Chapter 11

28.2K 675 33
                                    


LAHAT ng mga mata ay sa dalaga napatuon.

"You're making it sound so grand, Helen. It is just a job. At nagkataong trabaho ko iyon," kalmante niyang sagot na ipinagpatuloy ang pagkain.

"And my, you're humble! At tama ako kanina nang sabihin ko kay Emilio na para kang model kung kumilos at maglakad!" si Jerry na pinaglipat-lipat ang tingin mula sa kanya at sa magazine.

"So, I have a very famous and glamorous daughter, eh," bakas sa tinig at mukha ni Fernan ang pagmamalaki sa anak. "At ni ayaw mong sabihin kung ano ang trabaho mo kaninang tinatanong ka ni Jerry."

Hindi na sumagot si Katherine at sinulyapan si Emilio na ipinagpatuloy na rin ang pagkain.

"Well, hindi ko kayang magsuot nang ganito," may malisyang ismid ni Charmaine, bagaman hindi maitago ang inggit sa mga mata. "Masyadong vulgar para sa akin."

Dinukwang ni Jerry ang sinasabi nito. Isang one piece aqua bathing suit ang suot ni Katherine sa larawan. Background ay malalaking bato na hinahampas ng malalaking alon. One piece pero very sexy and just a little bit decent sa bikini.

"Nasa nagsusuot iyan, Charmaine. Hindi mo ba nakikita ang larawan? Alluring and classy. May mga babaeng cheap kung magsuot ng pampaligo. But not, Katherine. She's got a touch of class," pagtatanggol ni Jerry na hindi maikakaila ang paghanga.

Nginitian ng dalaga ang katabi. "Thank you..."

"But I'm impressed, really. Hindi lahat ay magiging modelo. Maraming mga matatangkad at maganda rin naman pero hindi lahat ng mga iyon ay magku-qualify bilang modelo. And with Franchesca Internationals, ha?"

"Ano'ng Franchesca International, hija?" si Fernan.

"Clothes ang business nila, Papa. And I model from swimwear to everything."

"Wala kang make-up nang dumating ka, pero dito na-emphasize ang cheekbones mo dahil sa blush on," si Helen uli. Talagang gusto nitong tingnan ang paraan ng pagme-make up ng mga modelo sa magazine.

"Tingnan mo ito," itinuro ni Jerry ang larawang ang suot ni Katherine ay isang black gown na ang balikat lang ang may thin strap at ang slit sa tagiliran ay larapas sa kalahati ng hita. "You're stunning! At sino nga pala itong hunk na lagi mong partner?"

Hindi sinasadyang napasulyap na muli ang dalaga kay Emilio. Sa pagkakataong ito ay nakatingin ito sa kanya na tila hinihintay ang sagot niya.

"That's Kent Myers. Model din siya. Mga panlalaking kasuotan naman."

Sinamsam ni Helen ang mga magazine, inilagay pansamantala sa isang lamesita at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay niyakag ni Fernan sa veranda ang anak. Sumunod ang iba pa.

Napilitang sagutin ng dalaga ang mga tanong ng ama kung paano siya nagsimulang maging modelo ng Franchesca International.

Ang best friend niya sa eskuwelahan ay ahente ng Franchesca International. Ito ang nag-alok sa kanyang subukin niyang mag-part time model. She was twenty at excited sa trabahong inalok. Nang makita ni Mrs. Hartford na may potential siya ay pinapirma siya ng kontrata.

Doon na nagsimula ang kanyang modelling career hanggang sa abutin niya ang kinalalagyan niya ngayon makalipas ang tatlong taon. Nakarating na siya sa iba't ibang panig ng mundo para sa mga fashion shows.

"Women all over the world are buying their products dahil gusto nilang maging katulad mo, Katherine..." ani Helen.

Nangiti ang dalaga. Iyon mismo ang sinabi ng boss niya sa kanya. Nagkunwaring naghihikab si Charmaine nang mapunang hindi na maalis ang atensiyon kay Katherine. Nagpaalam ito at nagpahatid kay Emilio.

Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon