CHAPTER 21:

13 1 0
                                    

/Earlier; Before the party/

(KAI's POV)

"Mom. Nasaan po si Madison? Kanina ko pa po siya di nakikita." Tanong ko habang inaayos ko ang butones ng suot kong long sleeves.

"Ayun. Kanina pa busy kasama ang mga kaibigan niya. Nandun naman si Seith kaya wag mo siyang alalahanin." Paliwanag sa akin ni Mom.

Napatingin ako bigla kay Mom. "Hmm. Seith? Ngayon ko lang po nalaman na may kaibigan pala siyang Seith anang pangalan. Sino po siya?"

"Anak siya ni Tita Olive mo. Nakalimutan mo na?"

"Hmm. Anak ni Tita Olive?" Napaisip akong mabuti kung sino yung Seith. "Teka Mom. Wag niyo pong sabihin na si Seith ay si Sehun?"

"Siya nga. Bakit, Nak? May problema ba?"

ANAK NG TOKWA NAMAN OH! Ugh! Hindi talaga ako pinapakinggan ni Madison. Pfft! Sabi ko sa kanya, wag na wag siyang maghahabol sa lalakeng yun eh. >_______________<

Napakunot ang noo ko. "Mom! Bakit niyo naman po siya pinapayagang sumama sa lalakeng yun?!"

"Bakit, Nak? Wala namang masama kung makipagkaibigan siya kay Seith. Mabait naman si Seith at may tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi niya papabayaan ang kapatid mo."

"But Mom, nagmumukhang naghahabol siya sa lalakeng yun. Hindi naman po magandang tingnan."

"Hindi naman ganun yun, Nak. Tsaka malaki na ang kapatid mo at alam na niya ang ginawa niya. Hayaan mo muna ang kapatid mo para matuto siya sa mga desisyon niya."

"Pero Mom----"

"Kaiven James Aguilar." Tumayo si Mom mula sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. "Napaka-protective mo talaga kay Madison. Alam kong nag-aalala ka lang sa kanya but you need to trust her. Trust her, okay?" Sabi niya habang tinapik tapik ang balikat ko.

S.E.O.U.L: twist of fate by minhaexxiWhere stories live. Discover now