Chapter 10: Mistake

13.5K 546 83
                                    

( Miyuri Pov )

Nandito kami sa opisina ni Serafhina at nakaupo na nakatingin sa kanya. Nagtataka na nakatingin sa amin si Serafhina dahil sa biglaan namin na pagdating sa kanyang opisina lalo na't may klase pa siyang tuturuan.

Naging isa kasi siyang guro dito sa Fantavian Academy dahil umalis na din naman ang isa. Isa din siya sa aming guro sa isang subject.

"Ano ang itatanong ninyo sa akin?" Kunot noong tanong niya.

Balak ko na sanang magsalita ng maunahan ako ni Rage na poker face lamang na nagsalita.

"It's about Anathasia." Malamig na wika nito.

Tumango naman si Serafhina upang ipahiwatig na ipagpatuloy ang sasabihin.

"Ethan had a vision na pumunta siya sa graveyard forest. Wala kaming alam kung ano ang dahilan niya para pumasok doon pero katulad ng binaggit mo dati na meroon ang kapatid mo na master so nagbabakasakali kami na baka doon siya pumunta sa kanyang master." Mahabang lintanya ni Aly.

"Nag aalala na ako Serafhina. Hindi naman siya tumatagal kapag aalis siya pero ngayon wala parin si Anathasia." Dagdag ni Georgina.

Hinagod ko ang likod ni Georgina bago naman ako nagtanong kay Serafhina.

"Sino ba ang kanyang master?"

Parang hindi naman inaasahan ni Serafhina ang aking tanong. Namutla ito at para bang isang napakadelikado ng aking tanong.

"Oo nga Serafhina. Sino ba ang master ng kapatid mo?" Si Six naman ang nagtanong.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo." Sagot sa amin ni Serafhina.

Bubukahin ko na sana ang aking bibig upang magsalita ng tumunog ang bell habang tumayo naman si Serafhina at kinuha ang kanyang gamit sa pagtuturo.

"Kailangan ko ng pumunta sa klase ko." Dali daling ani nito.

Ngunit bago pa man makalagpas si Serafhina sa aking pwesto hinawakan ko ang kanyang kamay at nagsalita.

"You have to tell us Serafhina para kahit papano hindi kami mag aala ng sobra." mahinahong sabi ko.

"Oo nga naman. Kahit papano we deserve to know the truth lalo na't ikaw pa mismo ang nagbabala sa amin sa kanila." Segunda sa akin ni Alisia.

"Tama! Ngayon nga ay nakakaramdam ako ng kaba dahil sa mga nangyayari." Wika naman ni Elien.

Napabuntong hininga si Serafhina at para bang aayaw pa ngunit ng makita niya ang aming determinasyon tinanguan niya kami.

"Fine! Kung gusto talaga ninyong malaman ang lahat meet me at the school gate tomorrow 7:00 am sharp. Then i'll tell you all the truth including the real world beyond the illusion."

Kumunot naman ang aking noo dahil sa huli niyang sinabi pero wala na kaming nasabi dahil tuluyan niya kaming iniwan sa kanyang opisina.

Wala kaming nagawa kundi ang umalis na lamang sa opisina ni Serafhina at naghiwahiwalay ng daan dahil meroon kaming iba't ibang importante na aasikasuhin.

Kasama ko si Clara at Georgina na naglalakad papunta sa isang parte ng akademya. Tahimik lamang kaming tatlo ngunit binasag ni Georgina ang katahimikan ng makarating kami sa may kadiliman na parte.

"Kamusta na kayong dalawa? Nasabi na ba ninyo sa kanila ang totoo?" Tanong ni Georgina.

Mukha naman hindi nagustuhan ni Clara ang tanong ni Georgina. Nakita ko ang pag kuyom ng kanyang kamay.

"Shut your mouth Georgina. Wala na silang dapat pang malaman sa bagay na iyon" hindi naman nagpatalo si Georgina dahil muli itong nagsalita.

"Sila ang mga maharlika syempre may karapatan silang malaman ang katotohanan." Tumigil si Clara sa paglalakad at sabay kaming binalingan ni Georgina.

Kita ko ang pagpipigil nito sa sarili habang ako naman ay parang nasasayahan sa nangyayari.

"Tumahimik ka Georgina! Ako ang Emperatris kaya kailangan mo akong sundin lalo na't right hand ka. Kung ayaw ko na sabihin ninyo, sundin niyo."

Napahalakhak ako sa aking narinig. Ang sinabi na iyon na Clara ang pinaka nakakatawang bagay na narinig ko.

I can't believe that she really think she is an Empress. She can't even simply looked around her and observe, all she ever do is to sit around and enjoy her silly time.

Dahan dahan akong tumingin sa kanya at gumuhit ang isang ngisi sa aking labi.

"Baka nakakalimutan mo ata kung sino at kung ano ang kaya kong gawin Clara."

Tiningnan niya din ako ng parang wala siyang pakiaalam at nginisian din ako.

"Bakit? Ano pa bang magagawa mo? You're just a lowly acting ice queen." Taas kilay na wika nito.

Imbis na matakot lumawak lamang ang aking ngisi at nagsalita ng nakatingin ng deretso sa kanya.

"If it weren't for me you wouldn't become the Empress. You just simply took that position from me. You just sit on the throne and let them believe you're the oh so called fearless Empress."

Humakbang ako ng dahan dahan sa kanyang pwesto at pinagpatuloy ang aking mga sinasabi.

"You enjoy your time with them as if you already win ng hindi nalalaman na simple ka pa din na babae sa paningin ko at sa mga tao ng aking emperyo."

Hinawakan ko ang ilang hibla ng kanyang buhok at pinaikot ikot ito sa aking daliri.

"Ikaw man ang emperatris sa mga mata ng kaibigan ko ngunit ang pangalan at ang katauhan ko parin ang kinoronahan sa trono ng emperyo. Gusto mo bang malaman ang pinakamagandang pagkakamali mo?"

Itinigil ko ang aking pagpapaikot sa hibla ng kanyang buhok bago muling nagsalita habang siya ay napatitig sa akin ng nagpipigil ng galit.

"You've become Rage fiancee not knowing na ang pirma at pangalan ko ang nakalagay sa papel na pinagkasunduan ng bawat isa. Do you know why? Kahit ikaw pa man ang na sa trono ngayon, ako parin ang totoong humahawak sa posiyon na inaapakan mo. Pero salamat sa iyo dahil ngayon ako na ang fiance ni Rage."

"No! Hindi pwede!" Biglang sigaw niya.

Kumawala ang kaunting tawa sa akin dahil sa biglaan niyang sigaw. Bakit? Hindi ba niya alam ang bagay na iyon?

"Pagbalik baliktarin mo man ang lahat wala parin na magbabago na ako ang may hawak sa korona. Don't worry, hahayaan kitang maging masaya ng ilang araw pa at pagkatapos expect the the day you will fall below again."

Sasampalin sana niya ako ng tumigil sa ere ang kanyang kamay. I smile at her as my eye glow blue.

"Go on slap me then let see kung ano ang mangyayari sa iyo." Panghahamon ko sa kanya.

Bumalik sa dati ang kulay ng aking mata habang si Clara ay ibinaba ang kanyang kamay.

"Sino ka ba sa tingin mo para gawin sa akin ang lahat ng ito? You bitch!"

Tumalikod ako sa kanya at nagpakawala ako ng buntong hininga kasabay ng paglabas ng malamig na usok sa aking bibig bago nagsalita.

"I'm no other than Miyuri Cy the real Empress."

Naglakad na muli ako ng nakapamulsa at tinawag si Georgina.

"Let's go Georgina."

Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Georgina at ang pagtanong niya.

"Are you sure about this, Your Majesty?"

I didn't bother answering her as i look at the person sa kalayuan na walang emosyon lamang and slowly, a mischievous smile crept into my lips.

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon