Chapter 37: Accidentally Meet

10.6K 463 56
                                    

( The Photo Is Not Mine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( The Photo Is Not Mine. For visual purposes only )

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at napangiti sa aking kasuotan. Mas gusto ko ang kasuotan ko ngayon dahil mas makakagalaw ako ng mabuti

Binigyan kasi kami ng mga pamalit na damit ng mga gods and goddesses kaya ang pinili ko ay ang may hood

"Are you done?"

Tiningnan ko naman si Rage na nandito at kasama ko sa pinahiram na silid ng dyosa ng mga tubig

Dapat ang kasama ko sa silid na ito ay si Monique pero bigla na lang pumasok si Rage kasabay ko. Nagulat pa nga kami ni Monique pero wala naman na kaming nagawa

Napailing na lamang ako at lumapit kay Rage na nakaupo sa kama. Nakangiting pinindot ko ang kanyang ilong na ikinasimagot niya

"Nakasimangot ka na naman," wika ko at hinila siya. "Tara na nga!"

Napatigil naman ako ng bigla niyang hinila ang aking kamay at pinag salikop ang aming kamay. Nakita ko pa ang pamumula ng kanyang tenga kaya napatawa na lamang ako ng kaunti

Magkahawak kamay na pumunta kami sa dining room at nadatnan na nakahanda na ang makakain. Umupo naman kami agad habang hinihintay ang ibang kulang

"Alright! Food is serve!" masayang wika ni Ethan

Napangiti na lamang ako dahil sa katakawan nito base sa boses pa lamang. Mukhang gutom na gutom na ito

"Let's start" wika ng dyos ng kadiliman

Nagdasal na muna kami bago tuluyan magsimula sa pagkain. Sabay sabay pa nga kami napailing dahil sa katakawan ni Ethan maging ni Six at Chad

"Matakaw ka talaga, no?" sarkastiko na wika ni Monique kay Ethan

Hindi naman siya pinansin ni Ethan kaya napataas na lamang ng kilay si Monique ngunit hindi ko na muna sila pinansin at hinarap si Crastine Angela

"Can i ask? Hindi ba naka sealed ka?" paninimula ko. "Paano ka nakalabas?"

Linunok muna niya ang pagkain sa bibig bago nagsalita. "Well, some idiots set me free"

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya ng tumikhim naman si Serafhina kaya napatingin kami sa kanya

Napansin ko naman na magsasalita na sana si Serafhina ng maunahan siya ni Crastine Angela

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon