CHAPTER 24:

8 1 0
                                    

/ROOM 305/

(JAM's POV)

"Talaga?! Tinulungan ka nung girlfriend ni Yvo kagabi?!" Tanong ni Nica. Halatang hindi makapaniwala.

Sabagay. Maski ako, hindi din ako makapaniwala na nagawa ni Via yun. Siguro hindi niya pa rin alam na Ex-girlfriend ako ng Boyfriend niya.

Mas mabuti na nga na hindi niya alam kung sino ba talaga ako sa buhay ni Yvo para wala ng gulo. Baka mas lalo pa akong mailang sa tuwing nagkkrus ang mga landas namin.

Tumango ako habang may yakap akong unan. "Oo. Nagulat nga ako nung makita ko siya kagabi at ipinagtanggol pa niya ako dun sa babaeng umaaway sa akin."

"Naku. Pasalamat yung babaeng umaway sayo dahil hindi ko siya naabutan kagabi kundi nabugbog ko na siya at uuwi siya na puro pasa. Hahaha." Pagmamalaki ni Nica sabay pakita kunwari ng muscle sa kanyang braso.

"Grabe ka naman. Ang brutal mo talaga. Hahaha! Hindi naman ako masyadong nasaktan kaya kalimutan mo na yun. Wag na nga natin siya pag-usapan. Quota na siya baka biglang sumikat yun. Haha." Biro ko.

"In fairness, Ang ganda at ang bait ng girlfriend ni Yvo." Tumingin siya bigla sa akin. "Pero syempre mas maganda at mas mabait ka na naman. Huehue. Naks! Uy. Natuwa siya oh. Hahaha."

Napangisi ako sabay hagis ng hawak kong unan. "Ewan ko sayo! Ayan ka na naman eh. Hahaha."

Aaminin ko. Maganda at mabait naman talaga si Via. Bagay na bagay talaga sila ni Yvo. Sobrang bagay.

"Oo nga pala. Saan pala kayo nagpunta ni Ethan nung umalis kayo kagabi? Nagdate kayo siguro, no? Haha. Ayieeee! Totoo ba? Aminin!" Pang-aasar ni Nica.

"Anong date ka diyan? Hindi naman kami nagdate ni Ethan. Haha! Kung anu-ano yang iniisip mo, epekto ba yan ng paglalasing mo kagabi, ah? Haha. Pagdating ko nga dito tulog na tulog ka at nakita ko 'tong gray long sleeves naka-suot sayo." Sabi ko sabay abot nung gray long sleeves.

Inamoy-amoy ni Nica ang damit. "Uy. Ang bango ha. Haha. Kanino kaya ito? Hindi naman ganito yung kay Sehun. Hmm. Pinagtatakahan ko din kung sino ang nagdala sa akin dito sa kwarto."

S.E.O.U.L: twist of fate by minhaexxiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon