CHAPTER 6

12 2 0
                                    

/at Torres Residence/

/8:30 PM/

(KAI's POV)

May welcome party para kay Rea dito sa bahay nila Yvo. Invited kami ni Luhan siempre. Lahat busy sa kanilang ginagawa. Si Luhan busy sa mga kausap niyang babae. Si Yvo naman kasama niya ang girlfriend niyang si Via.

Samantalang ako, eto busy sa pagtitig kay Rea. Nasa may veranda siya, mag-isang umiinom. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Sinong mag-aakalang siya yung MANANG NERDY REYANG dati? I can't imagine. At eto pa, dineadma lang niya ako kanina. Isang KAIVEN JAMES AGUILAR na-snobbed. Sht! Makukuha ko din siya! Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Wait. Di ko siya gusto! Tandaan niyo yan! Kaya humanda yang REA DHEL TORRES na yan! /smirks/ Dadating yung araw na siya ang lalapit sa akin at magmamakaawang piliin ko siya.

(REA's POV)

Ang tagal namang dumating nina Shana at Kara. Excited na akong makita ulit sila. :))) Iimbitahan ko din sana si Ate Jam kaso baka magka-ilangan sila ni Yvo at nandito pa si Via. Alam ko din kasi na may PAST sila.

Sobrang saya ko na may mga kaibigan akong katulad nila, kahit nung nerdy pa lang ako, sobrang bait nila sa akin. At hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila para sa akin. Sila din ang naghikayat sa akin para ayusin ko ang sarili ko. Sa 3 years na yun, wala akong inatupag kundi pag-aaral at pag-aalaga sa sarili ko para maging ganito ako ngayon. Lalo na si Ate Jam, napakabait niya sa akin. Kapag binubully ako ni unknown specie pinagtatanggol niya ako kahit friend yun ng Boyfr---- I mean EX-Boyfriend niya. 

Ako pa rin naman si Reyang yung mas matapang nga lang ngayon. :)

Ay. Ano ba yan, Dami ko na atang nakwento ko sa inyo. Huehue. Daldal ko talaga. LOL.

"Reyang~" alam kong boses yun ni unknown specie. Fine. Si Kai. =_=

Tumayo siya malapit sa tabi ko. K. DEADMA ka lang Rea! Wag mo.siyang papansinin. Haha! Who you siya sa akin ngayon. XD

"Kamusta ka na?"

"....." Ano ba yan. May nagsasalitang lamok sa tabi ko. @____@

"Oy, kausapin mo naman ako. Bakit di ka diyan nagsasalita?"

"....." Duh! Di ako nakikipag-usap sa strangers. 

"Bakit kanina mo pa ako dinideadma?!" 

"....." Haha. Naiinis na siya. Good job Rea! Bravo! Clap clap clap!

"Kapag di ka pa nagsalita diyan, hahalikan talaga kita diyan!" - Kai

HAHAHA. Galit na. Teka? HAHALIKAN? O_______O

"OY! MANYAK! WAG NA WAG MONG GAGAWIN YAN!" I shouted then rolled my eyes and looked away.

He just laughed. "FEELING mo namang gusto kitang halikan? HAHAHA. Hanggang ngayon ba, patay na patay ka pa rin sa akin?"

S.E.O.U.L: twist of fate by minhaexxiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon