Chapter 19: Figment of Future

12K 462 147
                                    

( Third Person Pov )

Sa isang parte ng tagong lugar sa mundo na Xaurus ay may isang kaharian na walang nakakaalam. Napakaganda at puno ng mahika ang lugar na nakakabighani

Sa lugar na iyon may makikita na mayroong isang babae na kulay asul ang buhok at may pakpak ang tumatakbo papasok sa palasyo. Bakas sa mukha nito ang pangamba at ang pagmamadali

Ang mga tao na kanyang nadadaanan ay yumuyuko sa tuwing makikita siya ngunit hindi niya iyon iniintindi sapagkat nagmamadali siya

Walang pagaalinlangan na pumasok lamang siya sa malaking pintuan kung saan ang ibang kanyang kauri ay nandoon at mukhang hinihintay siya

Lahat ng nilalang sa loob ay napahinga ng mabuti ng makita siya habang ang iba naman ay agad lumapit sa kanya at ang iba ay sinundan na lamang siya ng tingin hanggang sa tumayo siya sa katabi ng babaeng may puting buhok

Ang silid naman na kanyang pinasukan ay isang malaki na hugis pabilog. Sa bawat gilid ay nababalutan ng mga maliliit na ilaw na lumulutang lamang sa buong silid habang meroong mga halaman ang nakadikit sa pader

Ang babae naman na may puting buhok ay nagsalita upang makuha ang atensyon ng mga nilalang na nasa loob ng malaking silid na iyon

"Since Naz is the only one na wala pa dito, let's begin" wika nito na sinang ayunan ng lahat

Ang ilaw ay biglang nagsipagpatayan habang ang pulang crystal na lumulutang na nasa pinakagitna ng silid na iyon ay ang tanging bagay na umiilaw

Ang crystal na iyon ay ang bagay na iniingatan nila sapagkat iyon ang palatandaan sa isang malakas na nilalang na nakakulong sa crystal

Lahat ay natuon ang atensyon doon at tiningnan ang bawat parte ng kulay pulang crystal kung paano iyon magkaroon ng bitak. Ang bawat bitak na nangyayari sa crystal ay ang bawat oras na ikinakabahala nila

"Nababasag na ang pulang crystal, ibig ba nitong sabihin nababasag na din ang kanyang crystal?" tanong ng babaeng may pulang buhok

"Maaaring ganon na nga ang nangyayari" sagot naman ng babaeng may brown na buhok

"Ano na ang gagawin natin?" tanong naman ng babaeng may puting buhok

"Sa kasalukuyan wala tayong magagawa lalo na't hindi pa nagbibigay ng utos si Unknown" wika ng babaeng may asul na buhok

"Paano na iyan? Kailangan natin ng plano lalo na't alam natin na malaki ang posibilidad na bumalik ang ina ni Angela" sabi naman ng babaeng may berdeng buhok

"Maaring magkagulo ang lahat kapag nagkataon" saad naman ng babaeng ang buhok ay isang apoy

"Wala tayong magagawa dahil hindi pa siya lubusan na nagigising" ani naman ng babaeng nakalutang

"Hindi din natin malalaman kung anong oras siya tuluyang magigising" saad naman ng babaeng ang buhok ay parang vines

"She could awaken anytime" komento ng babaeng may damit ng isang usok

"More than that she is more powerful when she is fully awaken" ani muli ng babaeng may asul na buhok

"Maraming bagay ang maaring masira pagnagkataon" wika ng babaeng may ginto na buhok

"Marami na ang nasira simula ng mabuhay silang dalawa" wika ng isang tinig

Lahat napatigil at napatingin sa babaeng bagong dating. Mayroon itong itim na buhok habang ang pakpak nito ay lumalabas ng usok na para bang sa isang yelo

Lumapit ito sa may katabi ng babaeng may asul ang buhok bago tiningnan sila ng seryoso lamang

"Your late" wika ng babaeng may puting buhok

"Does that even matter? I'm already here" sarkastiko na ani nito

Napailing na lamang ang mga nilalang dahil sa sinabi ng babaeng may itim ang buhok. Sanay na sila dito kaya hindi na sila magtataka o magugulat pa sa ugali nito ngunit kahit ganoon man ang babae na may itim na buhok alam nila na isa ito sa mapapagkatiwalaan na nilalang

Magsasalita na sana ang babaeng may pula na buhok ng bigla na lamang may pumasok na isang tagasilbi at may isang dalang sulat. Inabot ng tagasilbi ang papel sa babaeng may puti ang buhok na kinuha naman agad nito

Agad na umalis ang tagapagsilbi bago naman binasa ng may puting buhok ang sulat. Lahat sila ay maiigi na pinakinggan ang bawat salita na kanyang pinakawalan

"She gave me the order already. Anathasia was supposed to be with me but the Royalties put her in the prison in the meantime and i'm the only one who got out but don't worry, for the time being keep your eyes in the crystal and make sure to inform us once Crastine break through Majesty seal. From Arzo"

Nagkatitigin silang lahat dahil sa nabasa ng babaeng may puti ang buhok habang napailing na lamang ang babaeng may itim ang buhok

"Looks like we have to prepare ourselves" ani ng babaeng brown ang buhok

Bigla na lamang bumukas ang malaki na bintana sa may silid at ang pagihip ng hangin ng malakas kasabay ng pagkulog at kidlat. Nakaramdam sila ng kakaibang pakiramdam na lumandas sa kanilang katawan

Sa kaharian naman ng mga diyos na ginawng kulungan ng Unknown ay kumulog at kidlat din. Ang goddess of future ay bigla na lamang nangisay na ikinabahala ng ibang mga dyos

Alam nila na nakakakita na naman ito ng pangitain kaya kahit gusto man nila na tulungan ito hindi nila kaya dahil bawal nilang pakialam ito sa tuwing may nakikita na pangitain

Wala silang nagawa kundi ang hintayin na kumalma ito at bumalik sa wisyo. Mabuti na lamang hindi nagtagal ang pangitain nito kaya nakahinga sila ng maluwag ng makita nila na nasa normal na kundisyon muli ito

Hinintay naman nila na mahabol muna nito ang hininga bago sila nagtanong dito

"Are you okay?" tanong ng dyosa ng mga tubig

Tango lamang ang naging tugon ng dyosa ngunit nagulat na lamang sila ng biglaan na hinawakan ng goddess of future ang dyosa ng mga tubig bago nagsalita

"They're coming back. Both will be seen again in the world. She will break through the seal while she will be fully awaken. Yet another person will be added to the two person we feared"

Akala nila tapos na ito sa mga sinasabi ngunit nakaramdam sila ng kilabot sa muling sinabi nito

"This generation, it won't be two person who we will fear, the future showed it as three "

- - - - - - - - - -

Can you guess whose the third person? Comment if you have a guess

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon