XIV

14 1 0
                                    


Charlotte's POV

"Ayoko!"

"Yes you will."

"No!"

"Yes"

"No!!"

"Yes or I'll tell dad?" Pananakot niya.

"I'll tell dad nyenye. Puro ka nalang daddy daddy nyenye." Pang iinis ko pa lalo sa kanya.

"I'm serious here Char. Ibabagsak na talaga kita sa subject ko. Deserve mo naman eh." Aray ha.

"So ano? Is it a yes or yes?" Dagdag pa ni kuya once nga pala siya ampft.

"Yes!" Nagulat ako ng sumigaw si Ansel. Ginagawa niya dito sa office ni Dean na naman?

"By the way Mr. Lee here will be your escort. I know close na kayo so pumayag ka na. Your sister would be so proud." Saad ni Mrs. Dean. Psh.

"Okay." Sagot ko nalang at umalis na.

Wala naman silang alam eh. Pero gagawin ko to para sa kanya at para kila dad. Alam ko namang matutuwa sila pag sumali ako. Sige sasali ako sa Ms. Jarvard University 2020. Kung bakit kasi bawal kumuha mula sa elite section eh.

---

Nang nag uwian na ay pinatawag kaming lahat na candidacy sa pageant sa gym para mag practice kuno.

"Kainis naman oh. Pwede kaya mag ml dun?" tanong ko kay Ansel na nakaakbay sakin kaya pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante. Tinaasan ko lang ng kilay yung mga tumitingin dahilan ng pag yuko nila sa takot.

"Later kana mag ml bo." Sagot niya.

Pagdating namin sa gym ay may mga tao ng nanunuod. Agad namang nakunot ang noo ko. Akala ko ba may practice. Bakit may mga nakikinuod? Ganito ba talaga ka importante tong pageant nato?

Sabagay ngayon nalang ulit sila nagpa pageant ulit dito. Last year wala kasi. Ang alam ko lang si ate ang nanalo dati. Gustong-gusto pa nga namin ni mama na manuod kaso masyadong malayo at may exams ako nun.

"Candidates line up already! Wag niyong pinapainit ulo ko." Saad ng isang bakla na  naka floral na pink kaya dali-dali naman kaming pumunta sa stage.

Nagbunot muna kaming mga babae para sa magiging number namin. Napangiti naman ako sa loob-loob ng makitang 7 ang nabunot ko. Ibig sabihin huli kami ni Ansel at Godly number pa. Sabi din ni ate swerte daw ang number 7 sa pageant.

Pagod akong napaupo sa gilid ng stage habang pinagmamasdan ang mga taong unti-unting nagsiuwian. Nakakainis buong practice ay lagi akong napapagalitan.

Una sa pag rampa dahil wala akong dalang heels kaya pinahiram ako pero nabali ko yung heels. Binayaran ko naman wag kayo. Tapos lagi akong naliligaw kung saan banda lalakad. Hindi din daw ako umaayos sa pag sayaw. Aba kasalanan ko bang iniisip kong kumembot pero ayaw makisama ng katawan ko? Kj kasi to minsan. Iniintindi ko nalang. Sana kayo din.

Kumunot ang noo ko ng makita ko si Ansel na may kausap na babae. Kung hindi ako nagkakamali siya ang representation ng g11. Nagulat ako ng bigla itong tumawa ng malakas sabay hampas sa balikat ni Ansel. Si Ansel naman ay mukhang tuwang-tuwa din kausap siya.

Dali-dali naman akong lumapit sa kanila at inagaw ang bote ng tubig na hawak ni Ansel.

"Hi girl." Bati ko sa kanya sabay ngiti. Dapat mabait ako sa mga makakalaban ko. Ganun talaga we should have good conductor and right mannerisms.

That ML player thingWhere stories live. Discover now