Chapter 43: The Truth

11.3K 518 146
                                    

Muling isang batang sanggol na naman ang biglang ipinakita ng imahe

"June 15, 2002. Muli akong nabuhay at ang muli kong pangalan ay Majesty Miyuri Cy. Wala akong nakakalimutan at lahat ng alaala ay para bang kahapon lamang"

Ang batang babae ay naging isang ganap na dalaga na si Miyuri. Pinakita din si na Aly na kasama ni Miyuri

"Naging normal naman ang takbo ng buhay ko at nakilala ko si na Nova. Nabuhay kami ng normal lamang sa mortal world hanggang sa nakilala ko ang guro namin na si Silver Night Sean Zrais"

Ipinakita naman ang lalaki na nakilala namin sa Cratider

"Sa una pa lamang na nakilala ko siya alam ko ng may kakaiba sa kanya. May bumabalot na mahika at ang napakalakas niyang aura"

"Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang malaman ang lahat ng kanyang impormasyon. Tinulungan ako ng aking kapatid hanggang sa nalaman ko na kagaya ko siya at nandito siya sa mortal world dahil sa isang misyon. Siya ang lalaki na may kapangyarihan ng kamatayan at ang tanging kahinaan ko"

"Death is my weakness"

Bigla naman napunta ang imahe sa mga panahon na naging magkasama si Silver at Miyuri

"Nakuha niya ang atensyon ko kaya inalok ko siya ng tulong. Sa una ayaw niya pero kalaunan ay pumayag siya"

"Naging maayos naman ang pagsasama namin kahit pa man wala siyang katiting na emosyon dahil sa kanyang sumpa at habang tumatagal nahahanap namin ang salarin sa isang isla"

Lumipat ang imahe sa isang van na magkakasama sina Miyuri at Enzo

"Nagpapasalamat kami dahil nahanap na namin ang salarin kaya agad namin binalak na makauwi pero iyon na pala ang araw na magbabalik ako sa mundo ng Xaurus"

Napahawak ako sa aking kamay ng makita ang biglang pagsalpok ng van sa isang truck at puno

Napatakip pa ako sa aking kamay ng makita ang sugatan na katawan ni na Miyuri

"Naaksidente kami. Tanging ako lamang ang natira na may malay kaya pinilit ko na sumigaw at humingi ng tulong pero ang tanging nakikita ko sa labas ng van ay ang imahe ng aking sarili na nakangisi habang nakasuot ng puro na violet suot ang aking korona hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay"

Napunta naman ang imahe sa kabuoan ng Zanvier

"Nahati ang aming kaluluwa. Ang kalahati ay napunta sa Zanvier habang ang kalahati ay natira sa aming tunay na katawan. Ang kaluluwa namin sa Zanvier ay naging isang ganan na clown"

Nagulat na lamang ako ng biglang ipinakita si Hm Tanya kasama si na Miyuri

"Nakilala ko si Hm Tanya at tinulungan niya ako na mahanap ang aking mga kaibigan and she trained us in Timeless Room. Ang dalawang araw sa totoong mundo ay dalawang taon sa Timeless Room"

Muling nagbago ang imahe sa Jenysis Empire kung saan kinokoronahan si Miyuri

"Nakilala namin ang lolo ni Hana and he choose me to become the new Empress na tinanggap ko naman"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon