CHAPTER 28:

6 1 0
                                    

(JAM's POV)

"Nandito ka lang pala, Best. Kanina pa kita hinahanap. Anong ginagawa mo dito?"

"Nagpapahangin lang. Nakakainip kasi ako sa kwarto kaya lumabas muna ako."

"Ahh. Kaya pala wala ka sa kwarto mo nung pinuntahan kita dun. Tapos sabi ni Sehun, nandito ka nga daw." Umupo ako sa kanyang tabi at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Dapat hindi ka na lumabas ng kwarto niyo, Best. Gabi na at malamig pa naman dito. Baka sipunin ka niyan." Pag-aalalang sabi ni Ethan habang tinapik tapik ang ulo kong nakasandal sa kanyang balikat.

"Hindi kasi ako makatulog. Eh si Nica, tulog na. Wala tuloy akong makausap. Kaya hinanap na lang kita."

"Bakit hindi ka makatulog? May bumabagabag ba sa isip mo?"

"Uh. Wala naman." Iniangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kanya. "Ahm. Best, sorry pala kung ipinakilala kitang ano... na boyfriend ko. Wala kasi akong maisip na sasabihin sa kanila nun tsaka---"

Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian niya ako. "Ayos lang yun, Best. Walang kaso naman yun sa akin. Okay lang sa akin na magpanggap akong boyfriend mo."

"Salamat Best." Nginitian ko siya at isinandal ko ulit ang ulo ko sa kanyang balikat. "Napakabait mo talaga. Bakit ka ba ganyan kabait sa akin? Haha." Biro kong tanong sa kanya sabay pisil ko sa kanyang ilong.

"Haha. Diba nga best---friend kita? Nandito ako lagi at handang tumulong sayo. Alam mo naman na malakas ka sa akin eh."

I chuckled a bit. "Sus. Pero minsan ang sungit sungit mo naman sa akin eh. Hmp! MR. SUNGET! HAHAHA."

S.E.O.U.L: twist of fate by minhaexxiWhere stories live. Discover now