II

88 3 0
                                    



Charlotte's POV

Humihikab at sabog akong naglalakad papuntang room. Anong oras na kasi kaming nakauwi kagabi. Ang daming ganap teh! Nanuod kami ng sine tapos pumunta sa isang beach at nag chilly kuno ewan ko ba pero nakakaaliw naman pwera nalang dun sa tatlong boys na englishan ng englishan.

Buti nalang andun si mudra na kasama ko mag laro ng valleyball kaya lang d marunong si mama. Lagi niya akong tinatamaan ng bola sa mukha kainis.

"Good morning Char!" Nakangiting salubong sakin si Ansel pag tapak ko sa room.

Nilampasan ko lang siya at dumiretso sa upuan ko. Sinundan niya ako ng tingin habang nakalabi pa sa hindi ko pag pansin sakanya. Oa much.

Hindi ko naman mapigilang maalala yung mga sinabi niya kagabi.

"You know what. I like you."







"I like you as my translator."

Hays yun lang pala sasabihin niya bakit d nalang niya tinext. Echoserong Koreano.

"Omg. Ang snobber talaga niya."

"Bat kasi siya kinakausap ni fafa Ansel?"

"Nag inarte pa siya ang swerte nga niya pinansin siya ni Ansel bEhbEh quOh!"

"Shhhh! Baka marinig kayo at mabully na naman."

Bulong-bulongan ulit ng mga kaklase kong naririnig ko pa rin. Nag bulongan pa sila sa lagay na yan ah.

"Oo nga naman. Baka marinig ko kayo." Walang emosyong saad ko na ikinaputla nila.

"You're sad? You miss tito?" Oa na tanong sakin ni Ansel kaya inirapan ko nalang. Pinsan ko nga pala to.

Kaninang madaling araw kasi yung alis ni papa papuntang Japan. Matagal pa siyang makakabalik dito kasi Japayuki si papa dun kaya nga sa Japan dba? Mga bobo. Hays mamimiss ko talaga siya.

Mabilis ang usad ng oras at huling subject na. Natuwa naman ako dahil Filipino ang subject na kung saan ako magaling. Major in English pa rin ang kursong kukunin ko sa Collage dahil magaling din naman ako dito sabi ni papa pero ayaw naman maniwala ni mama. Busher kasi yun.

"Bakit nagiging magaan ang paraan ng pag-intindi sa isang tekstong masasabing naratibo?" Tanong ni ma'am pagkatapos niyang mag turo.

"Psst! Char what do you mean by that?" Bulong ni Ansel at umusog pa talaga palapit sakin.

Hala siya. Filling closer porket closer na sila nila papa. Sabagay pinsan ko nga pala siya.

"Ha? Halaman." Walang emosyon kong sagot.

"Oh Mr. Lee do you want to answer? Did Charlotte already translated what I discussed?" Tanong ni ma'am.

Oo nga pala kalat na sa paaralan ang pagiging transition ko kay Ansel. Kaya hindi na sila nag adjusting. Yun din ang utos ni Mrs. Dean na filling prettyness.

"Yes ma'am." Proud na sagot ni Ansel.

Ang hangin naman. Hindi ko masyadong naintindihan yung English ni ma'am. Kaloka I need an entrepreneur.

That ML player thingWhere stories live. Discover now