Chapter 5

26.2K 591 8
                                    


BAGAMAN napalagay na ang loob ni Katherine kay Emilio ay hindi kayang pagtakpan ng huli ang panibugho kay Helen na umuusbong sa dibdib niya. Kaytagal niyang pinanabikang magkha silang muli ni Fernan subalit ngayong nandho ito ay hindi rin pala sila magkakaroon ng pagkakataon para sa isa't isa.

Hustong ikatlong linggo niya roon nang kausapin niya si Fernan at sabihin dito ang kanyang balak.

"Ano'ng sinabi mo, Katherine?" nabiglang tanong ni Fernan.

"Babalik ako ng Maynila. Ayoko dito," mariin niyang pahayag.

"Bakit? Ano'ng ayaw mo dito? Akala ko ba ay gusto mong magkasama tayong muli?" nagugulumihanang wika ni Fernan.

Ikaw ang walang panahon sa akin! Minsan ma'y hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ng matagal mula nang dumating ako rito. Laging kayo ni Helen ang magkasama! tahimik na isinisigaw ng isip niya.

"Sana'y ikuha mo ako ng ticket sa barko bukas. At hindi mo ako kinakailangang ihatid. Pakitelegramahan mo na lang ang Mommy Adela," naroon ang determinasyon sa tinig niya.

"Hindi ako papayag, Katherine. Hindi!" Napatayo si Feman.

Hinawakan ni Helen ang braso nito. Tinitigan lang niya ang ama at alam nitong hindi na siya mapipigilan.

Sa gulang niyang iyon ay hindi niya kayang arukin ang ibinabadya ng mukha ni Fernan. Ang hindi niya kayang kalimutan ay ang huling sinabi nito.

"Katulad ka rin ng iyong ina! Hindi ka masiyahan sa piling ko!"

Kung sinaktan siya ni Feman ay mamatamisin pa niya kaysa sa sinabi nko. Walang kibong pumasok siya ng silid upang ayusin ang kanyang mga gamit.

Kinabukasan ay inihatid siya ng mag-asawa sa barko. Ni hindi nagtagal si Fernan sa kabila ng pagpipilit ni Helen na hintayin munang umusad ang barko bago umalis.

Ilang minuto na siyang nakatanaw sa dagat nang may humawak sa balikat niya.

"Katherine..." si Emilio.

Sarisaring emosyon ang nasa mukha nito at walang maintindihan si Katherine kahit na ano.

"Ang akala ko ay hindi ka aalis," puno ng hinanakit ang tinig nito.

"Gusto kong manatili, kaya lang..." Anong sasabihin niya? Paano siya magpapaliwanag?

"Malungkot kasi dito sa amin. Wala kang makikita kundi mga puno at niyog at dagat. Sa Maynila ay masaya," may galit sa tinig nito.

"Hindi iyon ang dahilan."

Tumabi si Emilio sa barandilya at tinanaw ang laot. "Malulungkot ako... nagagalit ako sa iyo. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong bumalik sa mga taong hindi mo kapamilya."

Dahil mahal nila ako! Nararamdaman kong mahal nila ako. Si Helen ang mahal ni Fernan. Intruder lang ako!

"Paano ka?" ani Emilio nang hindi sumagot si Katherine. "Nag-iisa ka rito sa barko," ang galit sa tinig nito ay nahalinhan ng pag-aalala.

"Sasalubungin ako ng Daddy at Mommy, Emilio." Kumalembang ang munting kampanilyang hawak ng lalake na umiikot sa barko. Nangangahulugan lamang na ang lahat ng hindi pasahero ay dapat nang umalis dahil aalisin na ang hagdanan. Ilang sandali na lang at aalis na ang barko.

Hinawakan ni Emilio ang kamay ng dalagita. Mahigpit. Nagtatagis ang mga bagang nito.

"I hate you, Katherine!"bulong nito. Pagkatapos ay binitiwan ang kamay niya na gustong manakit dahil sa higpit ng pagkakapigil nito.

At tumalikod na si Emilio.

Mabigat ang dibdib na ibinalik ng dalagita ang mga mata niya sa laot. Hindi siya iiyak. Hindi para kay Fernan. Hindi para sa kaibigang nawala.

Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon