V

46 2 3
                                        






Charlotte's POV


"Wow! Sainyo talaga tong 'Kawaii Bakery'? Di nga?" Nagdududang saad ni Donnang jobless at braless na rin.

"Huy ikaw Donnang flat ka. Don't underdog me! Business thing ata to!" Proud kong sagot.

"Kaya lalo akong nagdududa eh." Bumubulong-bulong pa siya na hindi ko masyadong narinig.

"What you said?!" Mataray kong saad.

"Haha haha wala po madam. Ang sikat po kasi netong bakery niyo na kahit yung Starbucks dito kumukuha ng cakes." Well may RightMed siya dun.

"Donna"

"Po?"

"Ikaw ba ang star sa Starbucks?"

"Bakit po?"

"Kasi ang flat mo."

"Ay grabe siya. Eh kung pumasok na po kaya tayo. Kanina pa pumasok sa loob yung jowa niyo." Sagot niya. Sinong jowa? Omg salamat naman at may jowa ako.

"Hindi ka ba makapag hentai dyan?! Teka lang." saad ko at pumalakpak ng tatlong beses.

"Hala. Nabaliw na." May binubulong-bulong pa rin si Donna. May sa mangkukulam ata to.

Maya-maya lang may pina roll na red carpet sa harap ko papuntang entrance ng bakery ko.

"Nag tide ako eh. Gulat ka no?" Mayabang kong saad kay Donna na nakanganga na kaya pumapasok na yung sipon niya sa bibig. Yak!

Inirapan ko nalang siya at rumampa papasok. Pag dating ko sa loob ay nakalinya na yung mga empleyado ko habang naka bow.

"Good day Ma'am Prettyness Overrated!" Sabay-sabay nilang bati sakin at nag gwiyomi kaya tuwang-tuwa yung mga customer na nandito.

Uy ako nag turo sakanila niyan. Galing ko no?

"Okiiiee." Sagot ko at nag finger heart sakanila kaya dali-dali naman silang bumalik sa mga trabaho nila.

Ngayon alam niyo na kung bakit Kawaii Bakery to. Nag papabebe kasi mga tao dito. May mga signs ako na yung mga empleyado ko lang nakakaalam.

Pag isang finger heart ibig sabihin 'mag trabaho kayo ng maayos mga bobo kayo' Pag dalawang finger heart ibig sabihin 'mga bobo kayo mag trabaho kayo ng maayos'

My gosh! I'm so bright like a diamond in the sky. Nung nagpaulan siguro ng katalinuhan nasalo ko lahat. Thank you Lord!

"Bobo, here. I bet you're exhausted." Sabi ni tito Ansel at binigyan ako ng cake with shake. Char!

"Thankies bobo." Malambing kong sagot sa tito Ansel ko kahit bobo siya mapakikinabangan pa rin.

"Ay naintindihan mo yun ma'am kawaii?" Tanong sakin ni Donnang uhugin habang todo lantak sa cake ko. Ay wow ang kapal.

"Akin na nga yan!" Saad ko sabay kuha ng cake ko at diretso lamon para wala ng maka hingi.

"Syempre naintindihan ko yun. Anong akala mo sakin? Bobo?!" Pagtataray ko pa sakanya.

"Hmmp! Damot. Ano pong sabi ni pogi?"

"Sabi niya bet niyang kumain ng pinakbet. Ewan ko ba naglilihi ata yan eh." Sagot ko at nag kibit-balikat.

That ML player thingWhere stories live. Discover now