CHAPTER 26:

12 1 0
                                    

/ELEVATOR/

(ETHAN's POV)

Magkasama kami ni Jam ngayon pero di kami nagkikibuan. Hmm. Baka naman nagalit siya dahil sa ginawa ko kagabi? Aish! Hindi na naman kasi ako nakapagpigil. Oo. Nagselos ako nung makita ko sila. Tsk. Bakit kasi nagkita pa ulit sina Jam at Yvo? Kainis. Hindi sila pwedeng mag-usap. Hindi pwede.

-

(JAM's POV)

Bakit kaya ang tahimik ni Best? Lalo talaga siyang nagiging weird. Hmm. Alam kong meron siyang hindi sinasabi sa akin eh. Ano kaya yun? Tsk. Tsk.

"Ahm. Best, okay ka na ba?" Tanong ko kay Ethan habang nasa loob kami ng elevator.

Tumango siya at nginitian niya ako. "Oo. Best. Pasensya na pala kagabi. Kung ano... Kung nayakap kita." Pagkasabi niya nun ay yumuko siya.

"Wala yun. Okay lang, Best. Sandali nga. Ano bang nangyare sayo kagabi?"

Humarap siya sa akin at hinawakan aking kamay. "Ah. Best. May gusto akong sabihin sayo. Matagal ko na dapat sinabi sayo 'to."

"Hmm? Ano ang gusto mong sabihin sa akin?"

"Ipangako mo muna na kahit ano man ang sabihin ko ay walang magbabago sa pakikitungo mo sa akin. Promise?"

"Osige, Best. Promise. Ano ba yun? Kinakabahan tuloy ako. Huehue."

Huminga siya nang malalim at tumingin ulit sa akin."Ah. Gusto kong sabihin na----"

/TING/

(ETHAN's POV)

Biglang bumukas ang elevator. =____= Haays. Ano ba yan. Kaasar! Kung kelan na nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtapat dun pa nanira ng moment. Tss. Badtrip. Ayaw ko na nga! Pfft.

(JAM's POV)

"Uy. Best. Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko kay Ethan.

S.E.O.U.L: twist of fate by minhaexxiOù les histoires vivent. Découvrez maintenant