Chapter 14: Graveyard Forest

12.4K 468 22
                                    

Since gumagawa na ng hakbang ang mga tauhan ni na Rage, Zero at ang mga inutusan ko napagpasyahan namin na ngayong araw na pumunta sa graveyard forest

Hinihintay na lamang namin si Serafhina sa harap ng gate dahil siya na lang naman ang may alam kung ano ang ipuntanta doon ni Anathasia

Minutes passed by ng dumating din sa wakas si Serafhina kaya agad naman kaming sumakay sa kanya kanya namin na dragon. Hindi namin kasama si Kuya Tyron at ang kapatid ni Rage na nalaman kong nag aaral na din pala dito

Mas minabuti namin na meroon na magbantay dito na katulad nila lalo na't may nakalaya na demonyo

Si Clara naman ay kasama namin dahil iyon ang gusto ni Dominique kaya wala kaming nagawa. Ayaw ko ng makipagtalo sa kanila dahil alam ko naman na hindi nila ako papakinggan

"Let's go"

Agad ko naman pinalipad ang aking dragon ng marinig ang sinabi ni Serafhina. Sabay sabay na lumipad sa ere ang aming mga dragon habang si Serafhina ay lumipad lamang gamit ang kanyang itim na pakpak

Si Georgina ay nakisakay kay Ethan habang ako ay pinagmasdan ang buong kapiligiran ng Zanvier

Malaki ang Zanvier ngunit sa tuwing pinagmamasdan ko ng kabuuhan nito pakiramdam ko ay mayroon na mali. May parte ng Zanvier na hindi kami pwedeng lumagpas at yun ay napapalibutan ng itim na barrier

Ang sabi nila ay may mga masasamang hayop ang nakatira at ang lugar na iyon ay tirahan ng aming mga kalaban kaya kahit kailan hindi pa kami tumatapak sa isa sa lugar na meroong barrier

Isa na sa lugar na may barrier ay ang graveyard forest na pupuntahan namin ngayon. Dahil sa papasok kami doon hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa wakas makikita ko na kung no ang lugar na iyon

"Straight ahead"

Tiningnan ko ang aking unahan at nakita na malapit na pala kami sa lugar na papasukan namin papunta sa graveyard forest

I look closely to the dark barrier that circling the whole place. It was such a rare sight specially the lighting that struck every minute

Sinundan namin si Serafhina hanggang sa tumigil ito sa harap sa barrier. Hindi namin alam kung ano ang kanyang sinabi ngunit nakita na lamang namin kung paano bumukas ang barrier sakto lamang para makapasok ang aming dragon

Hindi pa man ako nakakapasok kita ko na ang dilim sa buong kagubatan. Nagtataasan ng puno na para bang katulad ng lugar na Forest of Darkness kung saan nakulong si Serafhina

Ngunit hindi ako masyado nakaramdam ng takot sa lugar na ito. Siguro dahil ng makapasok kami tuluyan kong nakita na may mga mahika ang lumilipad lipad sa buong lugar na nakakabawas sa kadiliman

Muling lumipad si Serafhina papunta sa isang lugar habang kami ay sumunod lamang sa kanya

Inililibot ko ang aking pagtingin ng makita ko sa kalayuan ang isang sinag ng ilaw. Para bang kulay violet iyon na umiilaw ilaw like how crystal light

Pinagmasdan ko pa iyon ng mabuti ng parang may nakita akong bulto ng tao doon. Ipinikit ko ang aking mata at tumingin muli doon ngunit hindi ko na nakita ang umiilaw na parang crystal lalo na't nakalayo na kami sa lugar na iyon

"Is that Anathasia?"

Lahat kami napatingin sa parte na tinuro ni Alisia at nakita na may dalawa na bulto ang nandoon. Tumatakbo sila at para bang nagmamadali pa

"Yes. That's my sister" seryoso naman na wika ni Serafhina

Lahat kami napasunod ng mabilis na lumipad pababa si Serafhina papunta sa direksyon ng kanyang kapatid na mukhang naramdaman naman nila

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Anathasia ng makita kami habang ang kasama niya ay hindi namin makita ang reaksyon dahil may suot itong cloak na natatakpan ang mukha

Sabay sabay kaming lumapag sa sahig kasabay ng pagkawala ng aming dragon habang napalibutan namin si Anathasia at ang kanyang kasama

"Ano ang ginagawa niyo dito?" agad na tanong sa amin ni Anathasia

"Kami dapat ang nagtatanong sayo ng bagay na iyan" mataray naman na saad ni Victoria

Seryoso kami niyang tiningnan at binalingan niya bigla si Serafhina na nakatitig lamang sa kanya

"Did you bring them here?" Anathasia ask na kaagad na sinagot ni Serafhina

"Yes"

Disbelief is written in Anathasia face dahil sa sagot ni Serafhina. Napasabunot pa ito sa kanyang buhok dahil sa narinig

"Why? Why did you bring them here?" muling tanong ni Anathasia

Kita ko ang pagbuntong hininga ni Serafhina at para bang nagdadalawang isip kung sasabihin pa iyon kay Anathasia

"It's her order" maiksing sagot ni Serafhina

Nangunot ang noo namin dahil sa sinabi niya. Para bang walang nakaintindi sa sinabi niya maliban sa kanila na tatlo

Si Anathasia at ang kanyang kasama ay para bang hindi makapaniwala sa kanilang nakuha na sagot kay Serafhina. Kita namin iyon sa paraan ng kanilang paggalaw lamang

I even saw how Anathasia clench her hand while her face become more serious

"I don't believe you. Why would she even give order to you?'

Sumeryoso din ang mukha ni Serafhina bago sinagot si Anathasia

"It was part of her plan. Sh-she.....she-"

"She what?" madiin na tanong ni Anathasia dahil sa utal utal na sagot ni Serafhina

"She's going to reveal them beyond the illusion"

Bumagsak ang balikat ni Anathasia hanggang sa unti unti siyang napahalakhak. It was like a laugh of a woman who can't believe what she just heard

"Are you kidding me?! Plano niya ang lahat ng ito pero ilalabas niya lang naman pala sila sa lahat"

Serafhina look directly to Anathasia eye habang ako naman ay pinagmasdan lamang ang magkapatid

"It's all part of her plan"

Para bang naiinis na si Anathasia sa kanyang naririnig at kaunting oras na pang at sasabog siya sa galit

"Why does she always need to plan something na hindi natin kayang intindihin? Hindi ko na alam ang dapat gawin sa kanya. We even came here to find the-"

"Hidden history" pagtatapos ni Serafhina

Lahat kami ay nangunot ang noo dahil sa sinabi ni Serafhina. Nakaramdam ako bigla ng kakaibang pakiramdam na dumaloy sa aking pakiramdam ng muli naman nagsalita si Anathasia

"Akala ko sa kanila lang siya may plano ngunit akala ko lang pala"

I stare at Serafhina ng tumingin siya sa kalangitan ng may mapait na ngiti sa kanyang labi while i felt a slight pain in my chest

"Sadly, we are all part of her game"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon