Angst Week -SeBy : Pangako

408 17 0
                                    

Nagising ako sa pagdampi ng mga kamay mo sa aking pisngi. Hindi ko alam kung paano pero alam kong ikaw yun. Dumilat ako at nakita ko ang mukha mong naka ngiti.

Ang mga ngiting bumihag sa akin simula pa nung una ko tong makita.

"Niligpit ko na ang mga gamit mo, yung mga ibang di mo kailangan tinapon ko na" sabi mo sa akin habang tinititigan mo ako sa mga mata ko.

"Pa ano.." di ko na natapos ang tanong ko ng bigla mo akong hinalikan sa mga pisngi.

"Salamat sa lahat ng mga binigay mo. Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng mga yon. Minahal mo nga talaga ako." Sabi mo habang nakangiti.

"Oo naman, mahal na mahal kita. Ibibigay ko lahat para sayo." Sagot ko naman kahit nalilito pa rin.

"Naalala ko nung College pa tayo, sakto lang yung baon mo, pero alam kong nilalakad mo paminsan-minsan ang galing sa inyo hanggang sa may sakayan ng bus para lang makatipid ka at ma bilhan mo ako ng kwekwek at softdrink". Sabi nya habang tumatabi sa gilid ko.

"Malapit lang naman yung sakayan ng bus eh, tsaka exercise na rin, para lumakas katawan ko." sagot ko naman natatawa.

"Anong malapit, apat na kilometro din yun uy." Sagot nya habang tinapik yung balikat ko.

"Ok lang yun, dahil dun, nalaman ko yung ibig sabihin ng sakripisyo." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Di mo naman kailangan gawin yun. Pero salamat, di ko alam na may tao pala na handang mag sakripisyo para sa akin."

"Wala yun, yun lang pala eh." Sagot ko naman habang nakatitig sa kanya. May gusto akong itanong pero di ko maalala kung ano.

"Naalala ko din, yung unang date natin. Dun sa may simbahan, sinundo mo pa ako sa may kanto tapos muntikan ka pang lapain ng aso." Tumatawa siya habang inaalala yung araw na yon.

"Ay, oo nga no, tapos nung hinatid na kita nung pa-takipsilim na, ang bilis ng lakad ko kasi baka habulin nanaman ako." Sabi ko habang sabay kaming tumatawa.

"Tapos nung pinakilala na kita kay kuya at nanay. Grabe porma mo nun, pang matinee idol." sabi niya habang tumatawa, "Takot na takot ka noon kasi akala mo bubugbugin ka ni kuya, yun naman pala, pina-inom ka lang ng Gin Bilog."

"Tapos pinakanta ako sa karaoke!" Sagot ko naman habang tumatawa, "Simula noon, naging close na kami ni kuya Ugi"

"At nagustuhan ka rin ni Nanay, kasi pagkatapos mong kumain, hinugasan mo yung pingan mo."

"Eh sanay ganun nga naman diba, sa bahay namin ganun eh."

"Kaya nga, tapos nun, parati mo na akong sinusundo sa bahay para ihatid sa school". Sabi nya habang nangisi, tenga sa tenga.

"Nangako ako, susunduin kita at ihahatid kita kung saan ka man pupunta, diba?" Sagot ko sa kanya.

"Naalala ko yang pangako mong yan. Yung Ondoy, sinundo mo ako talaga sa boarding house namin at hinatid mo ako sa bahay. Naka-sakay ako sa likod mo. Siguro mga tatlong oras din tayong nag lakad." Sabi niya habang inaalala yung Ondoy.

"Hindi naman, siguro mga dalawa lang. Sagot ko." Habang tumatawa.

"Muntikan pa nga tayong tumumba nung malapit na sa bahay" Sabi niya habang tumatawa.

"Eh may something na madulas akong natapakan." Sagot ko naman sa kanya.

"Salamat. Salamat talaga. Alam kong unfair at di ko maibabalik lahat ng kabaitan mo." Sabi niya habang naka yuko.

"Di mo naman kailangang pantayan eh, bumalik ka lang sa akin, ok na" Sagot ko sa kanya habang naka-ngiti

"Di na talaga pwede Sela, gustuhin ko man pero di na pwedeng bumalik." Sagot nya sa akin.

"Alam ko naman, wag kang mag alala, may na isip na akong paraan. Hintayin mo ako, susunduin kita doon at ihahatid kita. Mali, sasamahan kita kung saan ka man pupunta." Sabi ko habang natataranta. Hinahanap ko ang mga kailangan kong gamit.

"Alam kong nangako ka sa akin, na susunduin mo ako at ihahatid kung saan man ako pupunta. Kaya nga andito ako ngayon para sabihin sayo na di mo na kailangan pang gawin yun. Ok na ako. Kaya ko na, kahit mag-isa." Sabi nya habang hinawakan ang kamay ko.

"Hindi pwede yun, alam mo naman na simula't sapul eh yun yung ginawagawa ko. Kaya nga sising-sisi ako nung di kita inihatid sa Naga para sa Location Review ng first project mo as team leader..." Sabi ko habang umiiyak.

"Hindi kasi pwede diba, kasi nga may project presentation ka rin dun sa mga directors ng office nyo, diba?" Sabi nya habang hinahawakan ang mukha ko.

"Oo, pero dahil doon, hindi ko na sunod ang pangako sayo, pero wag kang mag alala, ngayon gagawin ko na." Sabi ko habang humahagulgol.

"Sela, kaya nga andito ako, para sabihin sayo, na di mo na ako kailangang ihatid, Ok na ako."Sagot ni Abby,

Tumayo siya at humakbang papuntang pintuan.

"Time's up, kailangan ko ng umalis. Sige, para fair sayo, yung pangako mong ihahatid ako at susunduin, palitan natin. Ipagpatuloy mo ang yong buhay, kahit na wala na ako doon. Alam kong masakit, pero you're more than this. Ipakita mo sa akin na ikaw ang Sela na kilala ko, na minahal ko. Malakas, matapang, kaya lahat ng pagsubok sa buhay. Mahalin mo ang sarili mo at sana may mahanap ka ring tamang tao na mamahalin mo. Ipangako mo Sela, continue living. Do you promise?" Tanong ni Abby sa akin

"I promise. I love you, so much". Yun lang ang nasagot ko.

"I know". Sabi niya habang hinalikan ako sa labi.

Nagising akong umiiyak.

Tumayo agad at hinanap si Abby.

Naalala kong wala na siya. Naaksidente ang van na sinasakyan niya papuntang Naga. Nalibing na rin siya two weeks ago.

Tumayo ako para sana kumuha ng tubig, pero napansin ko na yung lubid na naka buhol sa kisame eh naputol na, at yung piils na iinumin ko sana ay nahulog na sa drain.

Natumba ako at napahagulgol.

"Salamat Abby, susundin ko ang pangako ko sayo." Nasambit ko.

Random MNL48 StoriesWhere stories live. Discover now