CHAPTER 22

8 1 0
                                    

/AT THE HALLWAY/

/Present/

(NICA's POV)

Napatingin ako sa kanya. "IKAW?!"

Anong ginagawa niya dito? Diba magkasama sila ni----

"Kahit kelan talaga ang lampa mo." Sabi niya habang inaalalayan niya akong tumayo. "Bakit kasi nagsusuot ka ng ganyang kataas na sapatos eh hindi ka naman nagsususot ng ganyan." Sermon niya.

"Tss. FYI. Di ko naman ginustong magsuot nito. Napilitan lang ako, okay? Psh. Pinilit lang naman ako nila Jam at Madison. Ayaw ko nga talagang pumunta sa party na yun. Kaso baka magalit si Mom kapag di ako pumunta." Sabi ko habang tinatanggal ko ang suot kong sapatos.

"Bakit ka kasi nagpapaniwala sa Madison na yun. Tss."

"Oo nga pala. Bakit ka pala nandito? Diba magkakasama kayong naunang pumunta dun? Bakit mo naman iniwan si Madison?"

"Nauna na sila dun sa venue tas pinasundo ka sa akin ni Jam baka daw kasi hindi ka pumunta mamaya at baka tumakas ka."

Napailing ako habang nakangisi. "Si Jam talaga. Sinisigurado talagang pupunta ako mamaya. Teka. Buti hindi sumama sayong pumunta dito si Maddy? Himala. Hahaha."

"Aish. Buti na nga lang pinigilan siya ni Jam tas yun pumayag naman yung babaeng yun. Atleast kahit papaano nakaiwas ako sa kanya. Nakakairita yung babaeng yun."

"Ikaw talaga. Ang harsh mo talaga kay Madison. Hahaha! Try mo kayang makipagdate sa kanya. Malay mo, magbago ang tingin mo sa buhay, diba? Boto naman si Tita Olive kay Madison para sayo. Bagay naman kayo ni Maddy eh."

Sinamaan niya ako nang tingin. "Hindi ko siya gusto. Tutal, kayo naman ang may gusto sa kanya edi kayo ang makipagdate sa kanya. Tss."

S.E.O.U.L: twist of fate by minhaexxiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें