*flashback continuation*
Whole day akong hindi lumabas sa room. Sinabi ko lang sa teacher na masama ang pakiramdam ko para hindi ako makasali sa mga games. Gabi na kaya paniguradong tapos na sila sa mga activity. Hindi ko kayang makasalamuha sila. Lalo na si Kenjie.
Pagkatapos niyang ipagtapat lahat sakin kagabi ay iniwan ko lang siya. Ano ba sa tingin niya mag a-I love you too ako? Tapos happy ending agad?
Kaya pala galit na galit si Eltsen. Naiintindihan ko na lahat. Kakausapin ko si ate at hihingi ng sorry. Hindi ko kayang masira ang relasyon namin dahil lang sa isang lalaki.
"Eliza please can we talk?" Napairap ako ng kumatok si Kenjie.
Kanina pa siya dyan. Bawal kasi ang cellphone dito kaya nangungulit siya sa labas. Binuksan ko ang pinto at pagod siyang tiningnan.
"Kenjie ano ba? Ano pa bang hindi mo naintindihan?" Pagod kong tanong.
"Hindi ko maintindihan dahil alam kong mahal mo din ako. Eliza pwede bang sarili mo naman ang unahin mo?" Pakikiusap niya at hinawakan ang kamay ko.
Lumaki ang mata ko ng makita kong napadaan si ate at tumingin samin tsaka tumakbo palabas, Dali-dali ko namang inalis ang kamay ni Kenjie at hinabol siya.
"Ate! Ate please." Sigaw ko.
"Ano?" Sagot niya habang hindi tumitingin sakin.
"Ate I'm sorry." Umiiyak kong saad.
"Sorry. Sorry. Ate lalayuan ko na si Kenjie. Ate sorry." Dagdag ko at lumuhod.
"Tumayo ka dyan." Saad niya at hinila ako patayo.
"Eliza I still love him. Kuya found out about us and threatened me to tell mom and dad kaya I had to break up with him. I want him back." Giit niya dahilan ng pag sikip ng dibdib ko.
"Sige ate. Tutulongan kita na magkabalikan kayo ni Kenjie. Patawarin mo lang ako. Bumalik na tayo sa dati please?" Pakiusap ko. Gagawin ko ang lahat magkabati lang kami.
"Okay. I'm sorry din I don't want us to have bad blood." Saad niya kaya niyakap ko siya.
Goaled number 2: tulongan si ate at Kenjie na magkabalikan. fighting?
~~~
Last day na ngayon ng camping namin kaya susulitin ko na to. Napangiti ako ng maalalang nagkabati na kami ni ate kagabi. Pero paano ko ba siya tutulongan kay Kenjie? Kaya ko ba talaga?
"Hi Eliza. I'm so sorry about the other day." Nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Eltsen.
"Okay lang naintindihan na kita. Pero bakit wala kang sinabi sakin?" Nagtataka kong tanong.
"Yun na nga I'm sorry about that madami kasi akong iniisip. Ugh I'm so stressed!" Maarte niyang saad.
"Hi girls!" Lumapit samin si ate na may dalang buko juice at binigyan kami.
"Wala ng game we'll have our own free will to do things since last day na. After this we're gonna go and prepare because later mag bo-bonfire tayo! I can't even. The bonfire is really the best part of the camp." Dagdag niya pa.
