Chapter 3

3.5K 60 18
                                    

"S-sorry di ko sinasadya."
nakayuko kong tugon sa kanya.

Nakita ko syang tumayo at inayos ang kanyang damit.

"Ah sige Eros mauna na ako."

"S-sige." kinakabahan man ay pinilit ko paring ngumiti.

Tumango naman siya bilang sagot.

Agad niyang pinulot ang kanyang diary at agad na tumakbo.

Paglingon ko ay wala na sya.

Napangiti ako at hinawakan ang aking labi habang walang pakundangan ang pagtibok ng aking puso.

Umuwi ako ng bahay at sumalampak sa kama.

Wala pang limang minuto ay agad akong dinalaw ng antok.

"Minahal mo ba talaga ako? sagutin mo ko!"

Isang lalaki ang nakatayo sa harapan ng isang babaeng mugto ang mga mata.

"Oo minahal kita at alam mo yun!"

"Ako nga ba o yang lalaking nasa panaginip mo?" sigaw ng lalaki.

Halata sa kanyang mukha ang labis labis na poot na kanyang nararamdaman.

"Ano? So totoo nga mas minahal mo yang lalaking nasa panaginip mo kesa sa akin. For pete's sake hindi siya totoo."

Tanging iyak lang ang naisumbat ng babae.

"I cant believe this all this time ginagago mo lang pala ako! great just great!"

Hinablot ng lalaki ang dalang sketchpad ng babae.

May nakaguhit ditong mukha ng isang lalaki.

"Ito ba? ito ba yung pinagmamalaki mong lalaki ha?" mapang-asar nitong patutsada.

"Ni hindi nga yan totoo!"
sabay yupi at inapak-apakan ang sketchpad nito.

"Wag! tama na pls. tama na."
nagmamadali nitong kinuha ang kanyang sketchpad at inayos.

Mangiyak iyak nitong inayos ang pagkakayupi.

"Ano ba talaga ang totoo ha sagutin mo ko!" niyugyog niya ang babae.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon