*flashback continuation*
                              "Come on Eliza don't be such a kill joy." Iritang saad ni Eltsen.
                              Kanina pa kami dito nagtatalo dahil gusto ng lumabas ni Eltsen para mag inuman samantalang si ate ay nakatulog na kaya ako ang kinukulit niya para lumabas. Nag usap kasi kami kanina na dito ako matutulog sa kwarto nila. 
                              "Please Eliza. Sasamahan mo lang ako. Hindi mo na kailangan uminon swear." Pangungulit pa niya kaya napabungtong hininga nalang ako.
                              "Sige na nga. Mabilis lang to Eltsen ah. Mahirap na baka mahuli tayo." Pagsuko ko.
                              "Yey thanks bae!" Masaya niyang saad at niyakap ako.
                              Pasekreto kaming bumaba hanggang sa nakalabas at dinala ako ni Eltsen sa madilim na bahagi ng dagat. 
                              Nagtaka ako ng may mapansing nag bo-bonfire malapit sa dagat.
                              "Ayun sila. Hi boys." Magiliw na saad ni Eltsen at sinaluhan sila.
                              Nakilala ko naman agad sila. Tatlong lalaki at ang isa si James.
                              "Hey. You brought the liquor babe?" Tanong niya kay Eltsen at hinawakan ang bewang neto.
                              Whut?! Sila ba? Nagtaka ako pero nanatili nalang akong tahimik. 
                              "Of course." Masayang giit ni Eltsen.
                              "By the way this is Eliza. You know her na diba?" Dagdag niya pa.
                              "Syempre bukambibig yan ni Kenjie eh." Sagot nung isang lalaki.
                              "Whatever no one's asking. Speaking of Kenjie. Where is that guy? He's been acting weird lately ah." Maarteng saad ni Eltsen.
                              Sakto namang may umahon mula sa dagat na isang nilalang kaya napaigtad ako ng upo. M-multo?! 
                              Naglakad ito papalapit samin kaya pilit kong inaaninag ang mukha. Madilim kaya nahirapan akong makilala pero ng makalapit na siya ay biglang nanghina ang mga tuhod ko. 
                              "There you are Kenj. You look wasted. If Char sees you in that state magagalit yun." Pagkausap ni Eltsen sa kanya pero hindi niya ito pinansin at dire-diretsong uminom ng alak. 
                              "Hayaan mo na siya babe. Broken yan. Let's start the truth or dare." Anas ni James.
                              "No! Truths are not allowed. Everyone has to take dare and if they can't they'll have to drink." Giit ni Eltsen at tumingin sakin.
                              "Ah hindi ako sasali dyan." Saad ko.
                              "Oh come on Eliza don't be such a buzzkill." Sabad ni Eltsen.
                              "P-pero sabi mo samahan lang kita." 
                              "Hey magsimula na nga tayo. Kasali lahat ah. No exemptions." Saad nung isang lalaki at pinaikot ang bote sa gitna.
                              Sakto namang huminto ito sa harap ni Eltsen at ang dare sa kanya ay umakyat sa isang puno at manatili dun for 1 minute pero hindi niya nagawa kaya inisang lagok niya lang ang alak. Nakita ko namang hindi maipinta yung mukha niya pagkatapos niyang uminom.
                                      
                                  
                                              
                                          
                                              