CHAPTER 18

7 1 0
                                    

(MADISON's POV)

Hindi pa rin ako makapaniwala na may girlfriend na si Kuya. Ang alam ko kasi ay puro Ka-FLING lang. Kkk ~ pero masaya ako para kanila Ate Rea at Kuya Kaiven, finally may sineryosong babae na si Kuya. :)

Wait nga. Parang naging taga-bantay na ako ng dalawang couple ngayon, ah? :3 Sina Kuya Yvo at Ate Via. Tas sina Ate Rea at Kuya Kaiven. Pano naman ako? XD

Hmm. Nasaan na kaya si Sehunnie baby ko? *O* Namimiss ko na siya agad. :3 Matawagan nga si Nica.

"Wait lang mga kuya at mga ate, may tatawagan  lang ako." Tumayo ako. Pumunta ako sa isang gilid, sumilip muna at tsaka dinial ang phone number ni Nica.

[PHONE CONVO]

"Hello Nica!"

(Oh. Ikaw pala, Maddy. Bakit ka napatawag?)

"Nasaan kayo nina Sehunnie baby?"

(Ha? Ah. Nandito kami sa may Bungee Jumping area. Dali, punta ka dito. ^^)

"Uhm. Wala bang umaaligid diyan?"

(Wala naman. Binabantayan ko siya ng mabuti. Wag kang mag-alala. Lagot sila sa akin kapag nilandi nila si Sehun. Kekeke.)

"Haha. Ikaw talaga. Salamat Nica. Maaasahan talaga kita. Sige, pupunta na ako diyan. Bbye."

[END OF CONVO]

YES. Si Nica ang 'SPY' ko kapag wala sa tabi ko si Sehunnie baby. Hihi. Lagi niya akong inaupdate kung nasaan sila o kung anong ginagawa ni Sehunnie baby. Baka kasi may umaaligid kay Sehun eh. :3 SEHUN IS MINE. ONLY MINE. Matagal ko ng gusto si Sehun. Siya lang ang gusto ko at wala nang iba. Siya lang. I think he's the perfect guy for me. :)

Hindi ako papayag na makuha siya nang iba. Hmm. Si Nica? I trust Nica. Alam kong naman na di sa kanya magkakagusto si Sehun at ganun din siya kay Sehun. At tsaka boto naman sa akin ang Mommy ni Sehun. :))

-

Pagkatapos kong tumawag ay bumalik agad ako sa upuan ko kanina at kinuha ko ang bag ko. "Kuya, Maiwan ko muna kayo dito, ah. May pupuntahan lang ako."

Lumingon sa akin si Ate Via habang hawak niya ang wine glass. "Saan ka pupunta, Maddy?"

Napakamot ako sa noo ko at nagdahilan na lang ako. "Uh. Pupuntahan ko lang yung mga kaibigan ko." Tumango tango ako at nginitian ko sila.

Napatingin sa akin si Kuya Kaiven. "Baka naman pupuntahan mo lang yung crush mo."

I cleared my throat. "Hindi ah!"

"Mabuti naman. Ayaw kong ikaw ang naghahabol sa lalake, nagkakaintindihan ba tayo? At lalong ayaw kong lolokohin ka."

S.E.O.U.L: twist of fate by minhaexxiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon