Chapter 32: The Red Crystal

9.4K 415 36
                                    

( Miyuri Pov )

"Anong nararamdaman mo?"

"Kaya mo bang magsalita?"

"Are you okay?"

"Wala bang masakit sayo?"

Napatawa na lamang ako dahil sa sunod sunod nilang tanong. Kanina pa nila ako hindi tinitigilan simula ng dumating sila.

"Guys! Hinay hinay lang, mahina ang kalaban." ani ko ng natatawa.

"Pero okay ka lang ba talaga?" tanong ni Alisia.

"Don't worry, okay lang ako" nakangiti kong sagot.

Nagpakawala naman sila ng malalim na buntong hininga habang ako ay napailing na lamang.

"Ano ba kasing nangyari sayo? Nakita ka na lang namin na wala ng malay." Aly ask ng nakakunot ang noo.

Bigla ko naman naalala ang ilusyon ngunit ang talagang tumatak sa isip ko ay ang babae na pure violet ang kasuotan.

"Nakita niyo ba siya?" pagbabalewala na tanong ko sa kanila.

"Siya?" nakakunot na ani ni Six.

"The girl with pure violet outfit" pag uulit ko.

Bigla naman sila natigilan sa aking sinabi. Napatitig din sila sa isa't isa biglang namutla.

"You mean the Unknown?"

Lahat naman kami napalingon sa may pintuan upang makita si Serafhina na kakarating pa lamang.

"Mabuti at gising ka na" nakangiting saad niya na nginitian ko din.

"Huwag niyo munang aalahanin si Unknown. Makikilala niyo rin siya sa tamang panahon sa ngayon ay pinapatawag tayo ni Light" nangunot naman ang aking noo dahil sa binanggit na pangalan ni Serafhina.

"Light?" nakakunot kong tanong.

"One of the Elemental Angel." sagot naman sa akin ni Rage.

Napatango na lamang ako bago ibinalik ang tingin kina na nagsalita muli Serafhina.

"Meroon daw siyang importante na sasabihin."

Ako ang unang tumngo at tatayo na sana ng pinigilan naman nila akong lahat na ipinagtaka ko.

"What are you doing?" tanong ko.

"We should be asking you that." nakataas na kilay na wika ni Victoria.

"Kakagising mo pa lang, kaya mo na ba?"

Napangiti na lamang ako. They really look so concern to me. I hope ganito parin nila ako itratrato sa hinaharap.

"I'm really okay. Kaya ko na ang sarili ko."

Nakita ko ang hindi nila pagsangayon ngunit agad na akong nagteleport sa may tabi ni Zero na ikinagulat nila.

"Let's go." ani ko at hinila si Alisia na nasa harap ko lamang.

"As always, hindi talaga siya nagbabago." narinig ko pang saad nila.

Napangisi na lamang ako dahil sa aking narinig bago naglakad kasabay si Alisia na may ngiti sa labi.

Ramdam ko ang pagsunod nila sa amin na dalawa ni Alisia habang si Serafhina naman ay inunahan na kami na ikinasimangot ko na lamang.

Sinundan namin si Serafhina hanggang sa makarating ito isang pintuan na ginto.nAgad na binuksan iyon ni Serafhina at pumasok habang kami naman ay sumunod muli sa kanya.

Namangha na lamang ako ng may nakita akong malaki at pabilog na lamesa. Napapaligiran din ito ng magkahalong ginto at silver na upuan, it was just like a round table.

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon