdaman niyang naapektuhan ito pero nakapagtatakang umiiwas ang dalaga. Kailan pa nangyaring iniwasan siya ng babae?

Hindi iilang babae ang lantarang nagpapakita ng interest sa kanya. Showing their best flirting with him. Nagpipilit magpa-impress sa kanya. Some are really trying their best flaunting their physical assets! And these women bore him to death.

Pero hindi si Katherine. When she smiles, he can see forever.

At papaano niya susupilin ang emosyong inalagaan na niya mula pa noong araw? Hindi niya nakalimutan ang sakit na dulot nito nang ito'y umalis. At heto siya uli makalipas ang sampung taon at muling nagulo ang buhay niya... upang muli siyang masaktan dahil aalis din itong muli.

MATAGAL na sa pagkakahiga si Katherine ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Tapos na niyang basahin ang paperback na dala niya'y gising pa rin siya. Maghahatinggabi na at tulog na ang lahat.

Baka kung iinom siya ng gatas ay makatulog siya. Tumayo siya at lumabas ng silid. Malamlam ang ilaw sa pasilyo at bumaba siya patungo sa kusina. Madilim sa kabahayan pero hindi niya kailangang magsindi ng ilaw dahil kabisado niya ang buong bahay Bukod pa sa may liwanag na nanggagaling sa mga panggabing ilaw sa labas ng bahay.

Binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang karton ng UHT milk. Pagkatapos ay muling isinara ang ref. Paglingon niya ay muntik na niyang mabitiwan ang carton ng gatas nang mapuna ang aninong nakasandal sa may hamba ng pinto.

"Katherine..." si Emilio.

Napapikit ang dalagang napasandal sa ref. "Muntik mo na akong patayin sa nerbiyos. Ano'ng ginagawa mo diyan sa dilim?" mahinang tanong niya. "At paano kang nakapasok?"

"May sarili akong susi. Bakit narito ka sa ibaba sa oras na ito?"

"Hindi ako makatulog. Naisipan kong uminom ng gatas." Inilapag niya sa counter ang carton at umabot ng baso sa cabinet. Pagkatapos ay lumakad patungo sa kinatatayuan ng binata upang buksan ang ilaw. Subalit hinawakan ni Emilio ang braso niya.

"Huwag," pigil nito. Nakalanghap ng bahagyang alak ang dalaga.

"Are you drunk?" paanas niyang tanong.

"I took two shots of brandy kina Jerry bago ako umuwi. Gusto kong makatulog agad paghiga ko. Pero tulad mo ay hindi rin ako dalawin ng antok." Hawak pa rin nito ang kamay ng dalaga na hindi naman agad binabawi.

"May problema ka ba, Emilio?" nag-aalalang tanong niya. Hindi niya makuhang lakasan ang tinig at baka magising ang katulong sa ibaba.

Oh, dear! Ano ang ginagawa niya rito at nakikipag-usap ng pabulong kay Emilio? At sa dilim!

Saka pa lang niya hinila ang kamay at binalikan ang carton ng gatas. Nagsalin siya sa baso at uminom

"If you need to talk... narito lang ako," aniya nang mangalahati ang gatas.

Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon